Kabanata III - LXXXIV: Kabisera

101 19 2
                                    

9/10/21

Mabilis lumipas ang dalawang araw at narating na nila ang bayan ng Nalmna. At tulad sa Vilran ay inaasahan na rin ang kanilang pagdating, kaya agad silang sinalubong ng mga kawal at kalaunan ay hinatid na sa tahanan ng kasalukuyang namamahala sa nasabing bayan.

Tulad ni Darsha ay nais ding makumpirma ng kasalukuyang namumuno sa Nalmna ang balita patungkol kay Asheara. At hindi naman siya nabigo patungkol dito at halos katulad ng sinabi ni Darsha ang sinabi nito kay Asheara.

***

Makalipas ang limang araw ay tuluyan ng narating nina Asheara ang kabisera, ang Umi. Bagamat makikita ito sa gitna ng Longxu ay kataka-taka na ang bayang ito ay makikita sa gitna ng katubigan. Sa katunayan ay ang nakapalibot na tubig ay kontektado sa bawat ilog na makikita sa buong bansa at karugtong ng mga ilog na ito ang dagat.

Ang impormasyong ito ang labis na pinagkakaingatan nila, dahil sa oras na malaman ito ng kanilang mga kalaban ay madali na para sa kanila ang makapasok sa mismong kabisera ng bansa. Gayumpaman ay mga may nakahanda na silang pang depensa sa sinuman na magtangka na sila ay salakayin.

Sa pagpasok nila sa loob ng bayan ay agad silang sinalubong ng tatlong kalalakihan at base sa kanilang kasuotan ay hindi sila basta ordinaryong mamamayan ng nasabing bayan.

Labis namang nagulat si Nima matapos makita ang mga ito at tila ba kilala niya kung sino ang mga taong sumalubong sa kanila.

"Mga elder sila ng Levia." Sambit ni Nima.

Napatango na lang sina Asheara at tahimik na napatingin sa tatlong kalalakihan.

"Magandang araw sa inyo, batid naming ang mahaba ninyong paglalakbay. Mabuti pa siguro kung sa palasyo na tayo mag-usap." Sambit ng isa sa mga lalaki.

Agad sumang-ayon sina Asheara at kasunod nito ay sumunod na sila sa kalesa ng mga ito.

Tinatayang kalahating oras ang lumipas nang makarating sila sa nasabing palasyo. Sa katunayan ay hindi naman namangha si Asheara sa kaniyang nakita, dahil hindi hamak na mas magara at labis na kakaiba ang palasyo ng mga elves sa kaniyang pinagmulan. Subalit labis pa ring kakaiba ang nasabing palasyo, dahil sa tubig na nagmumula sa itaas nito na umaagos paibaba. Tila ba isa itong talon, na nilagyan ng magagarang dekorasyon.

"Ang mabuti pa ay tayo na sa loob, naghihintay na ang aming pinuno." Sambit muli ng lalaki.

Hindi na tumugon pa sina Asheara at sumunod na lang sa mga lalaki.

"Sa totoo lang ay ito ang unang beses ko na makakapasok sa loob ng palasyo." Sambit ni Nima.

"Talaga? Kahit isa kang prinsesa?" Tugon ni Asheara.

"Marahil ay tinatawag akong isang prinsesa sa'ming bayan, pero dito sa kabisera ay halos hindi ako nalalayo sa mga normal na mamamayan. Isa pa ay lahat ng nakatira sa kabisera ay pawang tulad naming mga Levian." Sambit muli ni Nima.

"*Ahhh!" Sambit muli ni Asheara.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa tila ba isang altar at isang babae ang kanilang nakita na nakatayo dito.

"Pinuno, nandito na po sila." Sambit ng lalaki.

Hindi lumingon sa kanila ang babae at itinuloy lang nito ang kaniyang ginagawa.

"*Uhm! Iwan nyo muna kami, nais ko siyang makausap mag-isa. Dalhin nyo na sa kanilang magiging silid ang kaniyang mga kasama." Sambit ng babae.

Agad napantingin ang lahat kay Asheara, subalit hindi rin naman ito nagtagal.

"Hihintayin ka na lang namin sa magiging silid natin." Sambit ni Nima.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon