Kabanata II - LVI: Ang pagdating ng masamang balita II

832 63 30
                                    

6/20/18

Kahit labis na nanghihina ay agad napansin nina Rhena ang pagdating ng dalawa mula sa hangin. At kung sakaling mga kalaban din ang mga ito ay wala na silang paki-alam pa, dahil wala na rin silang pag-asa pa sa ngayon. Ngunit magbabago ito kung ang pakay nila ay iisa, ang labanan ang angkan ng Hamon.

Samantala, hindi makapaniwala sina Ziek, habang pinagmamasdan ang marahang paglalakad nina Crow patungo kina Rhena.

"Bogegang!" Sigaw ni Ziek.

Mabilis na nahinto sa kanilang paglalakad ang dalawa at kalaunan ay napalingon kina Ziek.

"*Oh! Ang mga batang kaibigan ni Bogegang!" Sambit ng babae.

"Mukhang sila ang kasama ng batang nilagyan ko ng sumpa patungo dito. *Hmm... Kung ganon ay huli ko na silang papaslangin." Sambit ng lalaki.

"*Hmm... Hindi ba't mas maganda kung sila na ang uunahin mong paslangin, para hindi na nila makita pa ang mangyayari sa buo nilang angkan?" Sambit muli ng babae.

"*Fufufu... At 'yon ang dahilan kung bakit huli kong silang papaslangin." Sambit muli ng lalaki.

Napangiti na lang ang babae at kasunod nito ay ang marahan niyang paglipad sa ere.

"Kung ganon ay panonoorin na lang kita dito sa itaas." Sambit muli ng babae.

Hindi makapaniwala sina Ziek sa kanilang mga narinig, dahil tila hindi ang kaibigan nilang si Bogegang ang narinig nilang nagsasalita.

"Hi...hindi si Bogegang ang babaeng 'yon!" Sambit ni Bickslow.

Balak pa sanang magsalita nina Ziek, subalit isang malakas na presensya ang kanilang naramdaman. At dahil dito ay mabilis na naalerto ang lahat para sa bagong kalaban.

"*Fufufu! Sinong mag-aakalang dito sa loob ng mahabang bundok magtatago ang tanyag na lahing nilikha ni Hamon?" Sambit ng lalaki.

"Mag-iingat kayo! Siya si Crow!" Sigaw ni Ziek.

Napangiti na lang si Crow sa pagkakataon ito, subalit kasabay nito ay ang pagpapakawala niya ng isang kapangyarihan.

"Reverse Gravity!" Sambit ni Crow.

Sa isang iglap ay mabilis na bumagsak ang lahat sa lupa. At sa hindi nila matukoy na dahilan ay tila may bagay na tumutulak sa kanila upang manatiling nakahalik sa lupa.

Sinubukan naman ng lahat na labanan ito, subalit kahit isang milimetro ay hindi nila maingat ang kanilang katawan.

Samantala, marahan namang ipinagpatuloy ni Crow ang kaniyang paglalakad patungo sa tatlo. Subalit sa isang iglap ay bigla na lang naradaman nina Rhena ang pagkalag sa kanilang pagkakagapos.

"*Fufufu... Ipinagmamalaki ko kayong tatlo, kaya bakit hindi nyo sabihin sa'kin ang inyong mga pangalan." Sambit ni Crow.

Kahit hindi maunawaan nina Rhena ang mga nangyayari ay mabilis silang tumango at kasunod nito ay ang kanilang pagtayo.

"Ako po si Rhena at sila naman ay sina Eddga at Aleah." Sambit ni Rhena.

"*Hmm... Rhena, Eddga at Aleah. Tatandaan ko ang inyong mga pangalan at titiyakin kong mabibigyan kayo ng gantimpala para sa katapangang ipinakita nyo." Sambit muli ni Crow.

Saglit na natahimik ang tatlo at kalaunan ay agad nagkatinginan.

"Pa...patawad pero maaari ba naming malaman kung sino kayo?" Sambit ni Rhena.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon