Hinaltak nga ako ni Gian at naglakad kami papunta sa kung saan man. Ang sabi niya kanina gusto niyang i- confront yung tatlong uwak na nambugbog sa'kin, edi bahala siya. Basta ako, hindi ko ituturo yung tatlo. Ayoko na kasi ng mas malaking gulo eh >.< Nakaka- stress lang :3
Well, at the back of my brain, gusto ko talaga silang sapakin, sabunutan, tadyakan, kalbuhin, kalmutin at i- wrestling kaso lang, baka madagdagan pa 'tong mga sugat ko sa katawan -_- Ayoko na! May peklat na nga ako sa likod dahil sa saksak ng kutsilyo sa'kin dati e tapos nadagdagan pa netong sugat ko sa tuhod! Wala naman akong balak bumuo ng mapa sa katawan ko noh -_-
Maya- maya pa'y tumigil kami ni Gian at huminto sa tapat ng isang bus. Tiningnan ko 'yun at nakita ko ang papel na nakadikit sa windshield nun. Bus- L16. Ibig sabihin, isa 'to sa mga bus ng Lower class.
"Excuse ma'am, nandito na ba yung tatlong estudyante niyo na nambugbog sa asawa ko?" tanong ni Gian sa teacher na nasa harapan namin.
Hala? O.o Pano niya kaya nalaman yung bus number nun? E ang dami- daming bus ng Lower class -_-
"Ah-ahmmm.. Mr. Fortaleza, ang school head na po ang magbibigay ng consequences and penalty sa ginawa ng mga estudyante ko. Nabalitaan po kasi namin ang nangyare kaya pag- uusapan po pagbalik sa school kung ano ang gagawin sa kanila" sagot nung teacher.
"I don't care about your penalties; all I wanna do is to meet those three girls. Don't worry ma'am I will not hurt or even touch your students, I just wanna talk to them and ask why they have do that." Bossy na sagot ni Gian sa teacher.
"B-But, Mr. Fortale----"
"Ma'am, you're aware that my Lola is one of those boss who manage and has a big stocks in order to run our school, that meant she is powerful and also one of the school heads. I know na hindi niyo naman gugustuhing paabutin pa 'to sa kanya dahil siguradong mas malaking gulo ang mangyayare. My wife; who is the victim here which happens to be her granddaughter, and you might hit the red button kapag nalaman niya ang nangyareng pananakit sa isa sa magiging taga-pagmana niya. So, ano? Ipapakausap niyo ba sa'kin ang tatlong babaeng 'yun o hihintayin niyo pang mismong ang Lola ko ang gumawa nga aksyon regarding this matter?" matapang na paliwanag ni Gian.
Kita ko ang paglunok ng teacher, maski nga ako e napalunok dahil sa mga sinabi niya. Wala akong kaalam- alam na isa pala sa mga may- ari ng school e ang mga Fortaleza -_- Grabe! Bakit ba ang yaman nila? >.<
"Ah-Ahmm... Sige, Mr. Fortaleza, papababain ko na sa bus ang mga estudyante ko. Just make sure na wala kayong gagawin sa kanila." Sagot nung teacher.
"I am not one of them and I won't let any part of my body to get in contact with them" sarcastic pa niyang sagot.
Tumalikod na yung teacher saka umakyat ng bus.
"Gian! Ano ba kasing balak mo? Umalis na lang tayo!" pilit ko pa kay Gian pero hindi niya pa rin ako pinakikinggan.
Ilang saglit lang, bumaba na ng bus yung tatlong uwak na nambugbog sa'kin kanina. Nung nakita ko sila, gusto ko silang sugurin at gantihan kaso nga baka lumaban pa eh so, pinabayaan ko na lang. Hinatid sila nung teacher papalapit sa'min ni Gian. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Gian sa kamay ko tanda na gigil na gigil siya sa mga 'yun.
"Kakausapin ko lang talaga sila Ma'am" sabi ni Gian sa teacher kaya naman tumalikod na ito at lumayo.
Nakita ko ang biglaang paglabas ng mga estudyante na naroroon sa bus na 'yun, pati yung ibang mga estudyante na nagdadaan sa paligid ay tiningnan kaming lima na magkakaharap.
BINABASA MO ANG
She's Dumb! (Completed)
Teen FictionAno ang kapangyarihan ng Coke-in-can? Saan the best gamitin ang Ninja moves? Ano pa ang hindi ninyo alam na stunts ni Jackie Chan? Ano ang the best pamalit sa camera? Basahin niyo na lang. Tinatamad ako mag- explain. Kbye. :* P.S: Ito ay kwento ng...