Inaabangan ko si Gian ngayon sa paglabas niya. Ganito naman ang normal routine ng buhay ko. Ang abangan siya sa paglabas ng kwarto niya para sabayan sa pagbaba ng hagdan at pagsakay ng sasakyan. Actually, simula kagabi hindi niya pa rin ako kinikibo, maski na kaninang umaga. Para lang akong multo na dinadaan- daanan niya. Ni hindi niya ako magawang kibuin o dapuan man lang ng tingin :'( Halatang hanggang ngayon, galit pa rin siya sa'kin.
Maya- maya pa'y lumabas na siya ng kwarto niya, then nagtuloy- tuloy na sa paglalakad pababa ng hagdan. Mukha lang akong anino na nakabuntot sa likuran niya. Grabe! >.< Hindi nakakasanay ang ganito T_T
Maski na nung nasa sasakyan na kami, hindi niya pa rin ako kinikibo. May nakapaslak lang na malaking headset sa tenga niya at nakababad naman ang mukha sa nilalaro niyang app sa iPad. Magdamag kaming ganun, akala mo hindi kami magkakilala >.<
Pagdating naman namin ng school, nauna nang bumaba sa'kin si Gian ng sasakyan. Tapos, katulad ng ginawa niya kanina, nagtuloy- tuloy lang siya sa paglalakad. Mukha na naman kaming tren na umaandar. Nauuna siya, nakasunod ako then sa likod ko si Rain. Mukhang eng- eng lang di'ba? -_-
Pagpasok ko ng classroom, swerteng wala si Paul. Mukhang absent na naman siya ngayon. Atleast, wala nang addick na alien na mangungulo sa'kin. Lalo pa ngayon na sirang- sira talaga ang mood ko dahil kay Gian. ---___---
Umusad ang oras, pumasok lahat ng subject teachers. Nakatanga lang ako magdamag. Nakatitig lang sa black board at iniisip kung ano ang gagawin ko para lang kausapin na 'ko ni Gian. Kung kinakailangang talunin ko ang tuktok ng mount everest, takbuhin ng naka- paa ang great wall of china, languyin ang pacific ocean at palitan ng ginto ang perlas na pader ng taj mahal e gagawin ko talaga para lang kausapin niya ulit ako :'(
Pagdating ng lunch break, tinext ko sila Menma na hindi ako makakasabay sa kanila ngayon kasi kay Gian ako sasabay ng pagkain. Ok naman sa kanila lalo na nung sinabi ko na world war z kami ngayon at kelangan ko siyang suyuin. Pagdating namin ng canteen, sumunod na agad ako sa pila ni Gian para um- order na rin ng pagkain. Nung tapos na siya, dumiretso na siya sa bakanteng table na nakadikit sa may pader, at siyempre sumunod din naman ako dun. Kaso, naubos ko na lahat- lahat ng pagkain ko at natapos na rin ang lunch break, wala pa rin ho siyang kibo T_T
Nung nag- uwian na, hindi ko siya sa labasan ng building inintay kundi doon mismo sa tapat ng classroom niya. Nung nakalabas na siya, mukha namang wala siyang nakita. Dire- diretso pa rin -_-
Sumunod na ulit ako sa kanya pababa, pati si Rain e nadadamay na sa giyera namin ni Gian. Pareho niya kasi kaming hindi maka- usap ng matino eh -_-
Pagpasok namin sa kotse, ganun pa rin ang eksena. NO KIBUAN ALL THE TIME :'(
Hindi ko na mapigilang sumikip ang dibdib ko. Hindi na ako sanay na hindi kinikibo o kahit dinadapuan man lang ng tingin ni Gian. Hindi na 'ko sanay na sinusupladuhan niya :'( Ayoko ng ganito. Ayoko ng hindi niya ako kinakausap T_T
Pagdating namin sa bahay, nauna na agad siyang lumabas sa'kin. Katulad ng araw- araw naming pag- uwi, si Lola ang sumalubong sa'min.
Nakita kong humalik lang si Gian kay Lola tapos nagtuloy- tuloy na sa pagpasok sa loob ng Mansion.
Nung ako na yung humalik kay Lola, bigla naman niya akong tinanong.
"Hindi parin ba kayo nagkikibuan?" tanong niya sa'kin.
Tumango lang ako saka yumuko.
"Magiging maayos din ang lahat ija! Pinag- alala mo lang kasi siya ng sobra kahapon eh kaya naman ganun na lang ang tampo niya sa'yo" sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Novela JuvenilAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...