Kabanata II - LI: Muling pagtanggap

1K 78 18
                                    

2/26/18

Mapunta naman tayo kina Lyze, patuloy lang siya sa kanilang paglalakbay, habang nasa likuran niya sina Rishmond at Lishri.

"*Tch! Hanggang kailan mo ba ako balak sundan?" Tanong ni Lyze.

Hindi tumugon si Rishmond at patuloy lang sa kaniyang pagsunod. Napabuntong hininga na lang si Lyze, habang si Vladimir ay nakatingin sa mga ito.

"Ang batang 'yon, malaki ang pagkakatulad nila ni Gishmond." Sambit ni Vladimir.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Lyze, matapos marinig ang sinabi ni Vladimir. Subalit hindi naman ito nagtagal at ilang sandali pa ay nagsimula na itong magsalita.

"Anong ibig mong sabihin? At bakit mo kilala si Gishmond?" Tanong ni Lyze.

"*Huh? *Hmm... Siguro ay mahigit tatlumpong taon na ang lumipas ng mahanap namin ang batang si Gishmond. Kinupkop siya ni Crow at tinuruan makipaglaban. Tinatayang tatlong taon din namin siyang nakasama sa paglalakbay, hanggang sa dalhin namin siya sa Iros, sa kaniyang angkan." Sambit muli ni Vladimir.

Saglit na nahinto sa kaniyang pag-usad si Lyze at kasunod nito ay ang kaniyang pagbaba sa bagon. Saglit din namang nahinto sa kanilang pag-usad sina Rishmond at kalaunan din ay bumaba sa kanyang gamit na kabayo.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad papalapit si Lyze kina Rishmond. Agad namang napangiti si Rishmond at kasunod nito ay ang kaniyang pagsalubong dito. Subalit ilang sandali pa ay mabilis siyang napahinto, dahil napansin niya ang motibo sa ginawa nito, at ito ay ang paslangin sila.

"Sa...sandali lang Lyze!" Sambit ni Rishmond.

Subalit hindi tumugon si Lyze at nagpatuloy lang ito sa kaniyang pagsugod. Sa pagkakataong ito ay nanatili na lang sa kaniyang kinatatayuan si Rishmond, hanggang sa tuluyan na niyang matanggap ang ginawang pag-atake laban sa kaniya.

Labis itong ikinagulat ni Lishri, lalong-lalo na si lyze, dahil batid niyang madali lang para kay Rishmond na iwasan ang ginawa niyang pag-atake. Subalit ang mas lalong gumulat sa kaniya ay ang mainit nitong pagyakap, habang nanatiling nakatarak ang isa sa kaniyang punyal sa tagiliran nito.

"Kuya Rish!" Sigaw ni Lishri.

Hindi tinugon ni Rishmond si Lishri o kahit man lang lingunin. Bagkus ay napangiti na lang ito, habang patuloy sa kaniyang mahigpit na pagyakap.

"Alam kong hindi mo mapapatawad ang aking pamilya at kung magiging masaya ka sa pagpaslang sa'kin ay buong puso ko itong tatanggapin. Pero sana wag mong pabayaan ang batang 'yon." Sambit ni Rishmond.

Muli ay labis na nagulat si Lyze sa kaniyang mga narinig, hanggang sa ilang sandali pa ay mabilis na siyang pumiglas at kalaunan ay mabilis na tumalon paatras. At sa kaniyang pagbagsak sa lupa ay ang siya namang pagdapo ni Vladimir sa kaniyang kanang balikat.

Agad namang napaluhod si Rishmond at kalaunan ay napahawak sa kaniyang tagiliran, kung saan siya tinamaan.

"Kuya Rish!" Sigaw muli ni Lishri.

Mabilis na nilapitan ni Lishri si Rishmond, upang alamin ang kalagayan nito. Nanatili naman sa kaniyang kinatatayuan si Lyze at pinagmamasdan ang naghihirap na kababata.

"Kung ganon ay iniisip mong sugo siya ni Crow?" Tanong ni Vladimir.

"Ganon na nga." Tugon ni Lyze.

"Pero sa tingin ko ay nagkamali ka. At sa tingin ko ay ang batang 'yan ay labis na nagmamahal sa'yo." Sambit muli ni Vladimir.

Subalit sa pagkakataong ito ay hindi na nagsalita pa si Lyze at agad napansin ni Vladimir ang panginginig ng buong katawan nito. Ngunit ilang sandali pa ay tuluyan ng bumuwal si Rishmond at kasunod nito ay ang pag-agos ng dugo nito sa lupa.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon