Kabanata I - XXXII: Patimpalak III

1K 75 7
                                    

3/24/17

Umaga na nang marating nina Ziek ang Balmosini at kahit batid na nilang hinabol nila ang oras ay kinailangan nilang manatili dito ng sandali. Sa ngayon ay pansamantala silang nananatili sa isang bahay paupahan, habang sina Corrosive at Chai ay umalis upang magtungo sa gubat kung saan makikita ang iba nilang ka-tribo na tinukoy ni Mustaka. Ang iba naman ay kasalukuyang naghahanap ng impormasyon patungkol sa kanilang mga hinahanap, dahil batid nilang nagtungo dito ang mga ito. Sa ngayon ay tanging sina Rishmond at Niyetta ang naiwan sa bahay paupahan.

"Hanggang kailan tayo mananatili dito?"Tanong ni Rishmond.

"Wag kang mag-alala bata, sa oras na makabalik na sina Corro at Chai ay aalis na tayo, may makuha mang impormasyon sina Ziek o wala." Tugon ni Niyetta.

Hindi mapakali si Rishmond dahil kahit nakuha na nila ang mga importanteng impormasyong magtuturo sa kanilang hinahanap, sina Lyze at Sophia, ay kinailangan pa rin nilang huminto at maghintay.

Napansin naman ito ni Niyetta at batid na agad niya ang labis nitong pagmamadali. Ngunit wala naman siyang magagawa, dahil kinakailangan talaga nilang huminto. Hanggang sa ilang sandali pa ay nagsimula nang maglakad papalabas ng kanilang silid si Rishmond.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Niyetta.

"Mag-iikot lang ako para hindi ako mabagot." Tugon ni Rishmond.

Hindi na muli pang nagsalita si Niyetta at hinayaan na lang niya si Rishmond sa bagay na nais niyang gawin.

Samantala, mabilis na narating nina Chai at Corrosive ang kagubatang tinutukoy ni Mustaka. At ayon dito ay makikita ang iba pa nilang mga ka-tribo sa pusod ng gubat. Batid din nilang hindi madaling makarating dito, dahil pamilyar sila sa kanilang mga pamamaraan. Subalit habang hinahanap nila ang tamang daan ay ilang mga patibong ang kanilang napansin. At bakas sa mga ito na may nahuli at nabitag sa mga ito.

"Mukhang maraming nagtangkang pasukin ang gubat, pero mga hangal sila kung inaakala nilang madaling mapapasok ang ating mga ka-tribo." Sambit ni Chai.

Napangiti na lang si Corrosive at kalaunan ay napa-iling habang sila ay umuusad. Napangiti na lang din si Chai, hanggang sa makita na nila ang tamang daan, patungo sa kinaroroonan ng kanilang mga ka-tribo. Ngunit habang mabilis silang tumatakbo ay napansin nilang halos lahat ng patibong ay gamit na ata ng ilan dito ay may bakas pa ng mga dugo. At dahil dito ay labis silang nabahala, dahil posibleng na pasok na ang kuta ng kanilang mga ka-tribo.

Hanggang sa ilang sandali pa ay natanaw na nila ang ilang mga kabahayan at kasunod nito ay isang pamilyar na lalaki. Agad silang napangiti at kalaunan ay malakas itong tinawag ni Chai.

"Laxur!" Sambit ni Chai.

Matapos magsalita ay isang patalim ang hinagis ni Chai patungo sa lalaking tinawag niya. At tulad ng kaniyang inaasahan ay madali lang nito itong naiwasan. Sa katunayan ay nasalo pa nito ang patalim.

Sa pagkakataong ito ay mabilis na tumakbo ang lalaki patungo sa kanila, suot ang isang malaking ngiti.

"Chai!Corro!" Sambit ni Laxur.

"Kung ganon ay nandito ka pala!"Sambit muli ni Chai.

"*Hahaha!Hindi ko inaasahan na magpapakita kayo dito. Kamusta ang iba nating ka-tribo?" Sambit muli ni Laxur.

Halos hindi nalalayo ang wangis ng pananamit nito sa kanila. May kahabaan lang ang hugis ng mukha nito, kumpara sa normal. At tulad nina Chai at Corrosive ang kulay ng balat, buhok at mga mata nito. Mababakas din sa matipuno niyang katawan ang ilang mga pilat na mukhang nakuha niya sa maraming beses na pakikipaglaban.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon