"Sa sasakyan na lang ako nila Menma sasabay sa pag- uwi ng Mansion. Sabi kasi ni Lola, kotse niyo daw yung maghahatid sa kanila." Sabi ko kay Gian habang kausap siya sa phone ko.
"Okay. Mag- iingat ka ah!" sagot naman niya.
"Opo! I love you! Kita na lang tayo sa bahay mamaya ^^" kinikilig- kilig ko pang sabi.
"Sige! I love you too"
Kyaaaaaaaahhhhhhhh!!!! >_< Nag- I love you too siya mga pare! >o< The best birthday gift ever! :*
Binaba ko na yung phone ko saka binalik sa bulsa ng palda ko. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa building ng normal class. Pupuntahan ko sila Hera at Menma dahil kukunin ko yung picture na pinabili ko sa kanya. Picture yun na trip kong i- drawing pag may free time ako. Sabi din nila, kelangan ko din daw dumaan dun dahil may surprise party na inihanda sa'kin ang buong section C. Well, hindi na pala surprise party ang tawag dun :3 Party na lang kasi wala na 'yung surprise. Pinagkanulo na nila yung plano ng mga kaklase ko. Pero ganun pa man, na- touch pa rin ako dahil sa effort na ginawa nila. Kahit na lumipat na ako ng royal class, tinuturing pa rin nila akong kaklase ^^ How chwet di'ba? XD
"Chocolabs!"
Napatigil ako sa paglalakad saka nilingon ang maliit na iskinita na nasa pagitan ng royal at normal class building. Isang lalaki na nakayuko habang nakasuot ng ball cap na may printed sa harapan na "One of a kind" ang nakita kong naglalakad papalapit sa'kin.
"Happy Birthday pala! Akala mo nakalimutan ko noh?" bati niya saka inangat ang ulo niya. Doon ko lamang namukhaan kung sino ang lalaking 'yon.
O.O
Si Jin na kasama yung ibang mga tropa niya na mabilis agad akong pinaligiran na parang langgam na nakakita ng asukal.
"J- Jin? H-hehehehe ^^ S- salamat! Nakakatuwa namang naalala mo yung birthday ko" pilit kong nakangiti.
"Siyempre naman! Makakalimutan ko ba naman ang birthday ng bagong prinsesa ng Fortaleza Empire" nakangiti niyang sabi sa'kin.
"Hahahahaha XD Nga naman, pano mo makakalimutan ang birthday ko! Hehehehe ^^ Ahmmm... una na 'ko ah! M-may pupuntahan pa kasi ako eh!" sabi ko saka humakbang muli para lumakad na, pero nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa braso.
"Sandali lang! Nagmamadali ka naman eh. Hindi ba ko invited sa birthday mo?" tanong niya sa'kin habang mahigpit na nakahawak sa braso ko.
"H-ha? Actually, invited ka! Kaya magbihis ka na! Maraming bisita ang darating dun kaya dapat gwapong- gwapo ka sa get- up mo!" bola ko naman sa kanya.
Bwwwoooooaaaahhh! Nasusuka ako Guys sa sinabi ko! >_< Kung minsan talaga kelangan nating magsinungaling para makaligtas tayo -_-
"Wow! E pano kung gusto kong i- celebrate ang birthday mo na tayong dalawa lang?"
*Gulp
Hindi maganda 'yun.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang 'yon. Nanlamig ang buong katawan ko at ramdam kong may hindi matinong gagawin 'tong mga bangaw na 'to sa'kin!
"H-h-ha? Hindi naman pwede 'yun! Dapat share- share!!! I- share mo naman ako sa pamilya at mga kaibigan ko. Di'ba nga bayanihan of the people? Hahahahaha XD"
Pakshet! Kinakabahan na talaga ako! T_T Pinipilit ko lang itago sa loob ko 'yung takot na nararamdaman ko dahil sa mga salitaan ng bangaw na 'to >_<
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...