Antivirus 57

2.1K 66 1
                                    


*Gian's POV


After 3 months...

Tapos na ang graduation ceremony pero sa lahat ata ng estudyanteng gumraduate ako lang ang namumukod- tanging hindi masaya. Magagawa ko pa bang makapag- enjoy kung hindi ko naman kasama ang taong alam kong kukumpleto sana sa kasiyahan ko para sa araw na 'to?

Inikot ko ng tingin ang buong paligid at pilit na inalala ang lahat ng mga pangyayaring pwede kong baunin bago pa man sana ako umalis.

"Gian!"

Napalingon ako sa boses na tumawag sa'kin.

"Hinahanap mo daw kami?" tanong sa'kin ni Menma nang makalapit na silang dalawa sa'kin.

"Ah! Oo. Kayo na nga lang ang inaantay ko eh."

"Sorry! Nag- picturan pa kasi kami doon e." sagot ni Hera.

"Ok lang." sagot ko naman.

"Bakit nga pala?" tanong ni Hera.

"May ibibigay lang sana ako."

Ipinakita ko sa kanila ang dalawang regalo na nakabalot ng gift wrapper at may kasamang sulat. Iniabot ko sa kanilang dalawa yun at kinuha naman nila agad ito.

"A- Ano to?" nagtatakang tanong ni Hera.

"Hindi talaga sa'kin galing 'yan. Nakita ko yan sa kwarto ni Denise. Matagal na niyang ni- ready yan para sa inyong dalawa. Sorry kung binasa ko yung nakasulat diyan sa papel." Pilit na ngiti kong sabi sa kanila.

Muling nagbago ang expression sa mukha nilang dalawa. Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata nila. Ramdam kong pinipigilan lang nilang umiyak.

"I- Ibig sabihin? Naka- prepare na 'tong mga regalong 'to bago pa man yun nangyare?" naiiyak na tanong sakin ni Hera.

Tumango lang ako habang sini- set ang mood kong wag umiyak o malungkot. Graduation Day namin ito at hindi pwedeng maging malungkot ako dahil wala siya. Hindi matutuwa si Denise kapag ka- ganon.

Nakita kong binuksan nila ang dalawang regalong iniabot ko. Nang makita na nila ang laman nun, hindi na nila napigilan pang hindi umiyak. Sabay silang napahawak sa mga bibig nila para magbakasakaling hindi sila mapahagulgol. Ako naman bumuntong- hininga lang ng malalim. Pinipigilang wag matulad sa kanila.

"Nabasa ko sa sulat na 'yang lapis na regalo niya sa'yo e yung lapis na matagal mo nang hinihingi sa kanya." Sabi ko kay Menma. Tumango lang siya habang patuloy sa paghikbi dahil sa pag-iyak.

"Nabasa ko naman na 'yang libro e yung libro na hindi mo afford bilhin sa National Book store." Sabi ko naman kay Hera.

Pinahid muna niya ang luha niya sa pisngi bago sumagot.

"O- oo *sniff* eto yung libro na pinagplanuhan naming pag- iipunan namin ng sabay *sniff* kaso hindi naman natuloy. *sniff* Yun pala... yun pala pinag- ipunan niyang mag- isa." At tuluyan na nga din siyang napahagulgol.

"Mahal na mahal kayo ng best friend niyo no?" naiiyak ko na ring sabi sa kanila.

"M- Miss na miss na namin siya." humahagulgol na sabi ni Menma.

"Ako rin naman eh. Miss na miss ko na ang asawa ko."

Humugot na lang ako ng malalim na hininga para huwag tuluyang umiyak. Hindi rin naman nagtagal ang pag- uusap namin. Nauna na akong umalis sa kanila para magsimulang libutin ang buong school.

Una kong pinuntahan ang classroom ko. Wala nang tao sa buong hallway at ako lang ang natatanging tao na naroroon. Habang naglalakad ako papunta sa classroom ko, hindi ko napigilang mapahinto sa paglalakad nang madaanan ko ang classroom nila Denise. Nagbalik sa ala- ala ko ang mga panahong nakikita ko siyang lumalabas ng classroom na 'yun. Ang mga oras na mukha siyang tangang nabangga sa likuran ko dahil sa patuloy na pagsunod sa'kin. Iyon ang first day niya dito sa royal class.

