Kabanata II - LXIII: Ishmir II

686 56 23
                                    

10/31/18

Tinatayang dalawampong minuto ang lumipas nang tuluyang makabalik sa itaas sina Lyze at Rishmond. Natagalan sila dahil na rin sa hindi sila pamilyar sa lugar at dala na rin ng labis na kadiliman.

Sa mga sandaling ito ay sinimulang lapatan ni Rishmond ang pinsalang natamo ni Lyze, dahil kinailangan pa niyang maghanap ng mga gamot na ayon kina Gusthav ay maaaring laman ng mga naiwang gamit ng mga nasawi nilang kaibigan.

Hindi naman nagkamali sina Gusthav, dahil matagumpay na nakahanap si Rishmond ng mga gamot na mabisa para sa mga pasa at sugat.

"*Tch! Marami pa sana akong itatanong kay Ishmir!" Sambit ni Lyze.

"Bakit? Sa tingin mo ba ay may kinalaman si Crow dito sa pagkasira ng Krintiz?" Tanong ni Rishmond.

"*Hmm... Hindi ko alam, pero kung pagbabasehan ang nilalang na nakaharapan natin at si Ishmir, hindi hamak na mas malakas sila kumpara kay Crow. Batid ko ang presensyang pinapakawalan ni Crow, pero ang itim na nilalang na 'yon. Malayong-malayo ito kumpara kay Crow. Sa katunayan ay halos hindi ako makahinga kanina dahil sa presensya ng itim na nilalang na 'yon. At kung nahuli ako kahit ilang saglit lang ay posibleng wala na ako ngayon." Sambit muli ni Lyze.

"Sabagay. At ang itim na nilalang na ito ay isang umapaw lang na kapangyarihan. Papaano pa ang nilalang na nagmamay-ari ng itim na nilalang na 'yon?" Sambit muli ni Rishmond.

"Sana lang at totoo ang sinasabi ni Ishmir tungkol sa nilalang na 'yon." Sambit muli ni Lyze.

"*Uhm! Pero sa tingin ko..." Sambit muli ni Rishmond.

Hindi na nagawang matapos ni Rishmond ang kaniyang sasabihin, dahil sa ilang mga pagyanig na kanilang naramdaman.

"Hindi ito maganda!" Sambit muli ni Rishmond.

"*Uhm! Posibleng tuluyan ng malilibing ang buong Krintiz, dahil wala na si Ishmir. Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito!" Sambit ni Lyze.

Mabilis na tumugon si Rishmond, habang si Lyze naman ay mabilis na pinulot ang ilang mga aklat na nakakalat sa lapag. At kahit patuloy ang pagyanig ay hindi ito siya mapigilan ni Rishmond sa kaniyang ginawa.

"Iwan mo na ang mga 'yan!" Sambit ni Rishmond.

"Hindi! Importante din ang mga bagay na ito!" Tugon ni Lyze.

At dahil wala ng magagawa si Rishmond ay tinulungan na rin niya ito. Sa katunayan ay pumasok din sa kaniyang isipan ang pagkuha sa katawan ng mga kaibigan nina Gusthav, subalit imposible para sa kaniya na mabuhat ang mga ito ng sabay-sabay.

Samantala, ramdam sa itaas ang nangyayaring pagyanig, kaya agad nag-alala sina Lishri. Subalit ilang minuto pa ang lumipas ay ilang mga yabag ang kanilang narinig mula sa lagusan, hanggang sa matukoy nilang sina Lyze at Rishmond ito.

"Kayong lahat! Labas!" Sigaw ni Rishmond.

Dala ng pagkabigla ay mabilis sumunod ang lahat, hanggang sa tuluyan na silang maka-labas lahat sa gusali.

Sa pagkakataong ito ay napatitig sila sa gusali na patuloy lang sa paggalaw, hanggang sa ilang sandali pa ay unti-unti na itong gumuho.

"Hindi..." Sambit ni Gusthav.

Agad namang nakahinga ng maluwag sina Rishmond at Lyze, dahil hindi naganap ang kanilang ikinababahala.

"Mukhang hindi tuluyang lumubog ang buong Krintiz at tanging ang mataas na tore lang ang gumuho." Sambit ni Rishmond.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon