Kabanata II - LXIX: Ang nakaraan ni Asheara IV

702 51 21
                                    

2/19/19

Nakaraang dalawampung araw, lahat ay okupado dahil sa papalapit na paglusob ng mga troll. Normal naman para sa kanila ang atakehin ng mga ganitong klaseng uri ng nilalang, dahil malaki ang galit ng mga ito sa mga dwarf na kanilang mga kapanalig, kasama ng mga goblin na kanilang katulong sa paglikha ng mga sandata.

Sa hindi kalayuan ay ilang mga sorserer ang kasalukuyang binabantayan ang bawat pagkilos ng mga troll. Ngunit ilang sandali pa ay laking pagtataka nila ng isang lalaki ang bigla na lang nilang nakita sa himpapawid. At nasa ibaba lang nito ang hukbong sandatahan ng mga troll. Agad din naman itong napansin ng mga troll, dahil na rin sa aninong nalikha nito sa kalupaan. Subalit sa pagkakataong ito ay imbes na mag-aalala ang mga sorserer para sa lalaki ay labis silang nagulat sa kanilang mga nasaksihan. Dahil sa loob lang ng ilang sandali ay malaking prosyento ang mabilis nasawi sa hanay ng mga troll at gawa lang ito ng isang mahika na pinakawalan ng lalaki.

"Sino ang lalaking 'yon?" Tanong ng isa sa mga nagbabantay.

"Hindi ko rin alam, pero labis ang kapangyarihang taglay niya. Para mapaslang ang ganong karaming troll sa isang pag-atake lang." Sambit ng isa pang bantay.

"Ang mabuti pa ay i-ulat na natin ito sa ating mga pinuno." Sambit muli ng isang bantay.

Mabilis na sumang-ayon ang lahat at kalaunan ay mabilis na silang nagtungo sa kanilang himpilan upang i-ulat ang kanilang mga nasaksihan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang bantay sa tanggapan ng kanilang pinunto at agad na siyang naglakad papasok sa loob nito upang inulat ang kanilang nakita.

Sa loob ay isang matandang lalaki ang tahimik na sinusuri ang isang mapa. Kung isa siyang normal na tao ay tinatayang higit na sa isang daang taon ang kaniyang edad, base na rin sa kaniyang wangis. Subalit tinatayang nasa higit dalawang libong taon na siyang nabubuhay. Isa siyang henyo at pinaka-malakas sa kaniyang henerasyon at kahit labis na ang kaniyang katandaan ay tila hindi pa rin nagbabago ang kaniyang katayuan sa kanilang lahi. Siya si Aghanim, ang kasalukuyang namumuno sa buong lahi ng mga sorcerer.

Agad nahinto sa kaniyang ginagawa si Aghanim matapos makita ang pagpasok ng isang sorserer.

"Orbel! May pagkilos na bang ginagawa ang mga troll at napasugod ka dito?" Tanong ni Aghanim.

"I...i...isang sorserer po ang kasalukuyan ngayon umaatake sa mga troll! At sobrang lakas po niya, pinuno!" Sambit ng lalaki.

"Ano?!" Sambit muli ni Aghanim.

"Opo pinuno." Sambit muli ng lalaki.

"*Tch! Labis na mapanganib ang kaniyang ginawa! Natukoy na ba kung sino ang sorserer na ito?" Sambit muli ni Aghanim.

"Hi...hindi pa po. At base sa'ming nakita ay hindi siya nagmula sa'ting lugar." Sambit muli ng lalaki.

Sa pagkakataong ito ay saglit na natahimik ang matandang lalaki at tila ba may malalim na iniisip. Subalit ilang sandali pa ay isa pang lalaki ang biglang pumasok at kalaunan ay mabilis na nagsalita.

"Magandang balita po, ang lalaking 'yon! Matagumpay niyang natalo ang buong hukbo ng mga troll! At kasalukuyan na po siyang patungo dito." Sambit ng lalaki.

Mabilis na patayo sa kaniyang kina-u-upuan si Aghanim at kalaunan ay mabilis na nagsalita.

"Dalin nyo ako sa lalaking ito." Sambit muli ni Aghanim.

Ngunit matapos niyang magsalita ay isang malakas na presensya ang kaniyang naramdaman. Kasabay nito ay ang malakas na pagyanig ng buong lugar.

Bakas ang labis na pagkagulat ng matandang lalaki at kalaunan ay dali-dali na siyang lumabas. Hindi naman nagtagal ay nakita na niya ang lalaking tinutukoy ng kaniyang mga bantay. Subalit saglit siyang natahimik at bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagkagulat.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon