Kabanata I - VI : Ang pilak na lobo II

1.4K 86 9
                                    

2/6/16

Umaga na nang marating nina Crow ang isang maliit na nayon sa paanan ng isang bunok. Agad silang naghanap ng maaaring kainan, subalit ang nayon ay hindi naaayon para sa mga manlalakbay, dahil walang serbisiyo o tindahan dito. Tanging lokal na mamamayan lang ang naninirahan at kapansin-pansin na hindi maganda ang estado ng kanilang pamumuhay. Batid nina Crow na natatakot sa kanila ang mga tao, dahil agad silang pinagsarahan ng bintana ng mga bahay na nadaanan at daanan pa lang sana nila.

"Mukhang hindi nila tayo gustong maging bisita." Sambit ni Sophia.

Nanatiling tahimik si Crow, ngunit ilang sandali pa ay sandali siyang huminto. Sa pagkakataong ito ay napahinto din si Sophia at muling napatingin kay Crow.

"Ano ang binabalak mong gawin ngayon?" Tanong ni Sophia.

"Hanapin natin ang ilog at doon tayo pansamantalang magpapahinga. Pagod na rin ang mga kabayo at kailangan na din nilang uminom at kumain." Tugon ni Crow.

"Nauunawaan ko." Sambit muli ni Sophia.

Ilang sandali pa ay muli na silang umusad at kalaunan ay nagtungo sa may ilog. Sa pagkakataong ito ay naramdaman ni Sophia na nakatingin sa kanila ang lahat.

"Wag mo silang pansinin. Posibleng natatakot sila sa mga bandido." Sambit ni Crow.

"Mukhang ganon na nga." Sambit ni Sophia.

Ilang minuto pa ay narating na nila ang ilog. Agad silang sumilong sa lilim ng isang malaking puno at matapos nito ay agad na nilang pina-inom ang kanilang mga kabayo. Kasunod nito ay agad nang pinuntahan ni Sophia si Lyze upang ito ay gisingin. Hindi naman siya nahirapan, dahil sa isang pagtawag lang niya ay nagising na ito.

"*Huh? Nasaan na tayo?" Tanong ni Lyze.

"Nasa loob tayo ng isang maliit na nayon." Tugon ni Sophia.

"Ganon ba?" Sambit muli ni Lyze.

"*Uhm! Kaya bumangon ka na dyan at maghilamos." Sambit muli ni Sophia.

"Naunawaan ko." Tugon ni Lyze.

Matapos magsalita ay saktong nakita ni Lyze si Crow sa tabi ni Sophia.

"Magandang umaga, gin..Crow." Sambit ni Lyze.

"Hindi ito ang oras para magbatian, kaya kumilos ka na, mahal na prinsesa." Tugon ni Crow.

Agad kumunot ang noo ni Lyze at kalaunan ay maharang bumangon. Subalit bago pa siya tuluyang maglakad ay muling nagsalita si Crow.

"Bago ka bumaba ay paki-abot mo nga sa'kin yung pana at palaso na nakasabit don sa may bandang dulo." Sambit muli ni Crow.

Agad napalingon si Lyze sa lugar na tinutukoy ni Crow at matapos nito ay marahan na siyang naglakad patungo dito.

"Itong bang mahaba?" Tanong ni Lyze.

"*Uhm! 'Yan nga." Tugon ni Crow.

Matapos makakuha ng tugon ay mabilis kinuha ni Lyze ang pana at ang mga palaso na nakalagay sa isang sisidlan. Ilang sandali pa ay mabilis na siyang naglakad pababa at ng tuluyang makalapit kina Sophia ay agad na niyang ini-abot ang pana at mga palaso kay Crow.

"Mangangaso ka ba sa gubat?" Tanong ni Sophia.

"Walang tindahan o maaaring makainan sa nayong ito, kaya wala na akong magpapipilian pa." Sambit ni Crow.

"Whoa! Maaari ba akong sumama?" Tanong ni Lyze.

"Hindi maaari." Sambit nina Sophia at Crow.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon