Kabanata II - LV: Ang pagdating ng masamang balita

792 59 16
                                    

6/11/18

Makalipas ang tatlong araw ay narating na nina Lyze ang bayan ng Arguenta, sa bansang Mainald. At salamat sa mga kumalat na haka-haka patungkol sa kanila, dahil kusa nang umiwas sa kanila ang mga bandido at mga kriminal na namamalagi o nagkukuta, hindi kalayuan sa ruta na dinaanan nila. Batid naman nina Lyze ang tungkol sa mga bandido. Sa katunayan ay wala silang paki-alam sa kung sino man ang makaharap nila, basta ang mahalaga ay marating nila ang Arguenta sa pinaka mabilis na panahon.

Gabi na ng makahanap sila ng matutuluyan, at dala na rin ng kanilang mahabang paglalakbay ay hindi na nagawa pang maglinis ng katawan ni Lishri at agad na itong nakatulog matapos nilang maghapunan.

"Tinatayang mahigit dalawang linggo na lang ay makakarating na tayo sa deseyerto ng Krintiz. Kinakailangan nating bumili ng mga kakailanganin sa paglalakbay." Sambit ni Lyze.

"Kung ganon ay bukas ng umaga ay magtungo na tayo sa pamilihan." Sambit ni Rishmond.

"*Uhm! Mabuti pa nga para makaalis na agad tayo." Sambit muli ni Lyze.

Napatango na lang si Rishmond, habang pinagmamasdan ang pagsasa-ayos ni Lyze ng kanilang mga gamit, bago tuluyang magtungo sa banyo upang makapaligo.

"Lyze..." Sambit muli ni Rishmond.

Saglit na natigil sa kaniyang ginawa si Lyze at mabilis na napalingon kay Rishmond.

"Hmm?" Tanong ni Lyze.

"Hindi ba maaari na dito na tayo magsimulang maglayag patungo sa isla ni Asheara?" Tanong ni Rishmond.

Hindi tumugon si Lyze, bagkus ay mabilis itong umiling. Pagpapakita na hindi maaari ang bagay na minungkahi ni Rishmond.

"Pero bakit? Hindi ba't mas magiging mabilis ang magiging paglalakbay natin kung maglalayag na tayo dito patungo sa isla ni Asheara? Isa pa ay wala tayong marerentahang bangka doon." Tanong muli ni Rishmond.

Sa pagkakataong ito ay napabuntong hininga si Lyze at kalaunan ay marahang ibinaba ang kaniyang hawak.

"Totoong mas mapapabilis kung maglalayag na tayo dito patungo sa isla ni Asheara, pero imposible ang maglayag dito, kahit patungo lang sa desyerto ng Krintiz." Sambit muli ni Lyze.

"Dahil ba cursed sea?" Sambit muli ni Rishmond.

"Ganon na nga." Sambit muli ni Lyze.

"Pero ano ang pinagkaiba ng paglalayag dito sa desyerto ng Krintiz?" Tanong muli ni Rishmond.

"Wag kang mag-alala, dahil may paraan na ako para doon. At hindi na natin kakailanganin pa ng bangka." Sambit muli ni Lyze.

Sa pagkakataong ito ay natahimik na si Rishmond, ngunit mababakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-iisip.

"Ang mabuti pa ay maghanda ka at oras na para tayo ay maligo." Sambit muli ni Lyze.

Napabuntong hininga na lang si Rishmond at kalaunan ay mabilis na ring naghanda.

Samantala, pabalik na sana si Vladimir kina Lyze, subalit isang grupo ang pumukaw sa kaniyang atensyon. Batid niyang hindi pangkaraniwan ang grupo, kaya minabuti niyang sundan muna ang mga ito.

Mapunta naman tayo kina Rhena, sa mga sandaling ito ay nananatili sila sa gubat at tulad ng kanilang hinala ay hindi pa rin nakakalabas ng gubat sina Ziek. At kahit hindi nila kabisado ang buong kagubatan ay sapat na ang kanilang mga napiling pwesto upang matukoy kung mayroong mga pagbabago, kabilang na dito ang pagkilos ng ilang mga hayop.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon