Kabanata II - LXVI: Ang nakaraan ni Asheara

709 55 29
                                    

Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang narinig at napatitig na lang sa babae na tila mahimbing na natutulog sa loob ng kristal.

"Siya si Cornella? Kung ganon ay nagsasabi ng totoo si Argos. Hindi si Crow ang unang uwak na mangangalakal, kundi ang babaeng nag ngangalang Cornella." Sambit ni Lyze.

Sa pagkakataong ito ay si Asheara naman ang nagulat at kalaunan ay tinanong si Lyze.

"Anong sinabi mo? Kilala ni Argos sina Crow at pati na rin si Cornella?" Tanong ni Asheara.

"'Yun ang sinabi niya sa'kin nung huli naming pag-uusap." Sambit muli ni Lyze.

"*Tch! Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito. Posibleng hindi alam ni Cornella ang tunay na pagkatao ni Argos, kaya hindi niya ito nabanggit sa'kin." Sambit muli ni Asheara.

"Kung ganon, maaari mo na bang sabihin sa'min kung sino talaga si Crow?" Sambit muli ni Lyze.

Saglit na natahimik si Asheara, habang kagat-kagat ang kaniyang kanang hinlalaking daliri.

"Nauunawaan ko, kung ganon ay makinig kayo. Nangyari ang lahat ng ito, anim na daang taon na ang nakakalipas." Sambit muli ni Asheara.

***

Mahigit anim na daang taong nakalipas, tinatayang nasa mahigit dalawang daang taon pa lang si Asheara. At kahit nasa mura pa lamang siyang edad ay higit na ang kaniyang abilidad kumpara sa iba, lalo na sa kaniyang mga ka-edad.

Isa siyang tunay na henyo at ang antas ng kaniyang mahika ay maiku-kumpara na sa mga nakatatanda sa kanilang lahi. At bilang bata ay labis siyang mapangahas at halos lahat ng mga komplikadong mahika ay kaniyang pinag-aaralan ng walang takot. Karamihan ay matagumpay niyang naisagawa at dahil dito ay marami siyang nai-ambag sa kanilang lahi.

Dahil sa kaniyang mga nakamit ay masyadong tumaas ang tingin niya sa kaniyang sarili. At tila ba ay kayang niyang gawin ang lahat. Sa katunayan ay marami ang humahanga sa kaniya at halos lahat ay sa kaniya nagpapaturo.

Sa pag-usad ng mga taon ay unti-unti nang nauubos ang mga maaari niyang pag-aralan. At halos iilang hanay na lang ng aklat ang hindi pa niya nababasa sa kanilang malaking aklatan.

Sa pagkakataong ito ay sinubukan niyang magbasa sa hanay ng mga aklat na patungkol sa kanilang kasaysayan at kasasayan ng kanilang kontinente. At kahit malawak na ang kaniyang kaalaman patungkol dito ay kinakailangan pa rin niyang magbasa, upang makapaghanda para sa paparating na digmaan laban sa iba pang mga nilalang na kasama nilang nabubuhay sa kanilang kontinente.

Ilang mga aklat patungkol sa iba't-ibang uri ng nilalang ang kasalukuyang binabasa ni Asheara at halos ang bawat isa sa mga ito ay nasa pangunahing hukbo ng kanilang mga kalaban.

Ilang oras pa ang lumipas ay agad nang naunawaan ni Asheara ng husto ang katangian ng bawat isa at dahil sa malalim niyang pang-unawa ay mas mapapadali para sa kanila na magtagumpay sa paparating na digmaan.

Kilala ang kanilang lahi bilang isa sa mga malakas na nilalang sa kanilang kontinente, subalit iilan lang sa kanila ang kayang tumbasan o higitan ang kanilang natatanging kahinaan, ang malapitan at pisikal na pakikipaglaban.

Base sa taglay nilang paraan sa pakikipaglaban at sa tunay nilang taglay na kapangyarihan, hindi naaayon sa kanilang katawan ang makipaglaban gamit ang mga sandata at umasa sa kanilang pisikal na lakas. At sa oras na magawa ng kanilang kalaban na makalapit ay mas lalo na silang mahihirapan ipagtanggol ang kanilang lahi, lalo na ang kani-kanilang mga sarili. Gayumpaman ay wala pang nagtagumpay na mapasok ang kanilang lugar, dahil na rin sa kanilang mahigpit na depensa gamit ang kanilang mga kapangyarihan.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon