Kabanata I - V: Ang pilak na lobo

1.4K 90 6
                                    

2/1/16

Madaling araw nang magising si Sophia dahil sa isang paggalaw sa gamit niyang kumot. Sa pagkakataong ito ay agad niyang inalis ang kumot at mabilis na inalam kung ano ito. Ngunit agad siyang napa-iling at napabuntong hininga matapos malamang si Vladimir lang ito.

"Ang ibong ito! Minsan iniisip ko na dati siyang tao." Sambit ni Sophia.

Ngunit matapos niyang magsalita ay agad itong lumipad at kalaunan ay binuksan ang bintana ng kanilang kwarto. Mabilis pumasok ang malamig na hangin, kaya dali-daling bumangon si Sophia upang isara ang binta. Subalit bigla siyang natigilan at kalaunan ay napatitig sa labas, isang mabagal na pag galaw kasi ang kaniyang napansin. Sa mga sandaling ito ay mas pinag-igihan niya ang kaniyang pagtingin at pilit niyang inaninag ang bagay na kaniyang nakita. Hanggang sa tuluyan nang bumagay sa dilim ang kaniyang paningin at dito ay na tukoy na niya ang bagay na kaniyang nakita.

"Si ginoong Crow!" Sambit ni Sophia.

Walang pag-aaksaya ay dali-daling ginising ni Sophia si Lyze. Subalit hindi ito naging madali tulad ng kaniyang inaasahan. Sa pagkakataong ito ay posibleng hindi na nila muli pang makita si Crow sa oras na tuluyang makaalis ito ng bayan. At batid ni Sophia na hindi ito magugustuhan ni Lyze. Mabuti na lang at nagising na ito, subalit tila natutulog pa rin ang diwa nito.

"*Hareh? Shopiya?" Sambit ni Lyze.

"Gumising ka na prinsesa! Paalis na ng bayan si ginoong Crow!" Sambit ni Sophia.

Mabilis nagising ang diwa ni Lyze matapos marinig ang sinabi ni Sophia. Sa pagkakataong ito ay mabilis na siyang bumangon at kalaunan ay mabilis na inayos ang kanilang mga gamit.

"Bilisan natin Sophia! Baka hindi na natin makita pa si ginoong Crow sa oras na makalabas siya ng bayan!" Sambit ni Lyze.

Napangiti na lang si Sophia hanggang sa tuluyan na silang makalabas ng kwarto. Sa kanilang pagbaba ay agad silang pumunta sa kwadra, upang kunin ang kanilang mga kabayo at matapos nito ay mabilis na silang umalis. Samantala, halos malapit na sa labasan si Crow nang may mapansing isang presensya, hindi kalayuan sa kaniya.

"Mukhang mabilis sila sa inaasahan ko." Sambit ni Crow.

Nagpatuloy lang si Crow hanggang marating niya ang malaking pinto. Dito ay agad siyang sinuri ng mga guwardya at kasama na dito ang kaniyang bagon. Halos hindi naman ito nagtagal at ilang sandali pa ay pinayagan na siyang makalabas, matapos niyang magbayad ng buwis.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nina Lyze ang labasan. At tulad nina Crow ay masusi rin silang sinuri ng mga gwardiya, ngunit hindi rin ito nagtagal at matapos nilang magbayad ng buwis ay pinayagan na silang makalabas. Sa labas ay mabilis nilang nahabol si Crow at salamat ito sa tulong ni Vladimir.

"Hoy ginoong Crow! Bakit hindi mo na lang kami sinabihan na aalis ka ng maaga?" Sambit ni Lyze.

Bakas ang pagkainis sa tono nang pagkakasambit ni Lyze, subalit hindi naman ito pinansin ni Crow.

"Hayaan mo na lang siya, Lyze. Hindi naman niya obligasyon na sabihin sa'tin kung anong oras siya aalis." Sambit ni Sophia.

"Pero pumayag naman siya na sumabay tayo sa kaniya hindi ba?! Kaya dapat lang na sinabi niya sa'tin na maaaga siyang aalis!" Sambit muli ni Lyze.

"Tulad nang sinabi ng tagapagsilbi mo, wala akong obligasyon na sabihin sa inyo. Isa pa ay mapanganib ang sumama sa'kin, alam nyo ba yon?" Sambit ni Crow.

Sandaling natahimik sina Lyze, dahil nagulat sila sa kanilang mga narinig.

"Alam niyang tagapagsilbi ko lang si Sophia?" Sambit ni Lyze derekta sa kaniyang isipan.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon