["Wala nang hihigit pa sa Ninja moves na natatanging inaalay kay Crush"]
Lumabas na 'ko ng building ng Normal Class. Luminga- linga sa paligid saka umisip ng paraan kung pano ko mapapasok ang teritoryo ng mga taong ipinanganak sa mundo ng mahiwagang baul ng ginto, in short Royal Class. Sa school kasi na 'to, there's only ONE RULE we must not tolerate as poor people of society.
"Student from Normal Class and Lower Class are strictly prohibited for entering the building/territory of Royal Class, except if they have the permission from the teachers who have given the conformity of abiding the rule. Student who caught on act shall be punished by the school head."
O Diba?! San ka naman makakahanap ng school na bawal kumausap ng mayayaman. Sobrang nakaka- intimidate ang batas na 'to! At F.Y.I talagang naka- print siya sa FIRST PAGE ng STUDENT HANDBOOK. Isang malupet na batas talaga. Akala mo naman may mga ketong kaming mahihirap na kapag nadapuan nila kami ng tingin e mahahawa sila agad- agad. Iniisip rin siguro nila na dahil nga sa mahihirap kami e baka nakawin namin yung mga gadget nilang nakatago sa mga locker! Haler! Mahirap ako pero hindi naman malikot kamay ko no!-_-
Tsaka kasi sa'kin, hindi uso ang mga batas na 'yan. Nakaabot nga ko ng senior high na araw- araw pinapasok ang teritoryo ng mga mayayaman na 'yan e. Para- paraan lang! XD
Lumakad na 'ko papunta sa building ng royal class. Katabi lang yun ng building namin kaya hindi masyadong malayo. Doon ako pumwesto malapit sa harap ng building nila kung saan humihinto ang sasakyan na binababaan ng mga estudyante. Naghintay ako ng isang magarang kotse na hihinto doon at magbaba ng isang royal class student.
After a while, may dumating na BMW na kulay red. JACKPOT!
Agad akong nagtago sa likod non saka pumwesto sa kabilang pintuan. Nung nakababa na yung sakay nito, nagpanggap naman ako na kunwaring sakay din ng kotse na yun. Naglakad ako na kunwaring kakababa lang ng sasakyan saka umakting na sosyal. Inayos ko yung buhok ko at itinaas ng konte ang palda ko para magmukha akong maarte at sexy. Agad ko namang iniharap yung backpack ko para takpan ang logo sa uniform ko. Madali kasing akong mahuhuli kapag nakita na color yellow ang logo ko. Red kasi ang logo ng royal class at green naman sa lower class.
Nagdiret-diretso na ko sa pagpasok kasabay nung babaeng totoong sakay ng BMW kanina. Halos hindi na 'ko huminga dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko hihimatayin ako. Sa lahat kasi ng technique na ginawa ko e ito ang pinakamadugo. Madalas kasi sa bintana ng Girls comfort room ako dumadaan o di naman kaya'y inaantay kong malingat ang guard para makapasok ako. Sa pagkakataong ito, masasabi kong pwede na 'ko maging NINJA ^^
Binilisan ko na ang lakad ko paakyat ng hagdan para makalayo na ko sa entrance kung saan may mga guard. Nung makalayo na 'ko, saka lang ako nakahinga ng maluwag pero tinatakpan ko pa rin ng bag ko ang logo ko. Mahirap na!
2nd floor
3rd floor
4th floor
Isang floor na lang makikita ko na ang Prince Charming ko. Nga pala, sorry! Hindi ko pa napapakilala sa inyo si Gian My labs!
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...