Kabanata I - XXI: Ang barko II

1.2K 75 8
                                    

6/30/16

Nang makabalik sa bahay paupahan ay dito na napansin ni Rishmond ang iba pang myembro ng Infinitia. Kanina kasi ay nakatuon ang buo niyang atensyon sa pagsuri sa mga bangkay na nakita sa barkong hinahanap nila, kaya hindi na siya nagkaroon pa nang pagkakataon upang makipagkilala sa mga ito. Lima ang saktong bilang niya sa mga ito na sa ngayon ay kasama nina Ziek sa isang mahabang lamesa, tatlong lalaki at dalawang babae. Sa katunayan ay tila hinihintay siya ng mga ito, dahil ang mga kwarto ay nasa itaas na palapag. Hindi naman na siya nag-aksaya pa ng sandali at nagsimula na siyang maglakad papalapit sa mga ito.

"Kung ganon ay ito ang kapatid nang kumuha sa'ting serbisyo? Hindi ba siya masyadong bata para sumama sa'tin?" Tanong ng isang lalaki.

Agad napatingin si Rishmond sa lalaking nagsalita na may kahabaan ang kulay itim na buhok at kulay kayumanggi ang mga mata. Halos nai-iba ang kaniyang kasuotan kina Ziek na halos tugma sa kasuotan ni Chai na mukhang gawa sa balat ng mga hayop. At base na rin sa pangangatawan nito ay masasabing marami na itong karanasan sa pakikipaglaban, base na rin sa daming pilat nito sa katawan.

"Tama, siya si Rishmond at kahit sa murang edad ay masasabi kong mataas na ang antas ng kaniyang abilidad pagdating sa pakikipaglaban, kaya wag ka nang mag-alala tungkol sa batang 'yan. Kaya na niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili." Sambit ni Ziek.

"Ikinagagalak ko kayong makilala, ako si Rishmond." Sambit ni Rishmond.

"Ako si Corrosive, bata." Sambit muli ni Corrosive.

Agad napatango si Rishmond at ilang sandali pa ay napatingin sa iba pa nitong mga kasama. Ilang sandali pa ay isa-isa nang nagpakilala sa kaniya ang iba. Ang lalaking kasama nila kanina patungo sa mga bangkay ay si Khadick. Ang isa pang lalaki ay tulad ni Ziek na nagmula din sa angkan ng Hamon, si Bickslow. Halos parehas sila ng kulay ng buhok at ng mga mata, ngunit magkaiba ang istilo ng kanilang buhok at tinatayang may ilang pulgada ang taas nito kumpara kay Ziek. Ang isang babae naman ay halos katulad ng kasuotan ni Dhem, si Pipay. Halos hindi rin nalalayo ang kulay ng buhok at mata nito kay Dhem, kaya hindi maitatanggi na iisa lang ang kanilang lahi o pinagmulan. At ang huli naman ay si Bogegang, labis na kakaiba ang pangalan nito at pati na rin ang kaniyang pananamit. Halos hindi nalalayo ang kaniyang kasuotan kina Chai at Corrosive, ngunit hindi ito gawa sa balat ng mga hayop at base na rin sa itsura nito ay mukha itong gawa isang malaking dahon o kung anumang uri ng halaman. Kulay pilak ang mahaba nitong buhok at kulay asul naman ang kaniyang mga mata. Nakakapagtaka din na may kahabaan ang tenga nito na labis na kapuna-puna.

"Mawalang galang na binibining Bogegang, pero kanina pa may gumugulo sa aking isipan, i..isa ka bang elf?" Sambit ni Rishmond.

"Isa akong dark elf at tulad ni Niyetta ay hindi rin ako isang tao." Tugon ni Bogegang.

Hindi na muli pang nakapagsalita si Rishmond at kahit batid na niya ito ay hindi pa rin siya makapaniwala na makakita ng isang nilalang na sa aklat lang niya nakikita at nababasa.

"Ang mabuti pa ay sabihin nyo na sa'min ang mga nakalap nyong impormasyon tungkol sa barko, para makapaghanda na tayo bukas ng umaga." Sambit ni Ziek.

Agad tumugon ang grupo nina Khadick, ngunit mas pinili nilang sa inupahang silid sa itaas mag-usap. Upang ng sa ganon ay maging pribado ang kanilang pag-uusap.

Samantala, kasalukuyan na ngayong nasa kanilang silid sina Lyze. Palubog na kasi ang araw, kaya tinapos na nila ang kanilang pagtitinda. At hanggang sa ngayon ay hindi maalis ang kaniyang pagkainis, matapos ibenta ni Crow ang itinabi niyang ispada na sana ay gagamitin niya para sa kaniyang pagsasanay.

"*Tsk! Ang Crow na 'yon! Bakit ba kasi ako nadala sa mga sinabi niya tungkol dun sa ispada ko! Ang sinungaling na 'yon! *Grrr!" Sambit ni Lyze.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon