Antivirus 59

2.4K 74 0
                                    


"GIAN! GIAN!"

Agad kong idinilat ang mga mata ko nang marinig ko ang tarantang pagtawag sakin ng mga tao sa loob ng kwartong 'yun. Nakita ko si Mama na nakaluhod sa harapan ko habang naiiyak na nagsasalita.

"T- tingnan mo anak! Tingnan mo!" nagmamadali niyang sabi.

Nagtaka naman ako at naguluhan kaya agad akong tumayo mula sa pagkaka- upo at pumasok sa kwartong 'yun. Nakapalibot silang lahat sa kama ni Denise at agad naman akong sumiksik doon.

"A- anong nangyayare?" naguguluhan kong tanong.

Tiningnan ko ang doctor na nakatayo sa gilid ng heart monitor na nakangiti kasama ang nurse niya na parang gulat ang expression ng mukha.

"A- ano bang nangyayare?" taranta ko pa ring tanong. Tiningnan ko yung makina at nakita kong nakapatay pa rin naman ito.

"Himalang may pulso pa siya. Ibig sabihin, buhay pa rin ang pasyente at hindi na siya dumedepende sa mga tubes na nakakabit sa katawan niya." masayang sabi sa'min ng doctor.

Nagulat ako sa sinabi niyang 'yun at walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ng puso ko. Nakita kong umiiyak pa rin silang lahat pero hindi dahil sa kalungkutan kundi sa sobrang kasiyahan sa himalang nangyare. Sobrang saya ng nararamdaman ko. Buhay pa si Denise. Buhay pa ang asawa ko.

*Denise POV

Nakarinig ako ng ingay. Maingay ang paligid ko at hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yun. Sinubukan kong hanapin pero hindi ko naman makita. Marami akong naririnig na iyak, hikbi at paghagulgol. Wala akong ideya kung bakit at anong meron. Sa mga iyak na iyon, may isang boses na nangingibabaw. Dama ko ang sakit na nararamdaman niya. Sobrang pamilyar ng boses na 'yun sakin. Ang paraan na lang ng pagtawag niya sa pangalan ko hanggang sa mga salitang naririnig ko sa kanya. Isa lang ang taong kilala kong nagmamay- ari ng boses na 'yun. Si Gian.

Pero bakit? Bakit siya umiiyak? Anong meron? Anong dahilan ng pag- iyak niya?

"DENISE! MAHAL NA MAHAL KITA! DENISE! MAHAL NA MAHAL KITA SIOMAI!"

Para akong sinampal sa lakas ng sigaw na 'yun. Sobrang lakas nun at pati tenga ko sumasakit. Gusto kong hanapin kung nasan siya pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang yakapin para patahanin sa pag- iyak pero hindi ko alam kung pano.

Ilang saglit pa'y biglang nakaramdam ako ng paninikip ng dibidib. Hindi ako makahinga. Para akong nilulubog sa tubig. Nilabanan ko 'yun at pilit na naghanap ng hangin sa paligid para muli akong makahinga ng maayos. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nakakita ako ng lugar na naging dahilan para muli akong makahinga. Napangiti ako dahil sa gaan ng nararamdaman ko. Mas magaan kesa sa kanina. Para kasing may isang bagay ang nagpapabigat sa nararamdaman ko at hindi ko alam kung ano 'yun.

Biglang humangin ng malakas. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko para pakiramdaman at damahin ang sarap ng

hangin pero sa pagdilat ng mata ko...

.

.

.

.

nasa ibang lugar na ako. At mukha ni Gian ang unang bumungad sa'kin???

"D- Denise? G- Gising ka na?" nakangiting sabi sa'kin ni Gian kasabay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Gusto ko siyang sagutin. Gusto kong pahirin ang luha sa pisngi niya pero hindi ko magawa. Hindi ako makakilos at parang naninigas ang buong katawan ko. Tinitigan ko lamang siya sa mata para magbakasakaling maintindihan niya ang nararamdaman ko ngayon.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon