Kabanata III - LXXI: Neptis

688 40 31
                                    

3/16/19

Nagtagal ng ilang linggo si Asheara sa isla upang pag-aralan ang mundo ng mga mortal, gamit ang mga mapa at ilang mga aklat patungkol dito. Hanggang sa dumating na ang araw ng kaniyang pag-alis.

Kasama si Vladimir ay mabilis nilang nilisan ang isla, subalit isang mahika ang kaniyang iniwan sa kaniyang tahanan. Isang proteksyon na sasapat upang pangalagaan ang kanilang teritoryo.

Tinatayang sa loob ng mahigit dalawang linggong paglalakbay ay narating ni Asheara ang Neptis. At tulad ng kaniyang inaasahan ay hindi naging maganda ang pagtanggap sa kaniya ng mga mamamayan nito.

"Bata, anong ginawa mo dito? Hindi mo ba alam na bawal magtungo dito sa aming lupain?" Tanong ng isang lalaki.

"Hoy! Isa lang siyang paslit! Baka naman naligaw lang siya dito!" Sambit ng isa pang lalaki.

Agad nagsalubong ang kilay ni Asheara at kasunod nito ay pagpapakawala niya nang malakas na presensya. Kasunod nito ay isang ispada ang kaniyang inilabas at walang pag-aaksaya ay mabilis siyang sumugod.

Labis namang nagulat ang lahat matapos itong makita. Ngunit ang hindi nila inaasahan ay ang labis na bilis nito para sa isang bata.

Agad namang na-alerto ang lahat, ngunit bakas ang pagkadismaya sa mukha ng bawat isa.

"*Tch! Hindi ko alam kung ano ang rason mo bata. Pero hindi namin mapapalampas ang ginawa mong ito kahit isa ka lang paslit!" Sambit ng isa pang lalaki.

Matapos magsalita ay tila mas lumakas ang presensyang pinapakawalan ng bata. Sapat upang ma-alerto silang lahat.

Agad naghanda ang mga kalalakihan, dahil sa pagkakataong ito ay batid nilang hindi isang normal na batang babae ang kasalukuyang pasugod sa kanila. At nakumpirma nila ito matapos magtama ang kanilang mga sandata.

Sa isang pag-atake ay nagawang mapatalsik ni Asheara ang tatlong kalalakihan. At hindi ito inaasahan ng lahat.

"Ang lakas... Si...sino ba ang batang ito?" Sambit ng isang lalaki.

Matapos magsalita ay agad naramdaman ng lalaki ang isang nakakatakot na presensya at sa pagkakataong ito ay nagtama ang kanilang mga mata ng batang tinutukoy niya. Agad siyang napalunok dahil agad niyang nakita sa mga mata nito ang labis na galit at pagkamuhi.

"Mag-ingat kayo! Hindi pangkaraniwan ang lakas ng batang 'yan!" Sambit ng isa pang lalaki.

Sa pagkakataong ito ay biglang natahimik ang lalaking nagsalita, dahil tulad ng kasama niya ay agad niyang naramdaman ang isang nakakatakot na presensya.

"*Tch! Hindi ako naparito para makinig sa mga walang kwenta nyong mga komento patungkol sa'king katawan!" Sigaw ni Asheara.

Matapos magsalita ay marahang lumipad si Asheara at sa pagkakataong ito ay saglit na natigilan ang lahat.

Hanggang sa ilang sandali pa ay nakaramdam ang lahat ng labis na takot at kasabay nito ay ang pagtayo ng kanilang mga balahibo.

"Thunder's storm!" Sigaw ni Asheara.

Mabilis nagbasakan ang mga kidlat, subalit labis na nagtaka si Asheara, dahil kasabay nito ay ang isang nag-aablab na presensa ang biglang lumabas at kalaunan ay sumalo ng mga kidlat.

"Pa...panginoon!" Sigaw ng isang lalaki.

Ilang sandali ang lumipas at sa pagkakataong ito ay tinapos na ni Asheara ang kaniyang mahika. Sa pagkakataon ding ito ay biglang nagbago ang nag-aalab na presensya at kalaunan ay isang babae ang lumabas.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon