Isang nakangangang umaga ang sumalubong sa’kin. Sobrang boring ng buhay ko ng mga oras na ‘to. Nakatitig lang ako sa black board at nagi- imagine na may lumabas na mahiwagang tv mula doon at ipapalabas ang paborito kong Nickelodeon shows, like Spongebob o Jimmy Neutron (Nickelodeon ba si Jimmy Neutron??? Ah Basta!) =_=. Ang aga ko kasing nagising kaninang umaga kaya naman napagdesisyunan kong pumasok na lang ng school. Endangered events na lang ang mga ganitong kasipagan ko.
Si Hera ang naunang dumating sa’kin pero hindi ko naman makausap kasi busy sa pagbabasa ng book na The Hunger Games -_-
Hindi pa dumadating si Menma kaya wala akong kasama sa jamingan.
Yung mga kaklase ko naman may kanya- kanyang agenda. >____<
After 45 minutes…
“Whoah! Ang aga mo Denise ah! First time mong nauna sa’kin sa buong buhay ng pag- aaral natin! Anong meron?” bungad na sabi ni Menma nang makapasok siya ng pintuan.
“Anong- anong meron? Bawal bang mapag- tripan kong pumasok ng umaga?” nakabusangot kong sabi.
“Hindi naman! Na- culture shock lang ako ^^”
Umupo na siya sa assigned seat niya and ususual, gitara ang una niyang inatupag. Ka- baet na bata eh!
Maya- maya pa’y nagulantang kaming lahat ng nagsisisigaw na pumasok sa classroom namin yung kaklase naming bakla.
“MGA INDAY BADUDAY! MANINIWALA BA KAYONG MAY NAKITA AKONG TAGA- ROYAL CLASS NA NALIGAW SA BUILDING NATIN?!!” pasigaw niyang sabi.
O.o
Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Hera.
“Baka naman may pupuntahang teacher!” sagot nung kaklase naming babae.
“TEACHER?! EH PAAKYAT PO KAYA NG FLOOR NATIN! HALER! YUNG FACULTY NASA BABA LOLA!” sigaw na naman niya.
Hindi na lang kami kumibo at dinedma na lang namin ang balita niyang wala namang wenta -_-
Nakita namin siyang lumabas ng classroom.
Maya- maya pa’y wala pang 30 seconds nang marinig na naman namin ang tili ng baklang ilusyonada sa labas ng corridor.
“MGA BAKLAAAA!!!!! SECTION NATIN ANG HINAHANAP NIYA!!!!” sigaw na naman niya sa’min.
“Huh? Pano mangyayare yun?” tanong nung isa ulit naming kaklaseng babae.
Wala pang ilang segundo nang marinig na lang namin na parang biglang nagkaroon ng ingay sa labas ng classroom at ang classmate naming bakla ay nakatulala nang nakatingin sa labas na akala mo nakakita ng picture kong maganda. Charot!
Lahat ng nasa loob ng classroom na ‘yun ay namilog ang mata nang makita nila kung sino ang pumasok sa classroom namin. Pero, mas namilog ang mata ko nang marecognize ko kung sino ang poging anghel na bumaba sa langit para sunduin ako. Charrriiinnggg! ^^
“Is this section C?” tanong niya.
Imbes na sumagot ay biglang humagalpak ng tawa ang classmate naming bakla na tinatanong naman ng maayos. -_-
“Bwahahhahahhahhaha XD Kaimbyerna ka Kuya! Hahahahhahhaha :D wala akong na- gets sa sinabi mo. Pwede paki- google translate?”
O_O Tae! Basic english lang eh hindi niya pa naintindihan. Bobo ako ah pero nakakaintindi naman ako ng English kahit onte.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...