Kabanata I - XII: Gram

1.5K 89 20
                                    

3/18/16

Kasalukuyang pinapanood nina Lyze at Sophia ang nangyayari sa digmaan. Ngunit sa ngayon ay nakatuon ang kanilang atensyon kay Crow na tila kalmado lang, habang mabagal na naglalakad papalapit sa mga bandido. Batid naman nilang malakas si Crow, subalit nag-aalala sila ngayon dahil na rin sa nakita nilang kakaibang lakas at bilis ng lima sa mga bandido. At ang limang ito ay ang nakita nila kaninang umubos sa hanay ng mga mamamana at sa mga sumusuporta sa harapan nito.

"Alam ba ni Crow ang ginagaw niya?" Tanong ni Lyze.

"Hindi ko rin alam, pero ngayon ko lang nakita ang ngiting ito sa kaniyang mukha." Tugon ni Sophia.

"*Uhm!" Sambit muli ni Lyze.

Matapos magsalita ay sandaling napalingon si Lyze sa Green Dragon Crescent Blade na kasalukuyang naka lapag sa upuan sa may harapan ng bagon.

Samantala, patuloy lang sa kaniyang paglalakad si Crow. Hindi niya pinapansin ang mga mersinaryong nagtatakbuhan pasalubong sa kaniya, dahil nakatuon ang kaniyang paningin sa isa sa mga binansagang taong lobo. Ilang sandali pa ay isang sandata ang kaniyang nakita, mabilis niyang tinapakan ang hawakan nito na naging dahilan upang ito ay tumalbog paitaas. Mabilis niya itong kinuha habang nasa ere at kalaunan ay agad iwinasiwas sa kaniyang kanan. Isang pasugod na bandido ang kaniyang tinamaan at mabilis itong binawian nang buhay. Ilang mga bandido pa ang sumugod sa kaniya, subalit ang bawat isa mga ito ay mabilis na nasawi, matapos humalik ang talim ng ispadang hawak niya sa kanilang mga katawan. Sa pagkakataong ito ay napansin na siya ng isa sa mga taong lobo, si Zaldi.

"*Fufu... Mukhang hindi ka basta-basta. Kung ganon ay makikipaglaro ako sa'yo." Sambit ni Zaldi.

Napangiti na lang si Crow sa mga sandaling ito at napatitig kay Zaldi na kasalukuyang naglalakad papalapit sa kaniya. Samantala, madaling napatay nina Aldrick ang mga bandidong nakasalubong nila at sa mga sandaling ito ay halos ilang habang na lang ang layo nila kay Zakk.

"Paikutan natin siya!" Sambit ni Aldrick.

Agad tumugon sina Rongki at kasunod nito ay mabilis silang humiwalay kay Aldrick. Napahinto naman sa kaniyang paglalakad si Zakk at kalaunan ay napangiti, matapos mapansin ang mga papalapit na kalaban.

"*Fufufu... Mga hangal... Pero pagbibigyan ko kayo kung gusto nyo na agad mamatay." Sambit ni Zakk.

Kasalukuyan na ngayong pinai-ikutan nina Aldrick si Zakk, ngunit may isang bagay silang napansin. Walang mga bandido ang gustong tumulong sa kanilang pinuno, dahil patuloy lang ang mga ito sa pagtakbo pasugod sa kanilang mga kasama. Ngunit hindi na nila ito binigyang pansin pa at itinuon na lang nila ang kanilang atensyon sa gagawin nilang pag salakay.

"Rongki, Helio, Tewar! Ngayon na!" Sigaw ni Aldrick.

Malakas na sumigaw ang tatlo at kasabay nito ay ang kanilang pag-atake sa magkaka-ibang dereksyon. Mabilis na rin sumugod si Aldrick at nasa harapan siya ni Zakk, ngunit tulad ng kaniyang naramdaman nung nakipaglaban siya kay Crow, isang panganib ang kaniyang naramdaman at dahil dito ay agad niyang pinigilan ang kaniyang kabayo at kalaunan ay sumigaw.

"Tumigil kayo!" Sigaw ni Aldrick.

Subalit huli na para sa tatlo dahil kasalukuyan na silang paatake. Sa mga sandaling ito ay nakita ni Aldrick ang malaking ngiti sa mukha ni Zakk at halos sa isang iglap ay mabilis na kumalat ang dugo sa ere. Hindi makapaniwala si Aldrick sa kaniyang nakita, dahil sa isang pag-atake lang ay mabilis na nahati sa dalawa sina Helio at Tewar. Mapalad naman si Rongki, dahil nahulog siya sa kaniyang kabayo, bago pa tuluyang tumama ang talim ng malaking ispada ni Zakk sa kaniyang kabayo. Napahigpit na lang sa kaniyang pagkakahawak si Aldrick sa kaniyang ispada. At kahit batid niyang imposible na para sa kaniya na matalo si Zakk ay buong tapang pa rin niya itong sinugod. Hindi naman ito inaasahan ni Rongki, kaya dali-dali niyang pinigilan si Aldrick, ngunit nabigo siyang gawin ito.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon