Kabanata II - XLVIII: Ang pagkikita II

1K 72 45
                                    

11/18/17

Ilang minuto na lang ay mararating na nina Riel ang maliit na nayon. Sa katunayan ay abot tanaw na nila ito at nakikita na rin nila ang malaking pinsala nito. Nakasalubong din nila ang ilang mga residenteng tumatakbo at ayon sa kanilang nakausap ay ilang mga halimaw ang sumalakay sa kanila.

Nailarawan din nito ang isang malaking manok na bumubuga ng apoy na siyang sumira sa kanilang nayon. Ngunit isang bagay ang hindi malinaw sa kanila, dahil ayon muli sa kanilang napagtanungan ay isang babae ang biglang naging isang dragon at nagsimulang kainin ang malaking manok.

(Paalala: Natatakpan ng malaking bundok ang buong nayon, kaya hindi na nakita pa nina Riel ang Dragon na si Argos.)

"Hindi maganda ang kutob ko dito, Riel!" Sambit ni Naho.

"*Tch! Huli na ang lahat para dyan, dahil nandito na tayo!" Tugon ni Riel.

"*Fufufu... Ilang sandali na lang at maipaghihiganti na natin si Niem!" Sambit ni Kel.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na nilang narating ang nasusunog na nayon. At dito ay wala silang nakitang malaking manok o isang dragon na tulad ng sinabi kanina ng kanilang napagtanungan. Subalit ilang mga kahina-hinalang tao ang kanilang nakita at ang dalawa sa mga ito ay halos nag-aagaw buhay na.

Mabilis naman silang napansin ng dalawa, hanggang sa ilang sandali pa ay isang malakas at nakakatakot na presensya ang kanilang naramdaman. Dahil dito ay mabilis nataranta ang kanilang mga kabayo at mabilis silang nahulog dahil sa pagwawala ng mga ito.

"*Fufufu... Hindi ko inaakala na magiging mabilis ang ating pagkikita, mga batang Hamon." Sambit ng lalaki.

Kahit ramdam nila ang nakakatakot na presensya ay mas nanaig pa rin ang galit ni Kel para sa pumaslang sa kanilang kaibigan, kaya nagsimula na siyang magsalita.

"I...i...ikaw ba ang pumaslang kay Niem?!" Sambit ni Kel.

"Niem? *Ahh! Siya siguro ang dahilan kung bakit hinahanap nyo ang dalawang ito. *Hmm... Posibleng ang shadow shaman ang pumaslang sa inyong kaibigan." Sambit muli ng lalaki.

Mabilis na napalingon sina Riel sa dalawang nakahandusay at dito ay napansin nila na tugma ang mga itsura at pananamit ng mga ito sa nakalap nilang impormasyon.

"Hindi biro ang lakas na nararamdam ko sa lalaking 'yan." Sambit ni Paoro.

"*Uhm! Tama ka, sobrang lakas niya at ang presensyang pinapakawalan niya ngayon. So...so...sobrang nakakatakot..." Sambit ni Naho.

"*Tch! Sana hindi natin siya kalaban, dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung matatalo ba natin ang lalaking 'yan." Sambit ni Riel.

Subalit matapos magsalita ay mabilis na natahimik si Riel, dahil bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Ziek sa kanila nung unang beses na magkita silang muli.

"Si Crow, ang pinaka-unang uwak na mangangalakal. Hindi namin tukoy ang dahilan kung bakit, pero malaki ang galit nito sa'ting lahi, at sa iba pang kabilang sa pinaka-malakas na angkan. Nung nakaharap namin siya, anim na taon na ang nakalilipas ay wala kaming nagawa. Hindi siya tinatablan ng kahit na anong klaseng mahika o kapangyarihan. At sobrang bilis maghilom ng kaniyang mga pinsala. Kung tutuusin ay mapalad kami at buhay pa hanggang sa ngayon, kaya pinapayuhan ko kayong tumakbo sa oras na makaharap nyo siya."

"Wag mong sabihing ikaw si Crow?" Tanong ni Riel.

Mabilis na napalingon ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya, habang ang lalaki naman ay nagulat sa kaniyang mga narinig.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon