Kabanata III - LXXXV: Ang sikreto sa likod ng isang sikreto

98 15 0
                                    

9/10/21

Malalim na ang gabi nang palihim na umalis sina Asheara sa kanilang silid. Tulad ng nakasanayan ay sa bintana sila lumabas at kalaunan ay mabilis na lumipad patungo sa lugar kung saan ngayon na ninirahan ang guro ni Nima, si Ron.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nagawa na nilang marating ang nasabing lugar. Sa kanilang pagbaba ay agad nilang narinig ang ilang mga ingay, ingay na nagmumula sa pagtama ng martilyo sa metal.

Mabilis nilang pinasok ang pandayan at sa mga sandaling ito ay biglang nahinto ang ingay na kanilang naririnig.

"Halos tatlong linggo din ang lumipas nung huli tayong magkita, munting sorsera." Sambit ni Ron.

"Tulad ng inaasahan ko, batid mo kung sino ako." Tugon ni Asheara.

Sa pagkakataong ito ay muling itinuon ni Ron ang kaniyang sarili sa pagpapanday, na tila ba hindi alintana ang panganib na maaaring gawin nina Asheara laban sa kaniya.

"Ano ang kailangan mo, munting sorsera." Sambit muli ni Ron.

Agad nagsalubong ang mga kilay ni Asheara dahil hindi niya nagustuhan ang kaniyang mga narinig.

"Binibini! Isa akong binibini, hindi isang munting bata!" Sambit muli ni Asheara.

Muli ay nahinto sa kaniyang ginagawa si Ron at kalaunan ay napalingon kay Asheara. Subalit kasunod nito ay ang malakas niyang pagtawa.

"*Hahahaha! Patawad! Patawad! Munting binibini! *Hahahaha!" Sambit muli ni Ron.

Sa mga sandaling ito ay mababakas sa mukha ni Asheara ang labis na galit. Ngunit gayumpaman ay pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili, dahil hindi pa niya batid kung anong klaseng nilalang ang kanilang kaharap.

"*Hahaha! Patawad! Alam kong may ilang daang taon ka na rin. *Hmm... Base sa pangangatawan mo ay tinatayang may higit sa dalawang daang taon ka pa lang." Sambit muli ni Ron.

"*Tch! Kung ganon ay alam mo na pala ang lahat at mukhang marami kang nalalaman patungkol sa lahi namin." Sambit muli ni Asheara.

"Ganon na nga. Pero ang ipinagtataka ko ay ano ang ginawa ng isang sorsera sa mundo ng mga mortal. Napatalsik ka ba sa inyo?" Sambit muli ni Ron.

Mabilis nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Asheara, matapos marinig ang mga sinabi ni Ron.

"Ganon na nga. May nagawa akong malaking kasalanan at kaya ako nandito ay upang ayusin ito. At ang bagay na 'yon ang pakay ko sa'yo." Sambit muli ni Asheara.

"*Hmm... Kung ganon ay batid mo kung sino ako?" Tanong muli ni Ron.

Agad napa-iling si Asheara at kasunod nito ay ang muli niyang pagsasalita.

"Ang totoo nito ay pinapunta ako dito ng pinuno at kasalukuyang taga sunod ni panginoong Levia." Sambit muli ni Asheara.

"Pinapunta ka dito ng pinuno ng mga taga sunod ni Levia? Para sa anong dahilan?" Sambit muli ni Ron.

"Kung ganon ay hindi nagpakilala sa kaniya si Levia at hindi rin niya sinabi ang patungkol sa tunay kong pagkatao. Ano ang pina-plano mo para sa batang ito, Levia?" Sambit ni Ron derekta sa kaniyang isipan.

"Patungkol kay Ryura. Batid kong may impormasyon ka patungkol sa kaniya." Sambit muli ni Asheara.

Saglit na natahimik si Ron at agad mababakas sa kaniyang mukha ang labis na pagkagulat.

"Ryura... Ano ang konekyon mo sa kaniya?" Sambit muli ni Ron.

Agad nabatid ni Asheara ang ibig sabihin ni Ron, kaya agad niyang nilinaw ang lahat.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon