Kabanata I - III: Ang prinsesa at ang bayan ng Eschuta I

1.7K 96 10
                                    

Sakay sina Lyze nang dalawang kabayo na naiwan ng mga bandido at tahimik nilang sinusundan ang mangangalakal patungo sa susunod na bayan, ang bayan ng Eschuta.

"Sigurado na po ba kayong gusto nyo pa ring kunin ang tulong ng lalaking yon?" Tanong ni Sophia.

"Sa ngayon 'yun muna ang plano natin. Mukhang ang daang tinatahak niya ay ang dadaan tatahakin din natin." Tugon ni Lyze.

"*Hmm.. Sana nga po ay tama ang mga sinabi nyo." Sambit muli ni Sophia.

"Pero Sophia, sigurado ka bang siya talaga ang taga pagmana ng unang uwak na mangangalakal?" Tanong ni Lyze.

"Sa totoo lang ay hindi ko rin alam, pero 'yon lang ang tanging naiisip kong dahilan kung bakit nasa kaniya ang Green Dragon Crescent Blade." Tugon ni Sophia.

"*Hmm.. Sa totoo lang ay hindi ako pamilyar sa pinaka-unang uwak na mangangalakal, pero alam ko kung anong klase silang mangangalakal. At ayon sa nabasa kong aklat tungkol sa uri ng mga mangangalakal ay sila ang may pinaka delikadong trabaho. At dahil sa sobra itong delikado ay halos wala ng nagtakang maging isang uwak na mangangalakal." Sambit muli ni Lyze.

"Tama po kayo, prinsesa. Dahil sa gitna ng digmaan ay walang kinikilalang kapanalig ang mga uwak na mangangalakal. At sa oras na makita sila nang kahit sino sa mga naglalabang hukbo ay maaari na silang paslangin ng mga ito. Isa pa ay kalaban nila ang mga mersinaryo sa pamumulot ng mga sandata at iba pang mga kagamitan na may mataas na halaga. At mas mapanganib ring manguha ng mga sandata kung tapos na ang digmaan, dahil ito ang oras kung saan namumulot ang mga nag waging hukbo, lalong-lalo na ang mga mersinaryo." Sambit muli ni Sophia.

"*Tsk! Paulit-ulit na lang ba ako Sophia? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na alisin mo muna ang pagiging pormal sa pakikipag-usap sa'kin, hanggang hindi pa tayo nakakabalik sa'ting bansa?" Sambit muli ni Lyze.

"Sinusubukan ko naman pero hindi ito ganong kadali, kaya sana ay bigyan nyo pa ako nang panahon para makasanayan ko na tawagin kayo sa inyong pangalan." Sambit muli ni Sophia.

"Nauunawaan ko, pero laging mong tatandaan na dapat mo akong tawagin sa pangalan ko sa oras na nasa mga bayan o nayon tayo. Maliwanag ba?" Sambit muli ni Lyze.

"Opo, Lyze." Sambit muli ni Sophia.

Sa pagkakataong ito ay natahimik si Lyze at kalaunan ay napangiti. Hindi na sila nag-usap pa at napatitig na lang siya sa itim na bagon na kasalukuyang nasa kanilang harapan.

Ilang oras pa ang lumipas at halos palubog na ang araw. Hindi pa rin nila natatanaw ang bayan ng Eschuta, subalit batid nilang malapit na sila dito. Gayumpaman ay mapanganib ang maglakbay sa gabi, kaya hinihintay nilang huminto ang kanilang sinusundan.

"Sophia.. Nagugutom na ako." Sambit ni Lyze.

"Wag po kayong mag-alala, dahil natitiyak ko pong hihinto sa may gubat ang mangangalakal na 'yon." Sambit ni Sophia.

"Nauunawaan ko." Sambit muli ni Lyze.

Mababakas ngayon kay Lyze ang pagod base na rin sa tono ng pagkakasambit nito. Gayumpaman ay kinakailangan nilang magtiis, dahil ilang milya na lang naman ang layo nila sa isang gubat.

Makalipas ang ilang mga minuto ay narating na nila ang isang maliit na gubat. At tulad ng inaasahan nila ay hihinto dito ang mangangalakal. Sa mga sandaling ito ay huminto sila hindi kalayuan sa bagon ng mangangalakal at kalaunan ay agad naglatag ng isang tela si Sophia, upang dito sila makapagpahinga. Dati na nilang pagmamay-ari ang telang ito, subalit nakuha ito sa kanila ng mga bandido matapos silang mabihag ng mga ito. Gayumpaman ay nabawi niya ito, subalit bukod dito ay wala na siyang nabawi pa mula sa mga gamit na kinuha sa kanila.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon