Kabanata II - XLIII: Ang muling pagkikita

939 60 11
                                    

8/24/17

Makalipas ang ilang oras ay nagdisisyong saglit na magpahina sina Ziek. Mataas na rin kasi ang sikat ng araw at ramdam na ng kanilang mga kabayo ang pagod. At dahil pinili nila ang daan kung saan naganap ang digmaan ay hirap silang makahanap ng lilim. Gayumpaman ay salamat sa ilang mga puno na nakaligtas sa naganap na digmaan, dahil nagsilbi itong pansamantalang lilim sa kanila.

Kasalukuyan na ring nililinis ng mga sundalo ng Nostrad ang buong lugar at ibang-iba ito sa lugar na pinuntahan nila kanina, kung saan nila nakilala ang huwad na itim na leyon.

"Siguro ay dahil sa presensya ng itim na leyon ay basta na lang nilang iniwan ang lugar kung saan natin nakita ang huwad na itim na leyon." Sambit ni Dhem.

"Maaari ding sinamantala nila ang pagkakataon at nagdisisyon silang sumugod, habang tumatakas at hindi handa ang kanilang mga kalaban." Sambit ni Corrosive.

"Ano pa man ang dahilan kung bakit nila iniwan ang unang pinangyarihan ng kanilang labanan ay hindi na mahalaga. Ang mahalaga sa ngayon ay ang makita natin ang itim na leyon at magawang mapasali siya sa'ting grupo." Sambit ni Pipay.

"Tama si Pipay, kaya bilisan nyo nang kumain, para mahabol na natin siya." Sambit ni Medz.

Napa-iling na lang sina Dhem at kasabay nito ay ang kanilang pagkain. Habang sina Rishmond ay kasalukuyan ngayong kinakausap ang ilang mga sundalo ng Nostrad. Subalit ilang sandali pa ay ilang mga pamilyar na mukha ang nakita ni Ziek, sakay ng mga kabayo. At tila nagmamadali ang mga ito, base sa takbo ng kanilang pag-usad.

Napansin din naman ito nina Edhz at Bickslow, kaya mabilis silang napatayo at kalaunan ay lumapit kay Ziek.

"Tama ba ang iniisip ko? Sina Kel ba 'yon?" Tanong ni Edhz.

"Mukhang sila nga, pero anong ginagawa nila dito?" Tugon ni Ziek.

"Noha..." Sambit ni Bickslow.

Samantala, napansin din nina Rishmond ang mga paparating at agad nilang napansin na hindi nalalayo ang mga itsura nito kina Ziek.

"Mga Hamon?" Tanong ni Rishmond.

"Mukhang tama ka, at kumpara kina Ziek ay sobrang lakas nila." Tugon ni Niyetta.

"Kung ganon ay ano kaya ang ginagawa nila dito? Hindi ba't ayon kina Ziek ay mahigpit silang pinagbabawalan na umalis sa kanilang lugar?" Sambit muli ni Rishmond.

"'Yun din ang alam ko, pero mukhang may hinahanap sila." Sambit muli ni Niyetta.

Hindi na nagsalita pa si Rishmond at napatitig na lang sa papadaang mga Hamon sa kanila. Ngunit isang bagay ang labis na pumukaw sa kaniyang atensyon, at ito ay ang pagtangkang pagpigil sa kanila ng ilang mga sundalo. Kataka-taka dahil wala naman itensyon na hulihin ng mga sundalo ang nasabing grupo, bagkus ay tila nakiki-usap pa ang mga ito na huminto sila. Subalit bigo lang ang mga ito at hindi na sumubok pa na humabol.

"Kung tama ang iniisip ko ay posibleng inupahan sila upang tumulong sa hukbong sandatahan ng Nostrad." Sambit ni Niyetta.

Mabilis na napalingon si Rishmond kay Niyetta, suot ang gulat na expresyon.

"Hindi ko rin alam ang dahilan, kaya mabuti pa siguro kung bumalik na tayo. At natitiyak kong hindi rin gugustuhin nina Ziek na makita sila ng kanilang kalahi." Sambit muli ni Niyetta.

Napatango na lang si Rishmond at kasunod nito ay nagpaalam na sila sa sundalo na pinagtanungan nila.

Samantala, isang babae ang mag-isa ngayong binabaybay ang daang tinahak nina Ziek. Nakasuot ito ng isang mahabang tela at dahil dito ay hindi makita ang buo niyang mukha. At base na rin sa mga ikinikilos nito ay tila may hinahanap ito sa hanay ng mga sundalo ng Nostrad.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon