Kabanata II - XLVI: Ang bayan ng Norm

996 71 21
                                    

10/10/17

Kinaumahagan, maagang ginising nina Chai at Corrosive ang mga kaibigan. Hindi naman nagreklamo ang lahat, bagkus ay labis silang nagtaka matapos makita ang ekspresyon sa mukha ng dalawa.

"May nangyari ba, Chai?" Tanong ni Dhem.

"Wala na sina Riel at mukhang kagabi pa sila umalis." Sambit ni Chai.

"*Eh?!" Sambit muli ni Dhem.

Napadakot na lang si Ziek sa kaniyang kamay, habang suot ang hindi mawaring ekspresyon.

"*Tch! Magmadali na tayo, kailangan na rin nating umalis. Hindi natin alam kung gaano kalakas ang mga kalaban, kaya susubukan nating mahabol sila." Sambit ni Ziek.

Wala namang magawa ang iba, dahil batid din nilang nasa panganib ang lahi nina Ziek. Hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na sila sa kanilang pag-usad. Subalit labis silang nagtaka, dahil batid nilang dapat ay may mga bakas silang makikita sa daan, ngunit wala silang makita.

"*Tch! Binura nila ang kanilang mga bakas." Sambit ni Ziek.

"Ano na ang gagawin natin Ziek?" Tanong ni Niyetta.

"Ipagpapatuloy lang natin ang ating paglalakbay at natitiyak kong makikita rin natin sila, dahil isang impormasyon lang naman ang gamit natin." Sambit muli ni Ziek.

Mabilis na napatugon ang lahat hanggang sa ilang sandali pa ay nagsimula na muli silang umusad.

****

Makalipas ang tatlong araw, narating na nina Argos ang Norm. Mabilis nilang tinungo ang pamilihang bayan at kalaunan ay nagtungo sa isang merchant guild, upang dito ibenta ang mga nalikom na sandata ng itim na leyon.

"*Hmm... magagandang klase ang mga sandatang ito at karamihan sa kanila ay pagmamay-ari ng aming sandatahan. Wag mong sabihing ninakaw nyo ang mga 'yan?" Tanong ng lalaki.

Hindi tumugon ang itim na leyon, bagkus ay napabuntong hininga na lang.

"*Tch! Ito ang hirap sa'yo bata. Siya ang tanyag na itim na leyon at isa siyang uwak na mangangalakal, kaya lahat ng mga sandatang 'yan ay nagmula sa naganap na digmaan." Sambit ng isa matandang lalaki.

Isang matandang lalaki ang marahang naglalakad papalapit kina Argos. At base sa itsura at pangangatawan nito ay nasa limangpu pataas na ang edad nito. Makikita na rin ang ilang mga puti sa kaniyang kulay kayumangging buhok at balbas. Gayumpaman ay nasa mabuti ang pangangatawan nito na may katabaan na normal bilang isang matagumpay na mangangalakal.

Mabilis na napalingon ang lalaki suot ang gulat na ekspresyon sa matandang lalaking nagsalita, at kalaunan ay nagbigay daan dito upang makalapit sa kanila.

"Pa...pa...patawad po." Sambit muli ng lalaki.

"Ang mabuti pa ay asikasuhin mo na lang ang mga naiwang trabaho sa likod." Sambit muli ng matandang lalaki.

"Masusunod po." Sambit muli ng lalaki.

Mabilis na sumunod ang lalaki sa utos sa kaniya, habang ang matandang lalaki naman ay mabilis na humarap sa dalawa.

"Pag pasensyahan mo na ang batang 'yon, bago lang kasi siya. Pero magaling siyang kumilatis ng mga sandata at natitiyak kong sa pag-usad ng panahon ay posibleng siya na ang haharap sa'yo dito upang bigyan ka ng tamang presyo." Sambit muli ng matandang lalaki.

"Naunawaan ko, Jean. Mukha ngang maraming alam sa sandata ang lalaking 'yon." Sambit muli ng itim na leyon.

"*Hmm... Nakakapagtakang makitang may kasama ka, kaibigan mo?" Sambit muli ni Jean.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon