Naglalakad ako papasok sa building ng Normal Class. Doon ako nagpababa kasi balak kong bisitahin muna sila Menma at Hera habang hindi pa naman nagi- start yung klase. Wala lang, boring lang ako sa buhay ko.
Habang naglalakad ako, napansin ko yung kakaibang tinginan sa'kin ng mga estudyante. Alam ko namang natural lang 'yun, pero mas kakaiba talaga ngayon eh. Nakikita ko silang pinagbubulungan ako habang may hawak na papel, dyaryo at isang... picture. Wala akong idea kung ano 'yun, baka something lang 'yun na kasama dun sa kakalabas lang na magazine.
"HI CLASSMATES!!:D" masaya kong bati sa mga kaklase ko nung nakapasok ako sa classroom namin.
Lahat sila napalingon sa'kin na pare- pareho ang expression sa mukha. Pare- parehong malungkot at may halong gulat yung facial expression nila. Sa pagkakataong 'yun, na- weirdohan na talaga ako. Ramdam ko na may hindi magandang nangyayare eh.
"Ano bang meron? Bakit ganyan yung mga mukha niyo?" nagtataka kong sabi sa kanilang lahat.'
Napansin ko yung picture na hawak ni Rodjhun na bigla naman niyang tinago sa likuran niya nang mapansin niyang nakita ko 'yun.
"Ano ba 'yang tinitingnan niyo? Kanina sa labas may mga hawak din na ganyan yung mga tao. Yung iba dyaryo pa yung hawak." Dagdag ko pa ulit.
"W- wala 'to D- Denise! Wag mo na lang pansinin!" nauutal na sabi sa'kin ni Rodjhun na halatang may tinatago sa'kin.
"Ipakita niyo na 'yan. Ganun din naman! Malalaman at malalaman din ni Denise ang tungkol diyan!" singit naman ng isa kong kaklaseng babae.
Hindi na 'ko nakatiis pa. Kusa na 'kong lumapit kay Rodjhun para tingnan yung picture na tinatago niya sa likuran niya. Agad kong hinila 'yun sa kanya at...
"D- Denise?"
Nanlambot ang mga tuhod ko. Naramdaman ko ang biglaang paglamig ng buong paligid at halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung ano ang nasa picture na tinatago nilang lahat sa'kin.
"Denise?" narinig kong muling tawag sa'kin ni Menma.
Tulala lang akong nakatitig sa picture. Hindi ko alam kung ano yung dapat kong maging reaction. Iiyak ba 'ko, magagalit, tatawa o dededmahin na lang ang nakita ko.
"Kalat na 'yan sa lahat. Meron na sa mga dyaryo at pinag- uusapan na sa lahat ng social media. Nakakapagtaka ring lahat ng locker dito sa school e merong ganyan kaya lahat ng estudyante e may copy na niyan. Parang may nanandyang ikalat talaga" sabi sa'kin ni Rodjhun.
Huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti sa kanila kahit nararamdaman ko na ang pamimintana ng mga luha sa mata ko.
"Eto lang pala eh! Akala ko naman kung ano! Wag niyo na 'tong pansinin ^_^ Nga pala, dumaan ako kasi na- miss ko lang kayo. Babalik na rin ako sa royals' kasi magbe- bell na! Sige! Alis na 'ko." Nakangiti kong sabi sa kanilang lahat.
Kita ko naman sa mga mukha nila ang pagkagulat at pagtataka sa naging reaksyon ko. Hindi siguro nila inaasahang iyon ang ipapakita ko sa kanila after kong malaman kung ano 'yung nasa picture. Dama ko ang lungkot, awa at pakiki- simpatya sa'kin ng mga kaklase ko, pero ayoko lang talagang ipakita na apektado ako sa kumakalat na pictures.
Tumalikod na 'ko saka nagmamadaling lumabas ng classroom. Nakayuko kong nilakad ang corridor ng Normal Class hanggang sa maka- baba ako ng hagdanan at makalabas ng building. Ayoko nang makita yung mga reaksyon ng mga taong nakakita ng picture. Siguradong, masasaktan lang ako at baka humagulgol lang ako ng iyak pabalik ng Royal Building. Tsaka isa pa, maganda ang naging gising ko ngayong umaga kaya wala akong balak sirain yun nang dahil lang sa mga pictures na nagkalat.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...