Antivirus 8

3.5K 93 2
                                    

["Real talk: Kung di ka man lang magawang lingunin ni CRUSH, tip ko sa'yo batuhin mo siya ng Coke- in- Can sa ulo. That's proven and tested. Pustahan! Di ka lang niya lilingunin, lalapitan ka pa niya!"]

“Class Dismissed!”

Hindi pa nakakalabas yung teacher namin ng classroom, tumayo na agad ako at kinuha ang bag para mauna nang lumabas. Kanina pa talaga ako kating- kati  umuwi. Actually, 30 minutes bago mag ring yung bell naka- ready na talaga ang gamit ko. Signal na lang ni teacher ang kailangan ko para humarurot ng takbo palabas ng classroom.

Palabas na ako ng pintuan ng tawagin ni Menma ang pangalan ko.

“DENISE!”

Lumingon ako sa kanila.

“San ka pupunta? Diba maunang umuwi mamamatay?” paalala niya.

“Hindi naman ako mauunang umuwi eh. Magsi- CR lang ako. Wait niyo na lang ako sa may bicycle rack. Sabay tayo!”

Pagkatapos nun, kumaripas na agad ako ng takbo pababa at palabas ng building. Maraming estudyante na ang naglalabasan ng kanila- kanilang classroom. Nagsisimula ng mag- ingay ang paligid. Binuksan na ang malalaking gate ng school para sa mga kotseng susundo sa mga mayayamang estudyante ng royal class. Tumakbo ako papuntang entrance ng building ng royal class kung saan lumalabas ang mga estudyante at sumasakay ng mga sundo nilang kotse.

Nagtago ako sa isang halamang malapit lang doon. May aabangan akong lumabas. Hindi para i- stalk kundi para gantihan. Ilang minuto akong naghintay doon hanggang sa tuluyan nang lumabas ang target.

Nakita ko siyang lumabas ng glass door kasama ng isa pang lalaki na nakatalikod sa direksyon ko kaya hindi ko makita ang mukha. Tumayo sila ng ilang sandali doon sa harap ng glass door. Palagay ko hinihintay nila ang “MGA SUNDO” ng target. Maya- maya pa’y dumating na ang sunod- sunod na kulay itim na kotse saka huminto sa harapan nila. Pumunta sa kabilang pintuan ang lalaking kasama niya, at siya naman ay binuksan na ang pintuan sa harap niya.

Hinawakan ko na ng mahigpit ang coke-in-can na kanina ko pa bitbit saka tinantya ang distansya para siguraduhing masasapul ang target sa pagtira ko.

Tinaas ko na ang kamay ko.

1…

2…

3…

Bato!!!

 Sabay yuko!!

*PANG!!!!

“Aray!” narinig kong sigaw ng target.

“YES! SAPUL SIYA! Galing mo talagang umasinta Denise! Winner!” bulong ko sa sarili ko.

“SINO NANGBATO SA’KIN?!” sigaw niya ulit at halata ko ang galit sa tono ng boses niya. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, nai- imagine ko na ang pagkunot ng noo niya, pag- usok ng ilong  at pag- nguso ng mga labi niya dahil sa inis. ^_^

“Hala! Dapat sigurong mag- change location na ‘ko. Baka mahuli pa ‘ko dito”

“What happened Gian?” narinig kong tanong ng isang boses ng lalaki.

Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil patakbo akong nakayuko pabalik sa building ng normal class suot- suot ang ngiti sa mga labi. TAGUMPAY AKO SA PAGHIHIGANTI KO! Medyo nabawasan na ang sama ng loob sa dibdib ko dahil sa wakas nakapaghiganti na ako sa’yo GIAN DEIMIEN FORTALEZA! Buti talaga expert ako sa larong Tumbang- preso nung bata pa ‘ko. Ang galing kong umasinta! ^_^

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon