Antivirus 50

2.4K 87 4
                                    



"Okay nandito na tayo!" masayang sabi ni Papa nang huminto na ang kotse sa harap ng bahay namin. Nakita kong lumabas si Louie sa gate ng bahay saka patakbong sinalubong si Mama na naunang bumaba ng sasakyan. Binuksan na ni Papa ang pinto ng kotse saka lumabas mula doon si Gian then inalalayan naman niya ako sa pagbaba.

"Mama! May pasalubong?!" agad na tanong ni Louie kay Mama.

"Pasalubong ka diyan? Sa ospital kami galing hindi sa mall! Anong gusto mong ipasalubong namin sa'yo dextrose?" pilosopong sagot ni Mama sa kanya.

"Hay naku Louie! Kesa mangulit ka diyan! Tulungan mo na lang ako dito sa pagdadala ng mga gamit para ipasok sa loob ng bahay." Utos sa kanya ni Papa.

"Opo!" nakangusong sagot nito.

Nung aktong tatalikod na siya, biglang napatigil si Louie ng paglalakad nang mapansin niya kami ni Gian.

"OH! BAYAW!" bati niya kay Gian saka nilapitan kami.

"Oh? Kamusta?" nakangiting sagot ni Gian sa kanya saka ginulo ang buhok niya.

"Dito ka muna sa'min?" tanong niya.

"Ah? Oo. Babantayan ko ate mo."

"Bakit? Hindi ba kayo uuwi dun sa mansion?" tanong pa niya ulit.

Napatingin sa'kin si Gian bago sumagot.

"Ah? Ahmmm.. Oo. Mas gusto kasi ng ate mo na dito muna magpahinga." Nakangiting sagot nito.

"Ah okay! Ate? Pano 'yan di naman kayo kasya sa kwarto ko ?"

"Ha? Sino ba nagsabi sa'yo na dun kami matutulog sa kwarto mo?" gulat kong sagot.

"E san kayo matutulog? Sa dati mong kwarto? HINDI PWEDE YUN! Akin na yung kwarto mo eh! Simula nung umalis ka ng bahay, nalipat na sa'kin ang titulo ng kwarto na 'yun!" angal nito.

"Anong titulo pinagsasabi mo diyan Louie?! Babalik ka muna pansamantala sa dati mong kwarto at ang ate at kuya Gian mo ang gagamit ng kwarto na 'yun. WAG KA NANG MAGREKLAMO! Pumasok ka na sa loob! Kitang kakagaling lang sa ospital ng ate mo, kinukulit mo na agad!" sermon ni Papa sa kanya.

Natawa na lang naman si Gian habang pinapanood na nakasimangot na naglalakad ang kapatid kong si Louie papasok ng bahay. Naiwan naman kaming dalawa dun sa labas.

"Halika! Pasok na tayo!" sabi ko kay Gian.

"Sandali! May gusto muna akong tanungin sa'yo." Sabi niya saka pinigilan ako sa paglalakad.

"Ano 'yun?" taka kong tanong.

"Kelan mo pa tinatago sa'kin ang tungkol sa pagbubuntis mo?"

Hindi ako nakasagot.

"Bakit hindi mo naman sinabi agad sa'kin Siomai na buntis ka na pala?"

"Sorry Siopao. 6 weeks na yung tiyan ko nung nalaman ko na buntis pala ako. Napansin ko 'yun nung hindi na 'ko dinadatnan tapos palagi na 'kong nasusuka kapag umaga. Hindi ko kaagad sinabi sa'yo dahil sobrang daming problema sa Mansion. Ayokong dumagdag." Nakayuko kong sagot.

"Hindi naman problema ang baby natin eh! Ang problema e pano kung may nangyare sa'yong masama. Pano kung napahamak ka pati yung baby?"

Yumuko ako saka kinagat ang labi para pigilan ang pag- iyak.

"Oh! Iiyak ka na naman! Magiging mommy ka na pero sobrang iyakin mo pa rin. Baka mamaya e imbes na patahanin mo ang baby natin kapag umiiyak e sasabayan mo pa" sabi niya saka hinawakan ang mukha ko at pinahid ang luha sa pisngi ko.

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon