*Gian
Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Una kong nakita ay ang ilaw na nasa tapat ng mukha ko. Sunod ay ang dextrose na nakasabit sa tabi lang ng hinihigaan ko. Nakita kong nababalot sa puti ang paligid, at wala akong ideya kung kaninong kwarto ako naroroon.
Tiningnan ko ang mga taong nakapaligid sa'kin. Nakita ko si Rain at Tita Bela na naka- upo sa sofa na katabi lang ng kama ko. Sunod ko namang namukhaan ay sila Menma at Hera na parehong nakatayo habang nakayuko ang mga ulo. Ramdam ko ang katahimikan sa buong paligid. Walang kahit isa ang tumitingin sa mata ko para kamustahin man lang ako o tanungin sa kung anong maaring nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
"T- tita?" pagtawag ko sa kanya.
Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha niya kaya mabilis siyang tumayo saka nilapitan ako.
"G-Gian?" namumugto ang mata niyang sabi sa'kin.
"T-tita? B-bakit ganyan ang mata niyo?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
Imbes na sumagot ay yumuko lang siya saka umiiyak na tinakpan ang bibig niya. Muli siyang umupo sa tabi ni Rain saka humahagulgol sa hindi ko malamang dahilan.
"R- Rain? Ano bang nangyare?" mataas ko ng boses na tinatanong ang pinsan ko. Hindi ko na gusto ang kung anong nangyayare.
"S-si Denise! Ang asawa ko! Nasan siya? NASAN SI DENISE?" hiyaw ko sa kanya.
Katulad ni Tita Bela, yumuko rin lang si Rain saka garalgal ang boses na sumagot.
"I-I-Im sorry Gian..." nakayukong sagot niya rin.
Nakita ko ang biglang pag- iyak ni Hera ng matindi. Si Menma naman ay pigil ang pag- iyak na sumagot sa'kin.
"S-sa palagay mo... k- kung o- okay s- si Denise, d- dito kami sa kwarto mo magbabantay?" humihikbi niyang sagot sa'kin saka kinagat ang kamay para hindi tuluyang umiyak.
Binalot ang katawan ko ng takot at pangamba. Ayokong isipin na... na nangyare ang pinaka- kinakatakutan kong bagay sa mundo.
Kahit hirap, pinilit kong tumayo sa kama saka walang habas na tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Bigla akong nakaramdam ng hilo pero tiniis ko 'yun saka muling tumayo.
Pinigilan ako ni Rain sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.
"Gian! Huminahon ka! Magpahinga ka muna! Hindi mo pa kaya!" pigil niya sa'kin.
"PANO KO MAGAGAWANG MAKAPAGPAHINGA KUNG NI ISA SA INYO WALANG MAY GUSTONG MAGSABI KUNG KAMUSTA ANG KALAGAYAN NG ASAWA KO?!" bulyaw ko sa kanya saka hinila ang braso ko na hawak niya.
Nagmamadali akong lumabas ng kwartong iyon. Nilakad ko ang hallway saka isa- isang binabasa ang mga pangalan na nakadikit sa bawat pintuan na naroroon. Nagbabakasakaling mababasa ko dun ang pangalan ni Denise. Habang ginagawa ko 'yun, bigla kong nakasalubong si Lola at Mama na parehong mugto ang mga mata na halatang umiyak ng matindi. Pareho nila akong sinubukang pigilan pero hindi ako nagpatinag sa kanila.
Nabalot ng ingay ang buong hallway dahil sa pagsigaw ko sa pangalan ni Denise. Sinubukan na nilang tawagin ang mga nurse pero hindi pa rin ako nagpapapigil sa kanila.
Ramdam ko na para akong baliw na hinahanap ang kwarto kung saan naroroon ang asawa ko. Dama ko ang bigat na nasa dibdib ko sa tuwing iniisip na maaring wala na si Denise.
Hindi ko na alintana ang mga luha na umaagos sa mata ko. Hindi ko na pinapansin ang sinasabi ng bawat taong nakakasalubong ko dahil isa akong lalaki na parang batang umiiyak dahil hinahanap ang nanay niya. Hindi ko na iniisip kung anong kabaliwan ang ginagawa ko. Isa lang ang gusto ko, makita si Denise. Makita siya para muling yakapin ng mahigpit, hagkan at paulit- ulit na sasabihan ng "I love you" kapag natutulog siya. Isa lang ang gusto kong gawin, yun ay asarin siya, pagtawanan at kulitin kapag magkasama kaming naka- upo sa sasakyan. Isa lang ang pangarap ko, iyon ay ang muling makatabi siya sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Novela JuvenilAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...