Kabanata I - XVIII: Niyetta Saleanarr

1.2K 78 7
                                    

5/11/16

Malalim na ang gabi ng maisipang magpahinga nina Ziek. Sa ngayon ay nakalabas na sila sa hangganan at narating na nila ang lupain ng kalabang bansa. Ngunit tinatayang ilang nayon pa ang kanilang daraanan bago sila tuluyang makarating sa bayan ng Shudan. Siguro ay kung hindi sila ilang ulit na inatake ng ilang grupo ng mga bandido, sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay mas malayo na ang kanilang narating. Subalit labis talagang takaw sa mata ang dala nilang bagon na may sagisag pa ng bandali ng Lenyms. Gayumpaman ay walang nawala o nasaktan sa kanila at ang tangin lang na nagdusa ay ang mga bandidong nagtangkang sila ay pagnakawan.

Sa ngayon ay pinili nilang magpahinga sa tabi ng daan, upang hindi na sila mahirapan pa sa oras na sila ay magsimula muling maglakbay. Hindi na rin sila nahirapan sa paghahanda ng kanilang pagkain, dahil marami silang mga kagamitan para dito. At matapos nilang kumain ay halos hindi na sila nag-usap at agad na silang nagpahinga.

Apat na oras ang lumipas ng sila ay gumising at matapos nilang makapag-ayos ay agad na nilang sinimulan ang kanilang paglalakbay. At kahit bakas ang pagod at antok ay na wala silang mapagpipilian pa, dahil batid nilang matagal nang naghihintay para sa kanilang pagdating ang isa pang myembro nina Ziek.

Sa pagsikat ng araw ay may ilang mga bandido agad ang humarang sa kanila. At katulad ng mga naunang bandidong sumalakay sa kanila kahapon ay nabigo lang ang mga ito. At ang masakit pa dito ay halos nasawi silang lahat. Inaasahan naman nina Ziek na patuloy na mangyayari ang mga ganito, dahil ang napili nilang daan ay ang pinaka maigsi, ngunit ang pinaka mapanganib laban sa mga bandido.

Halos wala silang hinto sa kanilang paglalakbay at tanging prutas lang sa ngayon ang kanilang kinakain, upang hindi na nila kailanganin pang huminto para magluto. At dahil labis na nakakapagod at nakakabagot ang kanilang paglalakbay ay minabuti ni Rishmond na ituloy ang pagbabasa sa aklat na ipinahiram sa kaniya ni Ziek. At upang mabasa niya ito habang patuloy sila sa kanilang paglalakbay ay pansamantala muna siyang sumakay sa harapan ng bagon, sa tabi ni Archon na siyang nagpapausad nito. Ipinaubaya naman niya kay Mads ang kaniyang kabayo na hindi naman malaking bagay para dito.

Hapon na ng marating nila ang bayan ng Shudan. Bakas ang saya sa mukha ng lahat matapos nilang makapasok sa loob, ngunit walang ideya si Rishmond sa kung saan nila hahanapin sa malaking bayan na ito ang kasama nina Ziek, ang sorserang si Niyetta. Dahil dito ay sandaling nahinto si Rishmond sakay ng kaniyang kabayo. Agad naman siyang napansin ng iba at kalaunan ay huminto rin.

"Bakit Rish? May problema ba?" Tanong ni Dhem.

"Ngayon lang ito pumasok sa isipan ko, pero paano natin hahanapin ang kaibigan nyo dito?" Tanong ni Rishmond.

"*Ahh! Wag kang mag-alala, dahil iisa lang ang bahay paupahan na lagi naming pinupuntahan sa bawat bayan, kaya natitiyak namin na nandoon na siya ngayon at naghihintay." Tugon ni Dhem.

Napatango na lang si Rishmond, pagpapakita na nauwanaan niya ang mga sinabi ni Dhem. Samantalang napangiti na lang si Dhem, hanggang sa nagpatuloy na sila sa kanilang pag-usad. Sa mga sandaling ito ay masusing sinusuri ni Rishmond ang paligid, dahil ito ang unang beses niyang makatapak sa bayan ng kanilang kalabang bansa. Pansin naman nina Ziek na hindi nito alintana ang panganib o takot, kahit nasa lupain na siya ng kanilang mga kalaban.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa nasabing bahay paupahan. Dito ay agad nilang nakumpirma na nandito na ang kanilang kaibigan, dahil kilala sila ng may-ari ng naturang paupahan. Sa mga sandaling ito ay agad silang nagtungo sa kwadra upang dito iwan ang kanilang mga kabayo, ngunit napagpasyahan ni Rishmond na sandaling maglibot muna sa buong bayan. Pinahintulutan naman siya ni Ziek, ngunit sinabihan siya nito na mag-ingat, dahil posibleng lapitan siya ng ilang mga kawatan. At sa oras na makaharap siya ng isang kawal at tanungin kung sino siya ay ang dapat niyang isagot ay isa siyang mersinaryo na kabilang sa pangkat ng infinitia. Agad namang napatango si Rishmond at matapos nito ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa mga pamilihan.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon