Kabanata III - LXXXIX: Pagpapanggap at pagkukunwari

107 16 0
                                    

9/13/21

Ilang oras ang lumipas ng inutusan na ni Asheara si Vladimir na mangalap ng impormasyon patungkol kay Cornella at halos gabi na ito nang makabalik.

"Anong impormasyon ang nakalap mo patungkol sa kaniya?" Tanong ni Asheara.

"Ayon sa mga broker ay tinatayang may dalawang linggo na dito ang uwak na mangangalakal. At dahil naubos na ang kaniyang kalakal ay posibleng umalis na siya dito sa bayan bukas." Tugon ni Vladimir.

"*Tch! Pero mapalad tayo at nakaharap natin siya dito. Mukhang ito na ang tamang panahon para mai-kulong muli ang halimaw na 'yon." Sambit muli ni Asheara.

"Ano na po ang binabalak nyong gawin ngayon, master?" Tanong muli ni Vladimir.

"Sasabayan natin siya sa kaniyang pag-alis, kaya kinakailangan kong bantayan mo siya ngayon, Vlad. Pero siguraduhin mong hindi ka niya mapapansin o mararamdaman. Tandaan mo, isa siyang descendant ni Gaion." Sambit muli ni Asheara.

"Masusunod po." Tugon muli ni Vladimir.

Matapos magsalita ay mabilis na itong nagpalit anyo, bilang isang ibon at kalaunan ay mabilis ng lumipad. Hindi naman maalis kay Nima ang magulat, dahil kahit alam na niya ito ay hindi pa rin siya sanay na makita si Vladimir sa ganoong anyo.

"Descendant ni Gaion? Kanina ko pa po ito gustong itanong, pero hindi ako makahanap ng pagkakataon." Sambit ni Nima.

"Si Gaion ay isa ding diyos, tulad ng inyong diyos na si Levia. Pero ang kaniyang kapangyarihan ay halos tulad ng kay Raviel. Ang pinagkaiba lang nila ay mainit ang hanging taglay nila." Sambit muli Asheara.

"*Oh! Kung ganon ay siya na lang ang natitira sa kanilang lahi?" Tanong muli ni Nima.

"Purong dugo, oo. Pero hindi ko na alam pa ang patungkol sa iba pa." Tugon muli ni Asheara.

"*Hmm... Hindi na nakakapagtaka na wala akong alam patungkol sa kanilang diyos na si Gaion." Sambit muli ni Nima.

"Si Gaion ay kabilang sa mga unang diyos, at maituturing na sina Levia ay kabilang sa ikalawang henerasyon." Sambit muli ni Asheara.

"*Oh!! Ang ibig sabihin ba nito ay marami pang diyos ang hindi nakatala sa kasaysayan ng mga diyos?" Sambit muli ni Nima.

"Ganon na nga. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang patungkol kay Ryura at nalaman ko na lang ito matapos ko siyang mapakawalan sa kaniyang pagkakakulong." Sambit muli ni Asheara.

"Grabe! Nais ko pang malaman ang patungkol sa kanila! Maaari mo ba itong ikwento sa'kin?" Sambit muli ni Nima.

Napa-iling na lang si Asheara kasabay ng kaniyang pagbuntong hininga.

"Matapos nating kumain ay iku-kwento ko sa'yo ang mga nalalaman ko." Sambit muli ni Asheara.

"Ayos! *Haha!" Sambit muli ni Nima.

Samantala, kasalukuyan na ngayong minamatyagan ni Vladimir si Cornella. At salamat sa kaniyang distansya ay hindi siya mararamdaman nito o mahuhuli. Ngunit kaakibat nito ang kahirapan sa kaniyang pagmamatyag.

Sa mga sandaling ito ay nakita ni Vladimir ang paglabas ni Cornella at patungo ito sa kaniyang bagon. Dahil na rin sa hindi magandang anggolo ay agad lumipat si Vladimir, hanggang sa tuluyan na niyang makita ang kasalukuyan ngayong ginagawa ni Cornella. Isang bilog na kristal ang kinuha nito at tila habang kinakausap niya ito ay ang marahan nitong pagliwanag.

Matapos ang ilang mga minuto ay ibinalik na ni Cornella ang bilog na kristal sa loob ng isang kahon at kalaunan ay muli na siyang nagbalik sa loob ng bahay paupahan.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon