Kabanata I - XIII: Ang paglalakbay ni Rishmond

1.4K 78 5
                                    

3/25/16

Ikalabing dalawa ng marso, tatlong araw matapos mawala nina Lyze at Sophia. Sa mga sandaling ito ay nasa paglalakbay si Rishmond, kasama ang tanyag na grupo, ang "Infinitia". Isang grupo ng mga mersinaryo ang Infinitia at piling-pili lang ang mga kasapi sa grupong ito na pinamumunuan ni Ziek. Sa ngayon ay lima sa kasapi ng Infinitia ang kasama ni Rishmond at ito ay sina: Mads, Archon, Chai, Dhem at ang kanilang pinuno, si Ziek.

Sina Mads at Archon ay hindi nalalayo ang katangian, dahil iisa lang ang kanilang lahi na pinagmulan. Paherong kulay pula ang kanilang mga buhok at pati na rin ang kanilang mga mata. At dahil hindi normal ang kanilang katangian ay lagi nilang nakukuha ang atensyon ng mga taong nakakakita sa kanila. Tinatayang parehas na nasa taas na limang talampankan at siyam na pulgada silang dalawa, subalit bahagyang mataas si Archon kay Mads ng ilang mga pulgada. At parehas din na matingkad ang pagka-kayumanggi ng kanilang balat. Malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang anyo at pati na rin ang kanilang mga sandata, kaya hindi mahirap na tukuyin kung sino sila.

Kapansin-pansin naman ang kasuotan ni Chai, dahil gawa ang mga ito sa iba't-ibang uri ng balat ng hayop. Kulay kayumanggi ang nakapusod niyang buhok at tinatayang nasa limang talampakan at dalawang pulgada ang kaniyang taas. Isang pana ang kaniyang sandata, subalit hindi ito ang pangunahin niyang gamit. Bihasa siya sa paggamit ng mga matatalim na sinulid at sa paggamit ng iba't-ibang mga lason, na natutunan niya sa lugar kung saan siya lumaki. Halos kakulay din ng kaniyang buhok ang kaniyang balat na bumagay sa kulay asul niyang mga mata.

Normal naman ang kasuotan ni Dhem na may ilang mga baluti. Kulay abo ang hanggang balikat niyang buhok at tinatayang nasa limang talakapan ang kaniyang taas. Maputi ang kulay ng kaniyang balat at labis na nakakaakit ang kulay berde niyang mga mata. Tulad ni Chai ay pana ang kaniyang sandata at bukod dito ay bihasa din siya sa paggamit ng punyal.

Isang Chainmail naman ang suot ni Ziek at sa unang tingin ay aakalaing isa siyang kabalyero na nagmula sa isang malaking bansa. Gayumpaman ay agad mapapansin na hindi siya isang kabalyero, dahil na rin sa iba pa niyang kasuotan. Kulay itim ang kaniyang buhok at tinatayang nasa limang talampakan at pitong pulgada ang kaniyang taas. Kakaiba naman ang kulay ng kaniyang mga mata, dahil kulay ginto ang mga ito.

Gamit ang kani-kanilang mga kabayo ay patuloy silang naglalakbay sa kahabaan ng daan, papalabas ng hangganan ng Wizendra. Tanghali na ramdam na nila ang labis na init, subalit tinatayang ilang oras pa ay makakalabas na sila hangganan at mapapasok na nila ang teritoryo nang ka-alyansa nilang bansa, ang Lenyms.

"Hoy Rish! Sigurado ka bang ligtas sa'yo na maglakbay sa labas ng bansa nyo?" Tanong ni Dhem.

"Wag kang mag-alala sa'kin binibining Dhem, dahil hindi naman ako tanyag tulad ng aking kapatid." Tugon ni Rishmond.

"Tawagin mo na lang akong Dhem." Sambit muli ni Dhem.

Napatingin na lang si Rishmond kay Dhem at kalaunan ay napatugon. Napatango na lang si Dhem at muling nagsalita.

"Hindi naman tungkol don ang ibig kong sabihin. Masyado ka pa kasing bata para sa misyong ito at isa pa ay kaya naman naming hanapin ang prinsesa, kahit kami lang ang maglakbay." Sambit muli ni Dhem.

"Magdahan-dahan ka pagsasalita, Dhem. Baka nakakalimutan mong isang sikreto ang pagkawala ng prinsesa?" Sambit ni Chai.

"Tayo lang naman ang nandito, kaya ano naman ang masama?" Sambit muli ni Dhem.

"Anong masama? *Tch! Papaano kung nasa bayan o nayon tayo? Mai-da-dahilan mo pa ba ang bagay na 'yan?" Sambit muli ni Chai.

"Tama na 'yan, Chai, Dhem! Pero sang-ayon ako sa sinabi ni Dhem kanina. Masyadong delikado ang misyong ito para sa'yo, Rishmond, dahil wala ka pa sa wastong gulang. Sa'king pagkakaalam ay halos labing limang taon ka pa lang, hindi ba?" Sambit ni Ziek.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon