Kabanata III - LXXII: Apoy na dragon ng Barin

698 50 20
                                    

4/1/19

Samantala, sa isang bansa sa kontinente ng Narka. Isang malaking digmaan ang kasalukuyang nagaganap at ang nasabing bansa ay nasasakdal ngayon sa pagbagsak. Resulta ito ng paulit-ulit nilang pagkatalo sa mga digmaan at sa ngayon ay tanging ang kanilang kapitolyo na ang pakay ng kanilang mga kalaban. At sa oras na masakop na ito ay tuluyan ng babagsak ang kanilang bansa.

"Punong Heneral! Tinatayang hindi bababa sa tatlumpong libong sundalo na lang ang natitira sa ating hukbo. Samantalang nasa higit isang daan libo ang hukbo ng Barin at halos kalahati nito ay hukbong kabayuhan na may matataas na kaligatad ng baluti at kalasag. Pa...pa...paano natin sila magagapi nito?" Sambit ng isang lalaki.

Agad napatayo ang lalaki suot ang gulat na ekspresyon. Siya si Gann Sckatram, ang kasalukuyang punong heneral ng buong Garshlan, ang nasabing bansa na kasalukuyan ngayong nasa bingit ng pagbagsak.

"*Tch! Sumpain! Nago, kailangan kita upang mai-takas ang ating mahal na hari at ang maharlikhang pamilya. Hindi mamamatay ang Garshlan hanggat nabubuhay sila!" Sambit ni Gann.

Saglit na natigilan ang lalaki ngunit bakas sa paghinga nito ang pagpigil niya sa kaniyang mga luha.

"Masusunod po! Ipinapangako ko na dadalhin ko sa ligtas na lugar ang ating kamahalan!" Sambit muli ng lalaki.

"*Uhm! Hindi ko matatanggap ang kabiguan, kaya kumilos ka na!" Sambit muli ni Gann.

"Masusunod po!" Sambit muli ng lalaki.

Subalit matapos magsalita ay isang kawal ang mabilis na pumasok at bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Punong Heneral!" Sambit ng sundalo.

"*Tch! Kung ganon ay nagsimula na sila." Sambit muli ni Gann.

Hindi kaagad nakapagsalita ang bagong dating na sundalo, dahil pilit pa niyang hinahabol ang kaniyang hininga.

"Na...na...nagkakamali po kayo, Punong heneral... Ma... ma... may isang lalaki po ang kasalukuyan ngayong naglalakad patungo sa hukbong sandatahan ng Barin!" Sambit muli ng sundalo.

"Isang lalaki? Sino siya? Isang ispeya ng Barin?" Tanong ng heneral.

"Hindi ko po alam, pero hindi po siya isang sundalo. Isang glaive ang dala nito at mabagal po siyang naglalakad patungo sa hukbong sandatahan ng Barin." Sambit muli ng sundalo.

"*Tch! Pigilan nyo ang lalaking 'yon! Madali kayo at i-utos sa hanay ng ating mga mamamana na asintahin ang lalaking 'yan at paslangin!" Sambit ni Gann.

Patugon na sana ang sundalo ng isa pang sundalo ang biglang pumasok at kalaunan ay nagsalita.

"Punong heneral! 'Yung lalaki! Nagsimula na siyang sumalakay sa hukbo ng mga kalaban! At ang kasalukuyan niyang kaharap ay ang hukbong nasa ilalim ni heneral Rai'un, ang apoy na dragon ng Barin." Sambit ng bagong dating na sundalo.

"A...ano?!" Sambit muli ni Gann.

Mabilis na naglakad papalabas si Gann upang personal na makita ang nagaganap, habang si Nago naman ay mabilis na itinuloy ang kaniyang misyon, ang itakas ang kanilang hari at ang pamilya nito.

***

Makalipas ang ilang minuto ay narating na ni Gann ang itaas ng kanilang mataas na pader at dito ay personal niyang nakita ang mga nangyayari.

"I...i...imposible! Tanging ang lalaking 'yon ang may gawa nito?" Sambit ni Gann.

Subalit tulad niya ay balot pa rin ng labis na pagkagulat ang lahat at halos hindi sila makapaniwala sa kanilang mga nakikita.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon