Kabanata I - XI: Ang binasagang pulang toro at mga taong lobo

1.3K 78 12
                                    

3/13/16

Sa mga sandaling ito ay tila hindi alintana ng mga bandido ang banta sa kanila ng mga mersinaryo, ang asul na tigre. Sa katunayan ay hindi nila iniisip ang papalapit na digmaan, dahil ang karamihan sa mga bandido ay natutulog, nagku-kwentuhan, nagsusugal at kung ano-ano pang mga walang katuturaang gawain. Hindi man lang sila naghahanda para sa paparating na mga kalaban at tila mataas ang kanilang kompyansang matatalo nila ang mga mersinaryo, kahit wala silang partikular na plano.

"Hoy Zakk! Hindi tanga ang mga mersinaryong 'yon, kaya natitiyak kong hindi sila papasok sa loob ng gubat ng basta-basta." Sambit ni Zaldi.

"Sang-ayon ako kay kuya! Wala ba tayong plano para labanan sila? Wala namang problema sa'kin kung wala, pero ang iniisip ko ay posibleng malaking ang mawala sa pwersa natin." Sambit ni Riz.

"Kung gusto nyo ay sasalubungin na namin sila. Batid kong napaslang na nila ang pangkat ni Pino, dahil dapat ay kahapon pa sila nakabalik dito." Sambit ni Ram.

"*Tsk! Ngayong nabanggit mo ang tungkol dyan ay hindi ko na maitago ang galit na nararamdaman ko para sa kanila! Si Pino pa naman ang isa sa mga tapat kong tagasunod. Bukod kay Mustaka ay siya lang ang nakakapagbigay ng mga gusto ko sa tamang oras at sa tamang panahon, kaya hindi ko sila mapapatawad." Sambit ni Grant.

"Kung ganon ay bakit hindi natin sila gulatin? Kahit tayong lima lang ay kayang-kaya nating silang ubusin lahat." Sambit ni Lushio.

"*Fufufu... Wag kayong magmadali, hayaan nyo namang magsaya ang ating mga tauhan." Sambit muli ni Zakk.

Si Zakk ang tumatayong pinuno ng Pilak na lobo at siya ang binansagang "Pulang Toro", dahil na rin sa laki ng kaniyang pangangatawan at tangkad. Mas umakma pa sa kaniya ang bansag na ito, dahil sa suot niyang helmet na may mga sungay ng toro at hikaw sa kaniyang ilong. At kung bakit may kulay na"Pula" sa bansag niya ay dahil matapos niyang makipaglaban ay mababakas sa kaniyang buong katawan ang dugo ng mga kaniyang napaslang. Tinatayang nasa pitong talampakan at apat na pulgada ang kaniyang taas. At dahil dito ay walang hirap niyang nagagamit ang sobrang laki at bigat niyang ispada, isang "Broad sword". Kulay kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at itim na may kahabaan naman ang kaniyang buhok.

Sina Zaldi, Riz, Ram, Grant at Lushio ay mula sa isang hindi tukoy na tribo. Subalit tanging sina Zaldi at Riz lang ang magkapatid sa kanilang lima at sina Riz at Ram naman ay pawang mga babae. Halos hindi nalalayo ang kanilang mga katangian, dahil pare-parehong kulay pilak ang kanilang mga buhok, kulay kayumanggi nilang balat at kulay asul ang kanilang mga mata.

Silang lima ay hindi nalalayo kay Zakk pagdating sa pamumuno, ngunit mas higit na mas malakas ito sa kanila. Labis na kinatatakutan ang Pilak na lobo, hindi dahil sa dami ng kanilang mga myembro, kundi dahil sa mga namumuno dito. Hindi kasi pangkaraniwan ang kanilang mga lakas, lalo na si Zakk na kayang umubos ng sampung libong kalaban ng mag-isa. Ang bawat isa naman kina Zaldi ay kayang pumaslang ng isang libong kalaban, gamit lang ang kanilang mga kamay. At ayon sa mga nakatalang impormasyon tungkol sa kanila ay kaya nilang punitin ang laman ng kanilang mga kalaban, kahit may suot o gamit na kalasag ang mga ito. At ang bansag sa kanila ay mga "Taong lobo".

Samantala, halos may ilang milya na lang ang layo ng mga mersinaryo sa kagubatan. Sa katunayan ay natatanaw na nila ito at batid nilang maraming mata ang kasalukuyang nagmamatyag sa kanila.

Halos may ilang milya rin ang layo nina Crow sa mga mersinaryo at napili nilang umayak sa isang burol, upang mapanood nila ng maganda ang magaganap na paglalaban.

"Kung ganon ay sa gubat na 'yon nagkukuta ang mga bandido?" Tanong ni Lyze.

"Mukhang ganon na nga." Tugon ni Sophia.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon