Kabanata II - XLV: Mga hindi inaasahang bisita

1K 68 11
                                    

9/16/17

Kinabukasan, maagang umalis sina Ziek sa bayan ng Revinal at salamat kay Chai at sa tulong na rin ni Corrosive, dahil nagawa nilang madespatsa ang mga katawan ng kanilang pinaslang kahapon. Dahil sa ginawa nilang mga hakbang ay hindi na sila mapaghihinalaan, kung sakali mang may makatuklas sa mga katawan.

Sa mga sandaling ito ay ang kanilang grupo na ang sinusundan nina Riel, dahil mas pamilyar sila sa buong Nostrad. At tinatayang may dalawang araw pang paglalakbay para lang marating nila ang susunod na bayan, ang Arno.

"Hihinto ba tayo sa nayon na madadaanan natin?" Tanong ni Archon.

"Kung may makikita tayong nayon, bago lumubog ang araw." Tugon ni Ziek.

"Nauunawaan ko, pero nag-aalala ako sa batang 'yon. Papaano kung hindi siya tulad ni Lishri?" Sambit muli ni Archon.

"Wag kang mag-alala para sa kaniya, natitiyak ko namang makukuha din natin ang kaniyang loob. Masyado lang siyang natakot sa mga tao, kaya hindi madaling makuha ang kaniyang tiwala. Kaya mabuti pang ipaubaya na lang natin siya kina Niyetta." Sambit muli ni Ziek.

"*Tch! Hindi kasi maganda ang kutob ko para sa batang 'yon." Sambit muli ni Archon.

"Tama na ang pag-iisip mo nang ganiyan Arch. Ano naman ang magagawa ng batang 'yon laban sa'tin? Isa pa ay bata lang siya at tayo ang tumulong sa kaniya." Sambit ni Chai.

"Sana nga ay tama ka." Sambit muli ni Archon.

Samantala, hindi pa rin gusto ni Kel ang mga nangyayari. Lalo na ngayon na sila na ang sumusunod kina Ziek.

"*Tch! Hoy Riel! Hindi ba pwedeng iwan na natin itong grupo nina Ziek? Tutal ay nakuha na natin ang kailangan nating impormasyon para sa hinahanap natin. Sa tingin ko ay hindi na natin sila kailangan pa!" Sambit ni Kel.

"Hindi ka ba nakikinig, Kel? Hindi lang nag-iisa ngayon ang hinahanap natin at wala tayong ideya kung gaano sila kalakas, kaya makakabuti para sa'tin kung hindi tayo hihiwalay kina Ziek." Sambit ni Noha.

"*Tch!" Sambit muli ni Kel.

"Nauunawaan ko naman ang nararamdaman mo, Kel. Pero tama si Noha, malaking tulong sina Ziek para sa'tin." Sambit ni Riel.

"Pero sa tingin ko ay tama si Kel. Sa tingin ko rin ay maka-kaya natin ang mga kalaban sa oras na magsama-sama tayo." Sambit ni Paoro.

Mabilis na napalingon si Kel kay Paoro, suot ang masayang ekspresyon. Dahil sa pagkakataong ito ay nagkaroon na siya ng kakampi.

"Mukhang nahawa ka na sa kahangalan nitong si Kel, Paoro. Wala tayong ideya sa kung anong klaseng nilalang ang maaari nating makalaban. At hindi rin natin tukoy ang kanilang bilang sa ngayon." Sambit muli ni Noha.

"*Tch! Oo na!" Sambit muli ni Kel.

Napa-iling na lang si Noha sa pagkakataong ito, habang nanatiling tahimik si Riel at nakatitig sa grupo na nasa kanilang harapan, ang Infinitia.

Samantala, patuloy sa kaniyang paglalakbay ang itim na leyon, kasama ang babaeng nakilala niya kagabi, si Argos.

Tinatayang may apat na araw pa bago sila tuluyang makarating sa bayan ng Norm. At dahil dito rin patungo si Argos ay nakiusap ito sa itim na leyon kung maaari siyang makisabay, na kalaunan ay pinaunlakan naman.

"*Hmm... Nagbabalik tuloy sa'kin ang pakiramdam ng isang masayang paglalakbay. Maraming salamat, binibining itim na leyon." Sambit ni Argos.

Napabuntong hininga na lang ang itim na leyon matapos marinig ang sinabi ni Argos.

"Hindi ba't sinabi ko na alisin mo na 'yung binibini?" Sambit ng itim na leyon.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon