Kabanata I - XVII: Ang limang makapangyarihang angkan

1.2K 76 2
                                    

4/27/16

Gabi na nang bumalik sina Rishmond at Ziek sa dating tahanan ng mga Corter, at galing sila sa piitan kung saan dinala ang mga ito. Bakas sa kasuotan ni Rishmond ang ilang mantsa ng dugo, ngunit hindi na ito pinansin ng mga kawal. Tila batid naman na nila ang nangyari, kaya hindi na ito kataka-taka. Ilang sandali pa ay sinalubong na sila ng mga tagapagsilbing alipin at kalaunan ay sinamahan papasok sa loob nang malaking mansyon.

Sa loob ay agad nilang nakita sina Archon at Mads na masayang nag-uusap, suot ang mga magagara at makukulay na kasuotan. At pinaghihinalaan nilang pagmamay-ari ito ng mga Corter. May hawak din silang pilak na baso na kasalukuyang maharang sinasalinan ng mamahalin alak ng mga tagapagsilbi. Sa pagkakataong ito ay napangiti na lang sina Rishmond at ilang sandali pa ay nilapitan na nila ito.

"Mukhang damang-dama nyo ang buhay maharlika? Archon? Mads?" Sambit ni Ziek.

"Whoa! Nagbalik na pala kayo! Kamusta? May nakuha ba kayong impormasyon sa Raldini na 'yon?" Sambit ni Mads.

"*Fufu... Wag mong iligaw ang usapan Mads at sagutin nyo ang aking tanong." Sambit muli ni Ziek.

"Wag kang magalit Ziek, sinukat lang naman namin ang mga damit na ito." Sambit ni Archon.

"At kasama ba dito ang pag-arte nyo na parang isang maharlika?" Tanong muli ni Ziek.

"Hayaan mo na sila, Ziek. Tutal ay wala naman ng nagmamay-ari ng mga damit na 'yan." Sambit ni Rishmond.

"*Hahaha! Mabuti pa ang bata ay nauunawaan kami. Ang mabuti pa ay saluhan mo kami sa aming alak na iniinom." Sambit ni Mads.

Hindi na muli pang nagsalita si Ziek at kalaunan ay nagsimula nang maglakad. Agad naman siyang sinundan ng isang tagapagsilbi at kalaunan ay ginabayan patungo sa kaniyang silid. Ngunit ilang mga hakbang pa ay sandali itong huminto at kalaunan ay muling nagsalita.

"Wag nyong kalimutan ang ating misyon. Tandaan nyo kung ano tayo at kung ano ang ating layunin." Sambit ni Ziek.

Agad natahimik sina Archon at Mads, samantalang ipinagpatuloy na ni Ziek ang kaniyang paglalakad. Napatingin na lang dito si Rishmond at kalaunan ay inutusan ang isa sa mga tagapagsilbi na maghanda na para sa kanilang hapunan.

"*Fufu... Hindi pa rin talaga nagbabago si Ziek." Sambit ni Mads.

"Hayaan mo na siya at sulitin na lang natin ang gabing ito." Sambit ni Archon.

Napa-iling na lang si Rishmond at kasunod nito ay inutusan na niya ang isa pang tagapagsilbi, na ihatid na siya sa kaniyang magiging silid.

"Ipatawag nyo na lang ako kung handa na ang hapunan. Magpapahinga lang ako sa'king silid." Sambit ni Rishmond.

"Okay!" Tugon ni Mads.

Muling napa-iling si Rishmond habang naglalakad, dahil narinig na naman niya ang salitang 'yon. Ilang sandali pa ay narating na niya ang kaniyang silid. At matapos tanungin ng tagapagsilbi ay pinaalis na niya ito.

"Kung may kailangan pa po kayo ay ipatawag nyo na lang po kami. Sige po, panginoon." Sambit ng tagapagsilbi.

Matapos magsalita ay marahan nang isinara ng tagapagsilbi ang pinto. At sa pagkakataong ito ay agad naghubad ng kaniyang damit si Rishmond at kalaunan ay humilata sa malambot na higaan.

"*Tsk! Kung ganon ay wala din siyang alam tungkol sa may-ari ng barkong ginamit ng mga dumukot kina Lyze." Sambit ni Rishmond.

Samantala, nasa hindi magandang estado ang kalagayan ni Raldini, habang nasa loob siya nang maduming piitan. Bakas pa din ang takot sa kaniyang mga mata, habang walang tigil sa panginginig ang kaniyang buong katawan. Dumaan kasi siya sa matinding pagpapahirap sa kamay ni Rishmond. Tinatanong siya nito tungkol sa krimeng ginagawa niya at katulad naman ng inaasahan nina Rishmond ay magmamatigas ito. At dahil sa kaniyang pagmamatigas ay mas lalo lang siyang nagdusa. Inamin din kasi niya ang kaniyang krimen at sinabi din niya kung sino ang mga taong kasangkot dito. Sinabi din niya kung saan dinadala ang mga babaeng kinukuha nila sa bawat nayon na kanilang nasasakupan. Ngunit ang akala niyang tapos ng pagpaparusa ay mas tumagal pa, dahil na rin sa mga tanong na wala naman talaga siyang nalalaman. At kahit nagsasabi siya ng katotohanan tungkol dito ay pilit pa rin siyang pinaamin, habang unti-unting pinahihirapan. Sa katunayan ay naubos ang kaniyang mga kuko sa kamay at paa, dahil sa tuwing itinatanggi niya ang mga paratang ay inaalisan siya ng kuko.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon