Kabanata I - XXVII.I: Twin dagger - Elma

1K 63 20
                                    

7/26/17

Kinagabihan, narating na nina Crow ang bayan ng Balmosini. Agad silang natungo sa pinakamalapit na bahay paupahan at ng makakuha na ng kanilang mga silid ay agad nang humilata si Lyze sa kaniyang napiling higaan.

"Sa wakas! Makakatulog na rin tayo ng disente." Sambit ni Lyze.

Napangiti na lang si Sophia, habang ina-ayos ang kanilang mga gamit.

"Oo nga pala... Dito na ba ipapa-ayos ni Crow 'yung kulungan na ginagamit natin?" Tanong ni Lyze.

"*Hmm... Hindi ko lang tiyak, pero posibleng dito na nga niya ito ipagawa. Tutal nangako naman siyang ipapagawa agad niya ito sa oras na makarating tayo sa bayan." Tugon ni Sophia.

"Hindi na tuloy ako makapaghintay sa kalalabasan nito!" Sambit muli ni Lyze.

Muli ay napangiti na lang si Sophia, habang tinititigan ang kaniyang prinsesa. Ngayon tuloy ay labis siyang nagpapasalamat, dahil nakilala nila si Crow. Hindi niya kasi tiyak kung makakarating sila ng ligtas sa lugar na kinaroroonan nila ngayon, at kung makakarating ba sila dito kung hindi nila ito nakilala.

"Halos dalawang linggo na lang at makakabalik na kami sa Wizendra." Sambit ni Sophia derekta sa kaniyang isipan.

"Ang mabuti pa ay kumain na tayo at kasunod nito ay sabay na tayong maligo, para maging maginhawa ang ating pagtulog." Sambit muli ni Sophia.

Ikinatuwa ni Lyze ang kaniyang mga narinig, kaya agad siyang napatango. Ilang sandali pa ay sabay na silang lumabas sa kanilang silid at kalaunan ay nagtungo sa ibaba, kung saan sila kakain.

Sa baba ay nakita nila si Crow na kumakain, habang nakadapo sa kaniyang kanang balikat si Vladimir. Mabilis naman silang nakita ni Vladimir, kaya dali-dali na itong lumipad patungo sa kanila. At tulad ng inaasahan ay mabilis itong dumapo sa kanang balikat ni Lyze.

Hindi natagal ay tuluyan nang nakalapit sina Lyze kay Crow. Walang pag-aaksaya ay agad na silang umupo sa tabi nito at kalaunan ay sumenyas sa may-ari, upang dalan na sila nito ng pagkain.

"Mga ilang araw tayo magtatagal dito?" Tanong ni Sophia.

"Bukas ay aalis na din tayo." Tugon ni Crow.

"*Eh?! Akala ko ba ay ipapa-ayos mo 'yung kulungan?" Tanong ni Lyze.

"Sa Basanti ko na ito aasikasuhin. Isa pa ay pabor naman ito sa inyo, dahil mas mapapadali ang inyong pagbalik sa inyong bansa." Sambit muli ni Crow.

Sandaling natahimik ang dalawa at kalaunan ay nagkatinginan.

"*Hmm... Sabagay, kung ganon ay susulitin na namin ang gabi na ito, para makapagpahinga." Sambit muli ni Lyze.

Matapos magsalita ay dumating na ang pagkain nila. Sakto namang tapos na si Crow, kaya agad na itong tumayo at kalaunan ay naglakad papalayo. Hindi naman na ito pinansin pa nina Lyze, dahil batid nilang magtutungo na ito sa silid nito sa itaas.

Samantala, nakarating na ang balita tungkol sa bayan ng Baezil kay haring Alvan. Tinatayang pitumput-pitong porsyento na ang tinatamaan ng nasabing sakit, kaya ang karamihan sa mga mamamayan ay lumikas na sa bayang ito. Subalit ang mga piniling umalis sa sarili nilang bayan ay hindi tinatanggap sa ibang mga nayon o bayan. Dahil posibleng dala nila ang sakit na maaari nilang mai-pasa sa mga tao.

Sa ngayon ay pinag-uusapan na ang gagawing hakbang upang tulungan ang nasabing bayan, dahil personal nang dumulog sa kanila ang kasalukuyang humahali sa Iros, si Zurick Etherfold. Subalit hindi ito personal na matutugunan ni Alvan, dahil kasalukuyan siyang nahaharap sa isang malaking problema. At patungkol ito sa pananatili niya bilang isang hari. Gayumpaman ay agad siyang nag-utos sa isa sa kaniyang mga ministro, na agad gumawa ng hakbang upang tulungan ang Baezil. Matalik din kasi niyang kaibigan ang kasalukuyang hari ng Iros, na napabalitang isa sa mga unang tinamaan ng sakit. Ngunit may isang bagay ang labis na bumabagabag sa kaniyang kalooban. At ito ay kung bakit walang ginagawa ang mga Williamford, upang tulungan ang sarili nilang bansa.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon