*Gian's POV
Sobrang bilis ng mga pangyayari. One second, naramdaman kong sobrang mahal na mahal ko si Denise. Two seconds, nakita ko siyang nakangiti sa'kin at... in three seconds, may hindi na magandang nangyare sa kanya.
Narinig ko na lamang ang mabilis na pagbusina ng sasakyan kasunod ng hiyaw ng mga kaibigan niyang nakasaksi sa pagkasaga kay Denise. Kitang –kita ko kung paano bumangga at umikot sa ibabaw ng kotse ang katawan ni Denise hanggang sa duguang bumagsak ito sa semento. Nanigas ang buong katawan ko. Ni hindi ko nagawang makasigaw para tawagin muli ang pangalan niya. Sunod- sunod na pumasok sa isipan ko ang sobrang daming katanungan.
Paano na si Denise?
Paano na ang baby namin?
Paano na ako?
Paano na kami?
"GIAN! WAG KANG TUMUNGANGA DIYAN! SI DENISE!" humahagulgol na sigaw sa'kin ng kaibigan niya. Doon lamang ako muling natauhan.
Nanginginig ang buong katawan ko na tumakbo papunta sa gitna ng kalsada at pasubsob na nilapitan ang walang malay at duguang katawan ng asawa ko. Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan. Kung yayakapin ko ba siya, bubuhatin o papanoorin lang. Hindi ko alam. Hindi ko alam. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa mata ko sa takot na nararamdaman ng puso ko. Sumasabay pa ang sakit, sobrang sakit na katotohanang nasasaksihan ko ngayon.
"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSIYA!" sigaw ko.
Dumami ang mga tao sa paligid namin. May mga narinig akong hiyaw, iyak, taranta, takot at pagkabigla. Pero sa lahat ng iyon, mas nangingibabaw ang ingay na nanggagaling sa loob ng dibdib ko.
"Denise! Denise!" umiiyak ko nang sabi habang inuuyog ang mukha niya.
Binuhat ko ang ulo niya saka inilagay sa braso ko. Pati uniform na suot ko napuno na rin ng dugo. Patuloy pa rin sa panginginig ang katawan ko.
"Please! Wake up. Please Siomai! Denise please wake up." Humahagulgol ko nang hiyaw sa kanya para magbakasakaling marinig niya ako.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sakit. Basta! Masakit. Sobrang sakit. Doble- doble ang takot na nararamdaman ko. Takot para sa buhay ng asawa ko at takot para sa buhay ng anak ko.
Napapakagat na lang ako sa labi ko para pigilan ang panginginig nito. Hindi ko na napapansin ang mukha kong basang- basa na sa luha. Wala akong ibang magawa kundi umiyak doon at magsisigaw para humingi ng tulong.
"D- Denise! P- Please wake up. D- don't do this" humahagulgol kong sabi sa kanya.
"Gian! Dinudugo siya. M- may dugo sa hita niya." narinig kong sabi sa'kin ni Menma.
Mas lalo akong nataranta nang tingnan ko 'yun. May dugong gumagapang sa hita niya at alam kong hindi magandang senyales yun. Mas lalo akong nataranta, natakot at nag- alala. Halo- halo na ang emosyon na nararamdaman ko.
Ilang saglit pa'y narinig ko na ang malakas na sirena ng ambulansiyang paparating para saklolohan ang kaawa- awang kalagayan ng asawa't magiging anak ko.
***
"Gian! Gian! What happened?"
Mugto ang mga mata ko na tumayo at humarap kay Lola. Nasa likuran niya si Mama, Tita Bela at Rain. Kasunod naman nila na tumatakbo ay ang buong pamilya ni Denise. Sa moment na nakita ko ang mama niya, hindi ko na naman napigilang umiyak. Biglaan na lang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng guilt dahil hindi ko man lang nagawang ingatan si Denise katulad ng ipinangako ko sa kanila.
"Jusko! Nasan ang anak ko? Si Denise, Gian? Nasan siya? Kamusta siya? Anong kalagayan niya?" sunod- sunod na tanong ng mama niya sa'kin.
Imbes na sumagot, napayuko na lang ako at tinakpan ng isang kamay ang mga mata ko dahil sa pag- iyak. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Naramdaman kong may umuyog sa'kin at nakita kong ang papa niya ito.
"Sabihin mo sa'min, Hijo! Ano nang sabi ng doctor? Kamusta siya?" tanong sa'kin ni Papa habang nangingilid ang luha sa mga mata niya.
Umiling lang ako.
Sunod na nun ang malakas na paghagulgol na gumambala sa buong paligid. Napuno ng iyakan at hiyawan ang buong hallway ng ospital. Walang ni isa ang nagawang makapagsalita. Maski ako hindi nagawang umimik. Triple- triple ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Bakit kelangang mangyare sa'min ito? Bakit kelangang masaktan kaming lahat ng ganito?
Nanghihina akong napa- upo sa isang sulok habang hinihilamos sa mukha ang dalawang palad ko. Gusto kong sumigaw, humiyaw, magwala at sisihin ang lahat ng taong nakikita ko ngayon. Gusto kong may sisihin sa nangyare, pero kahit anong gawin ko... nauuwi pa rin ito sa pagsisi sa sarili ko. Ako na may kasalanan kung bakit siya nasagasaan. Ako na may kasalanan kung bakit naroroon siya sa ganoong kalagayan.
Hindi ko napigilang suntukin ang pader ng ilang ulit para magbakasakaling ang lahat ng sakit na nararamdaman ng puso ko ay mabaling sa kamao ko. Ilang ulit ko yung sinuntok pero wala rin. Mas nangingibabaw pa din ang sakit na nasa loob ng dibdib ko. Ang sakit na halos unti- unting pumapatay sa buong pagkatao ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko na alam kung anong pader ang dapat kong suntukin para lang mawala ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Hindi ko alam kung may tsansa pa nga bang mangibabaw ang sugat sa mga daliri ko kesa sa sugat na nararamdaman kong humihiwa sa puso't pagkatao ko.
Dinoble ko ang lakas ng pagkakasuntok sa pader. Nakita ko ang pagtulo ng dugo sa kamay ko pero wala akong nararamdamang sakit. Hindi ko maintindihan. Bakit?
Naramdaman kong may yumakap sa'kin mula sa likuran at pinipigilan ang kamay kong muling sumuntok sa pader.
"Gian anak! Tama na! Tama na anak!" umiiyak na sabi sa'kin ni Mama habang nakayakap sa'kin at hawak- hawak ang pareho kong kamao. Wala nang humpay ang pagtulo ng dugo mula sa sugat na dinulot na pagkakasapak ko sa pader.
"M- Ma! S- Si Denise po." Humahagulgol kong sabi sa kanya.
Humarap siya sa'kin saka niyakap ako ng mahigpit.
Mas lalong nanghina ang katawan ko. Gusto ko nang mamatay. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin. Narinig ko ang pag- iyak ni Lola. Si Rain naman nakayuko lang habang nakasandal sa pader habang ang mama ni Denise ay inaalo ng papa niya. Si Hera at Menma ay pareho lang na naka- upo habang wala pa ring tigil sa pag- iyak.
"Gian anak! Tama na! Tama na anak!" humihikbing sabi ulit sa'kin ni Mama habang inaalo ako sa likod.
"Gian! Kayanin mo" narinig kong sinabi ni Tita Bela.
Muling nanghina ang tuhod ko at tuluyang napaupo sa sahig. Nakayakap pa rin sa'kin si Mama habang patuloy pa rin sa pagtulo ng luha ang mga mata ko. Wala nang ingay na lumalabas sa bibig ko. Tanging luha na lang ang nagpapakita kung anong sakit ang nararamdaman ko ngayon. Sakit na kahit kelan hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko.
Sana katulad na lang 'to ng prank noon. Sana tumawa silang lahat at magpakita sa'kin si Denise sabay sabing joke lang ang lahat. Na niloloko lang ulit nila ako. Na pinagti-tripan lang nila ulit ako. Sana. Sana hindi totoo lahat. Sana nasa masamang panaginip lang ako.
Sana. Sana.
---
4 chapters left.
-Bullet
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...