Nilingon ko ang buong corridor at nakita ko ang eksena noong hinila ko siya mula doon sa hilaw na koreanong may gusto sa kanya. Napabuntong- hininga na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ulit ng puso ko.

Lahat ng lugar na binisita ko, kahit anong parte ng school ang puntahan ko, si Denise lang ang tanging naaalala ko. Sa canteen, sa school gate at sa labas ng building. Puro mukha lang ni Denise ang nakikita ko.

Ang huling lugar na binisita ko ay ang tapat ng building ng royal class. Sa gilid ng halamanan. Doon ang lugar kung saan nahuli ko siyang binato ako ng coke-in-can sa ulo. Doon ang eksaktong pwesto kung saan sinigaw- sigawan ko siya at tinakot. Iyon ang lugar na mas nagpa- alala sa'kin ng babaeng sobrang mahal na mahal ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad para bumalik na sa parking lot ng school para umuwi na nang bigla akong napatigil sa paghakbang dahil may isang bagay na tumama sa ulunan ko.

*Pang!!!

Kaagad kong nilingon ang nangbato nun sa pag- aakala kong si Denise ang makikita ko. Pero nagkamali ako. Mga estudyante lang pala yun na naghaharutan.

"Sorry po Kuya!" sabi nung lalaki sa'kin.

"Sorry po!" sabi din nung isa pa niyang kasama.

Tumango na lang ako at ngumiti. Pagkatapos nun, tumalikod na sila saka nagtakbuhan palayo sa'kin. Napabuntong- hininga na lang ako. Nilingon ko yung lata na binato sa'kin kanina.

"Bakit parang nananadya? Bakit coke-in-can pa? Bakit hindi na lang pepsi o kaya mountain dew?" natatawa pero naiiyak kong sabi sa sarili ko.

Sa pagkakataong 'yun, hindi ko na napigilang umiyak ng tuluyan. Nagbalik sa'kin ang sakit. Ang sakit noong mga panahong nakita ko kung paano masagasaan ng kotse ang babaeng tinuturing kong buhay.Tatlong buwan na ang nakakalipas pero bakit sariwa pa rin ang lahat?

Napahagulgol na ako sa sakit. Ang sakit na hindi na nawala sa puso ko. Hindi ko na inisip ang mga taong posibleng makakita sa'kin sa ganung sitwasyon. Ang tanging alam ko lang e sobrang sakit ng kalooban ko.

"S-sabi k-ko h-hindi na *sob* a- ako i-iiyak diba? D-Denise n-naman k-kasi eh. S- sabi ko w- wala nang i- *sob* iyakan d- diba?" humahagulgol kong sabi sa sarili ko.

Nanginginig ang kamay kong napahawak na lang sa ulo ko. Napa- upo ako sa lupa habang patuloy pa rin sa pag- iyak. Para akong tino- torture sa tuwing bumabalik sa ala- alala ko yung mga makukulit na ngiti niya sa'kin. Yung mga pagtawa niyang naririnig ko. Yung mga pasaway at nakakainis niyang kilos. Yung mga lambing at yakap niya. Lahat yun parang pumapatay sa'kin ng paunti- unti. Ano pa bang klaseng pag- iyak ang dapat ko pang gawin para mawala na ang sakit na nararamdaman ko?

Napakagat na lang ako sa daliri ko para subukang kontrolin ang paghagulgol ko, pero wala pa ring epekto. Patuloy pa rin ako sa pag- iyak. Wala pa ring tigil sa pag- iyak ang puso ko lalo na sa mga oras na 'tong mas lalo ko siyang nami- miss. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na si Denise. Pagod na ko eh. Pagod na ko kakaiyak gabi- gabi. Pagod na pagod na akong magpanggap na kaya ko at matatag ako. Pagod na kong sabihin sa lahat na ayos lang ako. Pagod na akong ngumiti ng pilit sa harap ng ibang tao. PAGOD NA KO! PLEASE! PAGOD NA KO! AYOKO NA. AYOKO NANG UMIYAK.



---

3 chapters left. I'm sorry.

-Bullet

She's Dumb! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon