Kabanata I - XXXV: Pandora's box II

928 68 15
                                    

4/23/17

Isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa tanggapan ng hari, si Reimond, dala ang isang liham mula sa kaniyang ama. Agad naman itong binasa Zurick, ngunit kahit hindi pa nito natatapos ang pagbabasa ay mababakas na sa kaniyang mukha ang labis na pagkagulat.

"Hindi isang epidemya kundi isang sumpa ang dumapo sa'ming bansa? Batid mo ba ang tungkol dito, Reimond?" Tanong ni Zurick.

"*Uhm! At ayon kay ama ay labis itong makapangyarihan." Tugon ni Reimond.

"Papaano naman nalaman ng iyong ama ang tungkol dito? At ang may gawa nito ay ang taong may kakayahang gamutin ang sakit? Si ginoong Narphet?" Sambit ni Zurick.

"Katulad ng sinabi mo ang naging tanong ko kay ama, ngunit ayon sa kaniya ay hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Subalit ayon muli sa kaniya ay ito na ang pinakamalawak na kaniyang nasaksihan. At ang Narphet na tinutukoy mo, nakatitiyak si ama na siya ang may kagagawan nito, dahil isa lang ang paraan para mawala ang sumpa. At ito ay maaalis lang ng gumawa ng mismong sumpa." Sambit muli ni Reimond.

Sandaling natahimik si Zurick, dala na rin ng kaniyang mga narinig. Subalit ilang sandali pa ay mapapansin na sa kaniyang mukha ang labis na galit.

"Ang Narphet na 'yon! Ngayon ay malinaw na para sa'kin ang tunay niyang motibo! Magbabayad siya!" Sambit ni Zurick.

"Huminahon ka Zurick. Natitiyak kong hindi lang basta isang tao ang Narphet na tinutukoy mo. At kung sakaling mapaslang mo siya, posibleng hindi na mahinto ang sumpa." Sambit muli ni Reimond.

"Kung ganon ay ano ang gagawin ko ngayon?" Tanong ni Zurick.

"Mabuting pang bantayan mo ang kinikilos niya at mas mabuti kung tayo muna ang nakakaalam nito." Sambit muli ni Reimond.

"Nauunawaan ko. Maraming salamat, Reimond." Sambit muli ni Zurick.

Napa-iling na lang si Reimond na tila hindi siya sang-ayon sa pasasalamat ni Zurick sa kaniya.

"Patawad at ngayon lang ako dumating, kahit matagal ng batid ni ama ang mga nangyayari. Kinailangan lang talaga ni ama na maghintay sa paglabas ng salarin." Sambit muli ni Reimond.

Napangiti na lang si Zurick at kasunod nito ay inaya na niya si Reimond na lumabas at maglakad-lakad.

Samantala, kasalukuyan na ngayong nasa sinumpang isla ang babae, kasama ang dalawa pa niyang kaibigan. Sila ay kasapi din ng grupong Infinitia at kasalukuyang naghahanap ng impormasyon patungkol sa babaeng matagal na nilang hinahanap.

Tulad ni Niyetta ay isa ding sorsera ang babae, si Celtrax. Halos hindi nalalayo ang kanilang edad at wangis ng pangangatawan. Subalit malaki ang pinagkaiba sa kanilang pisikal na anyo. Mahaba ang dilaw na buhok nito at kulay kayumanggi ang kaniyang mga mata.

Ang isang lalaki ay hindi nalalayo ang kasuotan kina Ziek at Bickslow, si Edhz. Sa katunayan ay kapareho ang kulay ng buhok at mga mata nito. Malaki din ang pagkakaiba niya sa dalawa, dahil hindi gaanong kalaki ang kaniyang pangangatawan at hindi rin siya katangkaran.

At ang huling lalaki ay nagmula sa angkan ng Uria, si Medz. At hindi rin nalalayo ang kaniyang pananamit kina Archon at Mads. Subalit hindi tulad ng dalawa ay ispada ang kaniyang sandata at hindi mabibigat tulad ng maso at palakol na siyang sandata ng dalawa.

Sandali silang nagpapahinga, dahil na rin sa malabangungot na karanasan na kanilang dinaanan patungo dito.

"Akala ko ba ay ligtas tayo sa halimaw na 'yon?" Sambit ng isang Medz.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon