Antivirus 19

3.1K 92 2
                                    

*Triiiiiiiiinngggggggg…

Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ko nang tumunog ng malakas ang alarm clock.

“Ang sakit naman neto sa tenga!! >.<”

Inabot ko na agad yun saka pinatay. Muli akong bumalik sa pagkakahiga saka kinusot ang mga mata para piliting magising. Ito ang unang umaga ko sa pamilya Fortaleza, nakakahiyang ma- late ako sa breakfast. Sabi pa naman sa’kin ni Lola kagabi, tradisyon na daw ng pamilya nila na kumain ng sabay- sabay, para always united.

Tumayo na ako sa kama at unang inasikaso na ayusin ang pinaghigaan ko. Pagpag dito, pagpag there. After nun, nilapitan ko ang pintuan ng terrace saka binuksan iyon.

*_*

Wow! Ang ganda!

Hmmmmmmm!!!   ang presko pa ng hangin.

Tiningnan ko ang garden na nasa ibaba lang ng terrace ko at mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang mga hardinerong maagang nagdidilig ng mga halaman.

“Magandang umaga po!”  sigaw ko para batiin silang lahat.

Lahat naman sila ay napahinto sa kani- kanilang ginagawa saka nilingon ako mula sa itaas.

“Magandang umaga din Young Lady Denise!”  sagot ng isang matandang naka- sombrero pa.

Nginitian ko naman silang lahat. Pagkatapos nun, bumalik na ako sa loob ng kwarto para ihanda na ang sarili ko.

Humarap ako sa salamin saka sinuklay ang buhok ko.

*Tok! Tok! Tok!

“ Young Lady Denise?”

Bigla akong napatigil sa pagsusuklay. Lumapit agad ako sa pintuan para pagbuksan ang kumakatok.

“Ay! Ano po ‘yon? :)”  nakangiti nong tanong.

“Nakahanda na po ang breakfast. Pinapatawag na po kayo ng Lola niyo”  sagot ng maid.

“Sige po! Bababa na rin ako.”

Sinara ko na ang pinto saka muling humarap sa salamin.

Grabe! Ibang- iba ang buhay na meron ako dito kumpara sa buhay na kinalakihan ko. Madalas kapag umaga, nagigising ako dahil sa malalakas na katok ni Mama. Nabubulabog ako sa ingay ni Louie na nagtatatakbo sa labas ng kwarto ko lalo na kapag male- late na siya. Napapangiti ako kapag may maliliit na katok akong naririnig sa pintuan at bubukas iyon saka sisilip si Papa para lang siguraduhing nagising na ako.

Lahat ng ‘yon hindi ko na mararanasan sa bahay na ‘to. At siguradong lahat ng ‘yon hahanap- hanapin ko na.

Pagkatapos kong nasiguradong ayos na ako. Lumabas na ako ng kwarto ko saka nagtungo sa dining area kung saan magb- breakfast kami.

Dinatnan ko doon si Lola, Mama, Tita Bela at Rain. Si Gian naman… wala pa.

“Good morning Denise! Halika! Maupo ka na.”  magiliw na bati sa’kin ni Lola.

“Good morning din po sa inyo”  naupo na ako sa isang bakanteng upuan na nasa left part ni Lola. Sa harap ko si Mama Amanda at Tita Bela. May isang bakanteng upuan naman na nasa tabi ko at sa sumunod na upuan ay si Rain.

“Kumusta ang tulog mo?”  tanong sa’kin ni Rain.

“Ok naman!”  kahit ang totoo ay hindi. Nahirapan kasi talaga akong makatulog kagabi. Putol-  putol ang tulog ko at paikot- ikot lang ako sa kama.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon