Antivirus 10

3.5K 95 8
                                    

["Tip number 2: Kung hindi mo kayang sirain ang labas, tirahin mo ang loob'']

“Umayos ka nga sa paglalakad Denise! Tingnan mo ang gulo- gulo ng buhok mo! Tsaka bakit hindi mo sinuot yung dress na binili ko sa’yo kaninang umaga ha?! Bat mas pinili mo pang suotin ‘yang t- shirt at maong na yan eh alam mo namang mayamang pamilya ang kakatagpuin natin ngayon diba?!”

Eto na naman si Mama! Nagngangawa dahil hindi daw presentable ang dating ko ngayon. Kanina pa siya sermon ng sermon maski nung nasa taxi pa lang kami. Nakakahiya na nga sa driver e kasi malakas pa yung bunganga niya kesa dun sa tugtog ng radyo -__- halata ding pati si Papa at si Louie nato-torete na dahil sa ingay ni Mama >.<

“EE MAMA! Hindi ako komportable sa dress! Pang- ilang beses ko na ‘yang dinahilan sa inyo!”

Bigla niya kong sinapok sa batok. Hindi naman ganun kalakas, yung sakto lang na matatauhan ako. Kaso, hindi eh! Walang nangyare!

“Aray naman!” maktol ko.

“Nagpapa- BAD POINTS lang ‘yang si ate Ma para magbakasakaling ma- turn off yung pamilya nung lalaki sa kanya para sa gayon, kaayawan na siya at hindi na matuloy ang kasal!” sumbong ng kapatid ko.

Tiningnan ko siya ng masama.

 “Mama oh! Si ate! Sinasamaan ako ng tingin!” sumbong niya pa.

“Tumigil na nga kayong dalawa diyan! Nakakahiya kayong dalawa! Hindi niyo ba nakikita? Nasa 5 star hotel tayo ngayon, dapat edukado kayo tingnan!” pati si Papa nanermon na din.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa restaurant ng hotel. Iginala ko ang paningin ko at ngayon ko lang napansin na sobrang laki at garbo pala ng hotel na nilalakaran namin ngayon. Ang daming naglalakihang chandelier na nakasabit sa mga kisame. Halos puro mga foreigner at  mayayamang tao ang nakakasalubong namin sa hallway.  Sobrang lakas ng aircon to the point na manigas na ‘ko sa lamig! Grabe! Pakiramdam ko wala ako sa Pilipinas, parang nasa korea ako ^_^

(Korea talaga? O.o)

Habang mukha akong tangang manghang- mangha sa paligid na nakikita ko, biglang may isang babae na mukhang servant ang lumapit sa’min. Damit pang stewardess ang suot niya. Ang ganda niya at nakapusod ang buhok. Kay Papa siya lumapit.

“Excuse me sir! Do you need some help?” tanong niya.

Wow! English! :P

Nagulat ako ng bigla akong hilain ni Mama at Papa paharap sa babae. Tiningnan ko sila ng what-is-happening look ng biglang bumulong sa’kin si Papa.

“Denise! Ikaw ang nag- aaral dito! Ikaw ang kumausap diyan sa babae! Baka himatayin kami ng Mama mo!”

“Ha? Grabe naman kayo Pa! Basic English lang ‘yan eh!” maktol ko.

“Sige na Denise!” pilit pa ni Mama. Wala na akong nagawa kundi ang humarap sa babaeng tinuturing na mortal enemy nila Mama at Papa dahil sa page- English nito.

“Ahmmm… actually Miss! We’re looking for the hotel restaurant. We have our family dinner on that place!” sabi ko.

Taray! Hahahahha :D Ako ba ‘yun? Bigla tuloy akong kinilig. Sila mama at papa naman, kulang na lang e palakpakan ako. Si Louie lang ang nakasimangot sa kanila sa kabila ng tagumpay ko sa English -_-

“Ok Ma’am! This way to the hotel restaurant!” sabi niya.

In- assist niya kami papunta dun sa lugar na sinabi ko kanina. Tahimik lang kaming apat ng pamilya ko. Habang paloob ng paloob yung nilalakaran namin, palamig din ng palamig ang temperatura ng lugar. Parang malapit ata doon ang tambakan ng aircon -_-

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon