Antivirus 27

3.2K 93 2
                                    

 

“Manong, patabi na lang po sa tapat ng building ng Normal Class.” Pakisuyo ko sa driver.

 

“Ano na namang gagawin mo dun -_-?” nakabusangot na mukha ni Gian habang tinatanong ako.

 

“May kukunin lang po ako kay Menma. Babalik naman agad ako!” sagot ko naman sabay kurot sa pisngi niya.

 

“Aray! >.<” nakasimangot niyang angal sabay hawak sa pisngi niyang kinurot ko.

 

“Hahahahahaha XD Sige na!”

Bumaba na ako ng kotse tapos tiningnan ko naman ang pag- alis ng sasakyan papunta dun sa building ng Royal class.

Nagtuloy na ako sa paglalakad papasok ng building ng Normal Class pero napahinto ako nang maramdaman ko ang pag- vibrate ng phone sa bulsa ko. Dinukot ko yun saka tiningnan kung sino yung nag- text.

1 message received

From: Menma;

 

Denise! Mamayang uwian ko na lang iaabot yung book na hinihiram mo. Hindi pa kasi binabalik ni Rodjhun, tatapusin niya pa daw.

 

Ngeeee!!  Hindi naman agad sinabi -_- Kung kelan paakyat na ‘ko ng building eh saka lang nag- text. Dapat pala hindi na ‘ko nagpababa dito.  >.<

Naglakad na lang ako pabalik sa building ng Royal Class. Medyo binilisan ko na rin ang paglalakad ko dahil ilang minuto na lang e magbe- bell na. Baka ma- late pa ‘ko sa first subject ko.

Halos patakbo na ang lakad ko papuntang building ng royal class nang …

O_O

“AYYYYYYY!!!”

 PAKSHET!!!

Agad kong hinawakan ang palda ko na kamuntikan nang tumaas dahil sa hinayupak na motor na dumaan.

 

Takte!! Akala mo nasa Fast and Furious 6 lang yung driver ng motor. Kung makapagmaneho e akala mo nasa NLEX siya dahil sa bilis niya sa pagpapatakbo >.< Kamuntikan niya pa ‘kong mahagip dahil sa gilid siya ng kalsada nagpapatakbo. Bwissseettt! Hindi niya ba alam na ang required na kph ng pagpapatakbo ng mga sasakyan dito sa loob ng school e 15?! E mukhang 50 kph yung maneho niya eh >____< Sumemplang sana.

 

Nakita kong huminto malapit sa building ng Royal Class yung pugok na driver ng motor. Tumakbo naman agad ako papunta sa kanya para konyatan yung alien na ‘yun.

 

“HOY! IKAW! HINDI MO BA ALAM NA BAWAL DITO ‘YANG GINAGAWA MO?” galit na galit na sigaw ko sa kanya.

Nakita kong tinanggal niya yung helmet niya saka tumingin sa’kin then… nag- SMILE???  O.o

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon