Kabanata II - XLII: Itim na leyon

1.1K 66 28
                                    

8/4/17

Anim na taon ang lumipas magmula ng magpasyang umalis at sumali si Rishmond sa grupong Infinitia. At sa ngayon ay patuloy pa rin siya sa kaniyang paghahanap sa kaniyang prinsesa at sa tagapagsilbi nito, sina Lyze at Sophia. Subalit sa pagkakataong ito ay hindi niya ito mapagtuonan ng pansin, dahil nasa kontinente sila ng Ashiya, upang magpatuloy sa pangangalap ng impormasyon patungkol sa orihinal na pakay ng grupo, ang paghahanap sa babaeng hindi niya tukoy. At posibleng kasapi ito sa isang kulto na tinatawag na "Arma Netra". Ngunit pawang mga huwad ang kanilang mga nakakaharap sa nakaraan. At dahil sa mga impormasyong nagliligaw sa kanila ay hirap din silang mahanap ang nasabing kulto.

Gayumpaman ay may ilan na ding na dagdag sa kanilang grupo at hindi rin sila pangkaraniwan. At ang isa sa mga ito ay nailigtas nila sa tiyak na kamatayan, dahil na rin sa maraming may gusto na pumaslang sa kaniya. Dahil na rin sa natatangi nilang pagkatao at uri ay labis silang kinatakutan ng mga tao, at nagresulta ito sa pagbato sa kanila ng mga sisi, sa bawat sakuna na dumadaan sa kani-kanilang mga pinagmulan. At sila ang mga tamang nilalang na hinahanap nina Ziek, at dala ang kanilang sagisag at pangalan, walang naglakas loob na sila ay kalabanin.

Sa mga sandaling ito ay patungo sila sa isang digmaan sa pagitan ng dalawang bansa, subalit magtutungo sila dito upang hindi makipaglaban, kundi hanapin ang isang tanyag na tao.

"Sigurado ba kayo sa impormasyong nakalap nyo? Papaano kung hindi natin makita doon ang itim na leyon?" Tanong ni Dhem.

"Wag mong sabihing natatakot ka dahil isa siyang uwak na mangangalakal?" Tanong ni Chai.

"Ba...ba...bakit naman ako matatakot?! Ma...ma...malinaw naman sa nakalap nating impormasyon na hindi siya si Crow! I...i...isa pa ay isa siyang babae!" Sambit muli ni Dhem.

"Natatakot nga siya..." Sambit ni Pipay.

"Pipay!!" Sambit muli ni Dhem.

Bakas sa mukha ni Dhem ang labis na pag-inis para sa kaniyang mga kaibigan, habang ang iba naman ay hindi na napigilan ang pagtawa.

"Totoo ba talagang makalas ang Crow na 'yon?" Tanong ng isang batang babae.

Ang babaeng nagsalita ay ang pinaka bata sa kanilang grupo si Lashri. Sampong taon pa lang ito sa ngayon at kapansin-pansin na normal lang ang kaniyang anyo, at hindi nalalayo sa isang normal na bata. Subalit sa likod ng kaniyang mga berdeng mata at mala-lutiang buhok nagtatago ang kaniyang tunay na pagkatao. At siya ang nailigtas nina Ziek sa kamatayan mula sa galit mga tao, dahil si Lashri ay isang mangkukulam.

Tinatayang may isang taon na rin itong kabilang sa kanilang grupo, matapos nila itong mailigtas sa nag-aamok na mga tao sa isang nayon sa bansayang Sanipilip, dito rin sa kontinente ng Ashiya. At hindi tulad ng inaasahan nina Niyetta at Celtrax ay hindi nalalayo ang taglay nitong kapangyarihan sa kanilang uri. Subalit hindi pa rin maipagkukumpara ang dalawang lahi, dahil na rin sa agwat ng kanilang kakayahan at abilidad. Isa pa ay ang bawat mangkukulam ay humihiram lang ng kapangyarihang nagmumula sa ugat ng tinutukoy na puno ng buhay, ang Yggradsil.

Taglay ni Lashri ang abilidad na makontrol ang anumang klaseng halaman at ang naging bansag sa kaniya ay "Forest Witch". At hindi tulad ng normal na mangkukulam, hindi siya marunong gumawa ng mga sumpa, dahil malayo ito sa daloy ng kaniyang abilidad.

"Isa siyang halimaw at halos pinaglaruan niya lang kaming lahat." Sambit muli ni Dhem.

"Ta...talaga? Kung ganon ay nakakatakot pala talaga ang Crow na 'yon." Sambit muli ni Lashri.

"Tama na 'yan Dhem! Tinatakot mo na si Lashri eh!" Sambit ni Mads.

"Tumahamik ka Mads!" Sigaw ni Dhem.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon