"HUWAAATTT? SI RAIN? AS IN SI RAIN JAZZ FORTALEZA NA PINSAN NG ASAWA MO E MAY GUSTO SA'YO?" biglang sigaw ni Menma nang maikwento ko sa kanila lahat ng sinabi sa'kin ni Gian.
Nandito kami ngayon sa Gym. Magkakatabi habang naka- upo sa bleachers.
"HUWAW! IKAW NA TALAGA DENISE!" sabi naman ni Hera.
"Nakakaloka! Nung una si Paul na obsess ata sa'yo. Tapos, si Jin na kinidnap ka pa then now si Rain naman? Si Rain na talagang pinsan ni Gian -_- Bakit ang ganda mo? Paki- explain nga." dagdag pa ni Menma.
"Ibang klase ka Denise! Grabe! Tingnan mo oh! Naaapakan na ng mga basketball players yung buhok mo dahil sa sobrang haba :3" exaggerated reaction ni Hera.
"Bakit parang simula nung napunta ka sa Royal Class e dumadami ata 'yang admirers mo?" si Menma.
Napakamot na lang ako ng ulo.
"Except lang kay Jin Menma na matagal na talagang may gusto kay Denise!" singit ni Hera.
"Sa bagay except sa kanya. But wait... speaking of Jin! Ano nang nangyare sa kanya Denise?" biglang pag- iiba ni Menma ng topic.
"Balita ko expelled na daw siya dito sa school. Binalak pa nila Lola na sampahan sila ng kaso pero sinabi ko sa kanila na wag na lang. Nakaka- awa kasi siya." Sagot ko.
"Edi hindi siya makukulong?" tanong ni Hera.
"Makukulong pa rin. May parusa pa rin kasi yung ginawa niya, kaya nga lang, mas napagaan yun kasi hindi na nagsampa ng kaso sila Lola" sagot ko pa rin.
"Ang bait mo naman -_- Kamuntikan ka na ngang ipadala ng mokong na 'yun kay San Pedro eh tapos hindi mo pa rin sinampahan ng kaso" si Menma.
"Naging mabait naman kasi sa'kin si Jin. Sadyang sinaniban lang talaga ng masamang espiritu kaya naisipang gawin 'yun." Pagtatanggol ko pa.
"Oh well! Wag na natin siyang pag- usapan. Baka magbalik pa! Balik tayo kay Rain, ano na palang balak mong gawin?" si Hera.
"Ewan ko. Wala siguro. Wala namang akong dapat gawin." Matamlay kong sagot.
"E si Gian?" si Menma.
"Hindi ko alam. Ayoko muna siyang makita."
"Pinagpaliwanag mo na ba?" tanong ni Hera.
Umiling lang ako.
"Sus! Magkaka- ayos talaga kayo niyan! Bakit hindi mo pa siya pinagpapaliwanag?" si Hera.
"Ewan ko. Nagsisimula pa lang siya magsalita, naiinis na 'ko."
"Pano mo malalaman yung totoo kung hindi mo siya pakikinggan?" si Menma.
"Kelangan pa ba yun? Malinaw naman sa pictures 'yung kahayupan nila eh!"
"Hindi tama 'yun Denise! Dapat both sides pinapakinggan mo. Unfair naman yun sa side ni Gian. Malay mo may explanation talaga sa lahat ng yun. Wala kang mapapala kung hindi mo ibaba 'yang pride mo! Habang buhay kayong ganyan." Si Menma.
"Ewan ko. Bahala na." nakayuko kong sagot.
"Mauuwi kayo sa hiwalayan pag ganyan ka." Si Hera.
Bigla naman akong napalingon sa kanya.
"Tandaan mo Denise, ang dami pa namang umaali- aligid sa'yo at kay Gian. Hahanap yung mga yun ng way para magkahiwalay kayo. Ayokong isipin niyo na masama ang tingin ko kay Rain ah, pero isa siya sa mga threat ninyong dalawa. Lalo pa na kasama niyo lang siya sa bahay. Ikaw na rin nagsabi kanina na sinabi ni Gian sa'yo na seryoso talaga si Rain para sa feelings niya. Kaya may possibility na kalabanin niya yung sarili niyang pinsan" paliwanag sa'kin ni Hera.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...