Antivirus 54

2.4K 80 10
                                    


*Menma


Huminto ang bus namin. Agad akong sumilip sa labas ng bintana ng bus para siguraduhin kong nandito na nga ba kami sa Asia's school of performing arts. Nung nakaraang linggo ko pa gustong pumunta dito eh >_< Sa pangalan pa lang ng school e alam ko nang ito ang pangarap kong pasukan. Waaaahhhhh TT____TT Tae! Em zoo exzoited >o<

"Nandito na tayo!"

Agad akong lumingon sa kabilang upuan saka nginitian si Rojhun. Aware sila sa excitement na nararamdaman ko. Wahahahahahaha! Kaagad kong tinapik si Hera na natutulog sa tabi ko. Tulo- laway pang ini- enjoy ang panaginip niya, si ako naman 'tong papam- pam.

"Wui! Gising na! Andito na daw tayo!" sabi ko sa kanya.

Pupungas- pungas naman siyang umayos ng upo saka kinusot ang mata at pinahid ang nagbabadyang pagtulo ng laway sa labi niya.

"Dito na tayo?" wala pa sa huwisyong tanong niya.

"Oo! Grabe! Excited na ko Hera!!! >_<" kinikilig kong sabi sa kanya.

Hindi siya sumagot. Kinuha niya lang yung backpack niya saka sinuot sa likod tapos tumayo na sa upuan tsaka sumunod dun sa ibang estudyante na nagbaba- baan na ng bus.

Ay genen? Snow bear (Snobbers)? -____-

Napakamot na lang ako sa ulo ko saka nakangusong sumunod sa kanya.

Pagbaba namin ng bus, halos lumuwa yung dalawang eye balls ko dahil sa laki at ganda ng school. DIYUSKO! ITO ANG SCHOOL NA PAPANGARAPIN NG LAHAT! *_____* SOBRANG GANDA! Nakakaiyak ang kalakihan at kagandahan ng buong school. Talo pa ata yung Hogwarts nila Harry Potter! TT____TT

"Wui!!!! SAMA KO SA INYO!" biglang gulat sa'min ni Denise. Kung makatakbo 'tong babaeng 'to akala mo hindi buntis

-__- Kahit kelan ka talaga Denise! Tsk!

"Welcome students! We are all glad to have you here. By the way, I'm Miss Teneza and I will be your usherette for this day. I will give you a tour for you to see our school facilities and the beauty of Asia's School of Performing Arts. It's my pleasure to assist you with." Sabi ng isang babae na nakapang- formal attire na nagsasalita sa harapan namin. Sa tingin ko siya yung parang tour guide ng section namin. Well, ayos na rin. Chix naman eh :p Witwiw!

Nagsimula na kaming lumakad lahat. May kanya- kanyang destinasyon bawat estudyante. Kahit kasi may mga tour guide na naga- assist sa kanila, mga pasaway pa rin 'tong mga 'to na gumagala mag- isa. Mas maganda nga naman yung mage- explore ka mag- isa di'ba? Habang naglalakad kaming grupo- grupo ng mga estudyante papunta doon sa malawak na field ng school na nakapwesto mismo sa harapan ng main building nila, bigla kaming nagulat nang may magsulputang mga tao na nagsi- sayaw sa harapan namin. *_____*

HUMAYGAWD! MAY FLASH MOB!

At ang galing nila *o*

Sa sobrang swerte ko nga naman e natapat pa ko sa kanila. Bale sa mismong harapan ng section namin sila nagsisi- sayaw. At ako ang nasa pinaka- unahan ng klase namin, kaya naman tanaw na tanaw ko lahat ng kilos nila. Sobrang nakakatuwa at nakakamangha. Walang hindi magaling sa kanila. Lahat nakakasabay. Lahat hindi nagpapatalo. Hindi ko mabilang kung ilan sila basta ang masasabi ko lang, silang lahat ay SUPER- DUPER COOL!

Sa dami nilang sumasayaw, may pitong lalaki ang nangingibabaw. Nasasabi kong nangingibabaw dahil silang pito lang ang naka- itim na jersey at may suot na snap back cap.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon