Kabanata I - IX: Ang asul na tigre

1.2K 80 2
                                    

2/27/16

Halos palubog na ang araw nang makabalik sina Helio sa kanilang grupo. Agad silang sinalubong ng ilan sa kanilang mga kasamahan at matapos nito ay agad nang dumertso sina Helio at Gigi sa tolda kung saan kasalukuyang nag-uusap ang kanilang mga pinuno, sina Aldrick at Rongki.

Nang makarating ay sandaling huminto sina Helio at Gigi sa harapan ng entrada at kalaunan ay humingi ng pirmiso upang makapasok sa loob. Agad naman silang tinugon ni Aldrick at matapos nito ay pumasok na sila. Dito ay nakita nila sina Aldrick at Rongki na nakatitig sa isang mapa na kasalukuyang nakalatag sa lamesa na nasa kanilang harapan. At mukhang ang mapang ito ay ang lugar na kanilang pupuntahan.

"Anong impormasyon ang nakalap nyo?" Tanong ni Aldrick.

"Totoong sinalakay ng mga pilak na lobo ang nasabing nayon ni Pino. Pero tulad din ng sinabi niya bago siya mamatay ay napatay na ang buong pangkat niya." Sambit ni Helio.

Agad napalingon sina Aldrick at Rongki kina Helio at mababakas sa kanilang mga mukha ang labis na pagkagulat. Halos ilang sandali din silang natahimik, habang gulat na nakatitig sa dalawa.

"Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, Helio?" Tanong muli ni Aldrick.

"*Uhm! Sa katunayan ay ginamit namin ang daang tinahak ni Pino nang magpakita siya sa'tin. Ngayon ay naisip ko na isang sugal na dala nang desperasyon ang kaniyang ginawa nung magpakita siya sa'tin, dahil totoong naubos na ang kaniyang pangkat. At kung sakaling nagawa niya tayong malinlang ay posibleng napapunta niya tayo sa nayong 'yon at nagawa na niyang makabalik sa kanilang kuta. Mai-uulat pa niya sa kanilang pinuno ang gagawin nating pagsalakay, kung nagkataon na tayo ay nagkamali." Sambit muli ni Helio.

"Talaga? Kung ganon ay ipaliwanag mo ang nalaman nyo sa nayong sinalakay nila." Sambit muli ni Aldrick.

"Opo! Pero labis pong hindi kapani-paniwala ang aming sasabihin, kaya po sana ay wag nyong isiping nasisiraan na kami ng ulo." Sambit muli ni Helio.

"*Tsk! Bilisan mo at sabihin mo na!" Sambit muli ni Aldrick.

"Opo!! Ang totoo nyan ay isang tao lang ang pumatay sa buong pangkat ni Pino at isa pa siyang mangangalakal, isang uwak na mangangalakal." Sambit muli ni Helio.

"Uwak na mangangalakal? *Hmm... Bibihira lang na makarinig ng isang uwak na mangangalakal, pero tulad ng sinabi mo ay mahirap paniwalaan na inubos niyang lahat ang pangkat ni Pino." Sambit ni Rongki.

"Tama po kayo, pero ang mga taga-nayon ang mismong nagkwento nito at base na rin sa kani-kaniyang pag-uusap ay hindi sila gumagawa ng kwento. Nakita rin namin ang isang tambak na katawan ng mga bandido na kanilang sinusunog. At mukhang alam din nung mangangalakal na tayo ang nakapatay kay Pino, dahil pinasundan daw niya ito sa kaniyang alagang ibon." Sambit muli ni Helio.

"Alagang ibon?" Tanong ni Aldrick.

"Opo! Isa 'yong kulay itim na ibon. Sa totoo lang ay nakakita na ako ng ganon, pero hindi ko maalala kung anong uri o klase ng ibon ang isang 'yon." Sambit muli ni Helio.

"Itim na ibon?" Tanong muli ni Aldrick.

Muling tumango si Helio sa pagkakataong ito, subalit agad siyang nagtaka dahil sa nakita niyang ekspresyon sa mukha ng dalawa nilang pinuno.

"May problema po ba?" Tanong ni Helio.

"Mukhang ang ibon na tinutukoy mo ay ang ibon na nakita naming lumipad mula sa bubong ng dala natin bagon, nung umalis kayo upang puntahan ang nayon." Sambit ni Rongki.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon