["Ang pagpapatawad ay hindi madaling ibigay sa taong wala na ngang modo, singtigas pa ng bato ang ulo."]
*TIK! TILAOK! TIK! TIK! TILAOK! TIKTILAOK!
Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock. Inabot ko yun saka pinatay. Tiningnan ko kung anong oras na, 6:30 a.m. Kahit sobrang bigat pa ng katawan ko at sobrang inaantok pa ako, pinilit ko pa ring tumayo. Ala- una na ata ako ng gabi nakatulog dahil sa sobrang pag- iisip sa lahat ng sinabi nila Papa sa’kin kagabi. Dahil din sa pangyayareng ‘yon, hindi na ako pinaghugas ni Mama ng pinagkainan namin. Naawa ata.
Naligo na ‘ko saka nagpalit ng uniform. Pupungas- pungas pa akong bumaba ng hagdanan kahit na bagong paligo ako. Pikit- mata akong halos naglakad papuntang kusina para kumain na ng agahan. Nakita ko doon si Papa na humihigop ng kape habang hawak ang cellphone na tila may binabasang text message.
“Kumain ka na Denise!” sabi niya habang nakatitig pa rin sa cellphone niya.
Hindi ako sumagot at inikot ng tingin ang paligid para hanapin kung nasaan si Mama.
“Si Mama po?” tanong ko.
“Nasa C.R pinapaliguan ang kapatid mo.” Sagot niya sabay higop ng kape.
“Pinapaliguan? Ang tanda- tanda na ng taong yun eh”
Kumuha na ako ng isang slice ng tasty bread saka pinalamanan ng chiz whiz. Pagkatapos, tinaas ko ang paa ko para ipatong sa upuan. Komportable ako sa ganung posisyon lalo na pag bagong gising ako.
“Denise! Ibaba mo ‘yang paa mo” puna ni Papa. Nagulat ako sa sinabi niyang iyon.
“Hindi pa ba kayo sanay Pa? Lagi ko naman tong ginagawa eh!” sagot ko.
“Pwes! Baguhin mo na yang ugaling yan! Sa oras na ikasal ka na, titira ka na sa pamilyang marangya at edukado kaya dapat lagi kang presentable at kagalang- galang”
Napatigil ako sa pagkain. In- open na naman kasi ni Papa ang topic tungkol sa walang- hiyang kasalan na ‘yan.
“Talaga bang seryoso kayong ipakasal ako sa isang lalaking hindi natin kilala Papa?!”
“Napag- usapan na natin ito Denise!”
“Pero Papa! Nasa 21st century na tayo! Hindi na uso ang mga fixed marriage na ‘yan! Sa mga koreanobela lang yan nangyayare tsaka sa mga kwento sa wattpad! Katulad na lang nung Princess Hours, Secretly Married at marami pang iba!”
“Pwes Denise! Hindi Kwento sa TV at kwento sa wattpad ‘tong bagay na ‘to! Seryoso ito at ito ang realidad ng buhay mo! Hindi ka isang bida sa kung anong pelikula dahil gumagalaw ka ngayon sa totoong mundo ng buhay ng tao!”
“Yun na nga papa eh! Gumagalaw ako sa totoong mundo ng BUHAY KO! AKO ANG MAY- ARI NG BUHAY KO AT AKO ANG PIPILI SA KUNG ANONG BUHAY ANG TATAHAKIN KO! PASENSIYA NA KAYO PERO AYOKONG IKASAL SA TAONG HINDI KO NAMAN KILALA!”
Hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko. Tumayo na agad ako, kinuha ang bag ko saka nagmadaling lumabas ng bahay para mag- bike papasok ng school. Hindi ko pa tapos kainin ang agahan ko pero nawalan na agad ako ng gana. Habang nagba- bike ako, hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko. Ang sakit lang kasing tanggapin lahat ng nangyayare ngayon. Simula sa pagsuko ko sa nararamdaman ko kay Gian dahil sa kahihiyan hanggang sa sakit ng katotohanang ipinanganak ako para lang ipambayad sa utang na hindi naman ako ang may kagagawan. Ito na ba ang pambayad sa lahat ng kalokohan ko simula ng grade school ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/11441998-288-k763369.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Novela JuvenilAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...