Kabanata I - XXXI: Patimpalak II

955 81 7
                                    

3/5/17

Hindi maalis ang tingin nina Lyze kay Crow at labis silang nagtataka sa ipinapakita nito. Nananatili lang kasi ito sa kaniyang kinatatayuan at nakikipaglaban lang sa mga taong sumasalakay sa kaniya. Habang si Dyanna naman ay labis na namamangha sa kaniyang nakikita.

"Wow! Totoo ngang magaling si ginoong Crow! Lahat ng sumugod sa kaniya ay walang hirap lang niyang napatumba!" Sambit ni Dyanna.

"*Hmm... Pero bakit hindi pa sinusugod ni Crow ang ibang mga kalahok?" Tanong ni Lyze.

Agad napalingon si Dyanna kay Lyze, suot ang nagtatakang ekspresyon, at kasunod nito ay ang kaniyang pagsasalita.

"Sa tingin ko ay tamang disisyon ang ginagawa niya ngayon, dahil mas delikado kung susugod siya." Sambit muli ni Dyanna.

"Tama si Lyze, nakakapagtakang hindi sinusugod ni Crow ang mga kalaban niya." Sambit ni Sophia.

"*Huh? Hindi ko kayo maintindihan pero natitiyak kong nag-iingat lang siya." Sambit muli ni Dyanna.

"*Hmm... Pero nakakapanibago, dahil nung unang beses na napanood namin siyang makipaglaban ay tinatayang higit sa isang libong bandido ang kaniyang kinalaban at napaslang. Isama mo na din ang mga halimaw na namumuno sa mga bandidong 'yon." Sambit muli ni Lyze.

"Mga halimaw?" Tanong ni Dyanna.

"*Uhm... Mga halimaw." Tugon ni Lyze.

Hindi na naisip pa ni Lyze ang kaniyang naitugon, dahil nakatuon ang kaniyang atensyon kay Crow. Halos ganito din naman sina Sophia at Yyah, dahil batid nilang may hindi tama sa mga ikinikilos nito. Agad namang itong napansin ni Dyanna, kaya matapos niyang mapaisip ay itinuon na rin niya ang kaniyang atensyon kay Crow.

Samantala, nakatuon lang ang atensyon ni Crow sa iilang mga tao na kasama niyang nakikipaglaban. Ilan dito ay tulad niya na mag-isa at kasalukuyang pinapaslang ng mga ito ang bawat kalabang sinugod nila.

"*Fufufu... Mukhang ilang sandali na lang ay magtatagpo na ang kanilang landas. Sino kaya ang mananalo sa dalawang 'yon." Sambit ni Crow.

Matapos niyang magsalita ay isang pag-atake ang kaniyang pinakawalan, dahilan upang agad mawalan ng malay ang isang lalaking umatake mula sa kaniyang likuran. Ngunit kasunod nito ay isang babaeng naka-maskara at nakasuot ng magarang baluti ang marahang naglalakad papalapit sa kaniya. Napansin naman niya ang paglapit nito, sa katunayan ay isa din ang babaeng ito sa mga pumukaw sa kaniyang atensyon.

"*Fufufu... Mukhang magaling kang mandirigma, ginoo. Sa totoo lang ay nais ko ring malaman kung sino ang magwawagi sa dalawang lahing 'yon. Ang nagmula ba sa Nerubia o ang nagmula sa Haju." Sambit ng babae.

Hindi lumingon sa babae si Crow, bagkus ay tinugon niya ito habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa malapit nang magtagpong mandirigma.

"Hindi ko batid kung saang angkan ka nagmula, subalit batid kong mataas ang antas ng iyong istilo sa pakikipaglaban." Sambit ni Crow.

"*Fufufu... Sa iyong pananalita ay tila marami kang nalalaman patungkol sa malalakas at sikat na mga angkan. Batid ko rin na hindi ka pangkaraniwan, kaya bakit hindi mo sabihin sa'kin kung saang angkan ka nabibilang?" Sambit muli ng babae.

"*Fufufu... Hindi na 'yon mahalaga." Tugon ni Crow.

Sandaling natahimik ang babae at kalaunan ay napatitig kay Crow na nanatiling nakatuon sa papalapit na maglalaban.

"Masyadong arogante ang lalaking 'to! Paslangin ko na kaya siya?" Sambit ng babae derekta sa kaniyang isipan.

Ngunit may naisip na mas maganda ang babae at ilang sandali pa ay marahan nitong inangat ang kaniyang kanang braso at kalaunan ay mabilis na iwinasisawas paibaba.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon