Kabanata II - LXII: Ishmir

652 63 18
                                    

10/24/18

Tatlong araw ang lumipas ng tuluyang marating nina Lyze ang nasabing gusali at tulad ng sinabi nina Gusthav ay tila parte ito ng isang malaking gusali, at natabunan lang ng desyerto.

Hindi naging mahirap ang kanilang paglalakbay patungo dito, at salamat ito kina Lyze. Naabutan din nina Gusthav ang naiwan nilang mga gamit dito at ilang mga kamelyo. Dahil dito ay mas nadagdagan pa ang kanilang mga pagkain at tatagal ito ng dalawa pang linggo, base na rin kung ilang kamelyo ang kanilang kakatayin.

Ngunit kasabay ng kanilang pagbabalik ay ang pagbabalik ng kanilang naramdamang takot sa ilalim ng gusaling ito.

Agad namang napansin nina Lyze, Rishmond at Lishri ang bagay na ito, kaya agad nilang sinuguro na ligtas sila.

"Mabuti pa siguro kung magpahinga muna tayo dito. At base na rin sa nanatili dito ang inyong mga naiwang gamit, mukhang hindi maaaring makalabas dito ang nilalang na tinutukoy nyo." Sambit ni Lyze.

Saglit na nagtinginan ang apat at ilang sandali pa ay sabay-sabay silang napabuntong hininga.

"Mukhang tama ka, pero hindi pa rin maaalis sa'min ang matakot, lalo na't amin itong nasaksihan." Sambit ni Gusthav.

"Nauunawaan ko po." Sambit muli ni Lyze.

Halos hapon na rin nang marating nina Lyze ang gusali at dala na rin ng labis na pagod ay agad nakatulog sina Lishri, Roura, Khaleel at Teskahn matapos nilang kumain.

"Sa tingin ko po ay makakabuti kung susuriin muna namin ang loob, para po matukoy ang panganib na sinasabi nyo." Sambit ni Lyze.

Hindi tumugon si Gusthav, subalit mababakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala.

"Wag po kayong mag-alala, ginoong Gusthav. Babalik kami agad sa oras na maramdaman namin ang panganib. Sisiguraduhin lang po namin na ligtas ang lugar." Sambit ni Rishmond.

Muli ay hindi tumugon si Gusthav at kalaunan ay napabuntong hininga. Ilang sandali pa ay tumayo na siya at kalaunan ay itinuro ang lugar kung saan makikita ang lagusan.

"Tinatayang lagpas tao ang lalim para makita ang lagusan, kaya mas makakabuti kung sisimulan na natin ang paghuhukay." Sambit ni Gusthav.

"Kung ganon ay ipaubaya mo na ang bagay na ito sa'min." Sambit muli ni Lyze.

Matapos magsalita ay mabilis itinapon ni Lyze ang isang galon ng tubig sa lugar kung saan kinakailangan nilang maghukay.

"*Ahh!" Sambit ni Gusthav.

Sa lakas ng kaniyang pagkakasambit ay nagising ang kaniyang mga kaibigan at kalaunan ay napatitig kay Gusthav, suot ang pagod na ekspresyon.

Batid ni Lyze ang dahilan kung bakit napasigaw si Gusthav at dahil ito sa tubig na kaniyang itinapon. Subalit pinili niyang hindi muna magpaliwanag at isagawa ang kaniyang naisip na paraan.

Gamit ang kaniyang kapangyarihan ay mabilis niyang ikinalat ang tubig sa buhangin hanggang sa tuluyang mabasa ang malaking parte ng buhangin.

Dala na rin ng labis na pagtataka ay hindi nagawang magsalita nina Rishmond at hinintay na lang ang mangyayari sa bagay na ginagawa ni Lyze. Subalit ilang sandali pa ay ilang pag galaw sa buhangin ang kanilang napansin, hanggang sa ilang sandali pa ay tila nagkaroon ito ng buhay at mabilis na tumayo.

Agad nagising ang diwa nina Roura, Khaleel at Teskahn matapos makita ang bagay na ito. Kasama si Gusthav ay mabilis silang lumabas ng gusali, dahil tila hinahabol sila ng halimaw na gawa sa buhangin.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon