Kabanata III - LXXXVII: Ang bayan ng Yarbal

97 18 1
                                    

9/13/21

Kinagabihan, nagpatuloy na sina Asheara sa kanilang paglalakbay at sa pagkakataong ito ay hindi na sila mag-isang naglalakbay, dahil kasabay nila ngayon sina Marde.

Bagamat batid nina Marde na mas delikadong maglakbay sa gabi, base na rin sa kanilang karanasan. Gayumpaman ay nagdisisyon silang sumabay kina Asheara. Batid nilang walang pinagkaiba kung anong oras maglakbay ang grupong ito dahil kahit anumang klaseng panganib ang kanilang harapin ay madali lang nila itong malalagpasan. Ngunit habang patuloy sa kanilang paglalakbay ay napansin nila na masyadong tahimik ang buong lugar, gayong nasa kalagitnaan sila ng kagubatan. Batid nilang mapanganib ang lugar na ito sa gabi, dala ng mga mababangis na hayop, ngunit sa mga sandaling ito ay kahit kaluskos ay wala silang naririnig. Hanggang sa ilang oras pa ang lumipas at hanggang sa tuluyan nilang narating ang bayan ng Yarball ay wala silang nakaharap na mga mababangis na hayop. Hindi lumubusan tukoy nina Marde ang dahilan ngunit isang bagay lang ang agad pumasok sa kanilang isipan.

"Iniiwasan sila ng mga mababangis na hayop." Sambit ni Marde derekta sa kaniyang isipan.

Tinatayang madaling araw na ng makarating sila sa bayan. At matapos nilang mai-lista ang kanilang mga pangalan at kung ano ang kanilang pakay, at makapagbayad ng buwis ay tuluyan na silang nakapasok sa loob.

"Ang mabuti pa ay humanap muna tayo ng bahay panuluyan." Sambit ni Asheara.

"Masusunod po. *Ahh! Kayo, ginoong Marde? Ano na ang plano nyo ngayong nandito na tayo sa bayan?" Sambit ni Vladimir.

"Magtutungo kami ngayon sa isang panday dito. Kung ganon ay magkita na lang ulit tayo sa susunod." Tugon ni Marde.

Napatango na lang si Vladimir at kalaunan ay nagsimula na silang umusad, habang sina Marde ay naiwan habang pinapanood ang pag-alis ng nakasamang grupo.

"Kung tayo lang ang naglakbay kagabi patungo dito, sa tingin nyo po ba ay wala din tayong makakaharap ng mga mababangis na hayop?" Tanong ni Tokha.

Napangiti na lang si Marde at nakalaunan ay napa-iling.

"Masyadong misteryoso ang grupong 'yon. Hindi pangkaraniwang tao si ginoong Vladimir at posibleng nararamdaman ng mga hayop ang kaniyang presensya. at dahil dito ay kusa na silang umiiwas na tila ba batid nila na isa itong uri ng hayop na mas mataas sa kanilang uri. Isa pa ay nagawa kong mahawakan at masuri ang ginamit na ispada ni ginoong Vladimir at natukoy ko na wala talaga itong talim at walang lihim na talim dito. Ito ay pawang bakal lang na hugis ispada. Sa katunayan ay hindi pa maganda ang pagkakagawa dito para masabing isang ispadang walang talim. Kaya nakakagulat kung papaano niya nagawang maputol at mahati sa magagandang tabas ang puno, gayong walang talim ang kaniyang isipada." Sambit ni Marde.

"Posible kayang kabilang siya sa mga sinasabing pinaka-malakas na lahi ng tao?" Tanong muli ni Tokha.

"Posible ang bagay na 'yan, pero hindi natin ito tukoy at mas makakabuti para sa'tin na hindi na natin ito malalaman pa. Pero kung sino man sila, natitiyak ko na hindi sila pangkaraniwang tao, lalo na si Asheara." Sambit muli ni Marde.

"Asheara? Dahil po ba siya ang nagbibigay ng utos sa dalawa?" Tanong muli ni Tokha.

"Ganon na nga. At kung ang kaniyang taga sunod ay kasing lakas ni Vladimir, imposibleng hindi siya nagmula sa isang maharlikang pamilya." Sambit muli ni Marde.

"Sa tingin nyo po ba ay may iba silang motibo at nagpapanggap lang sila bilang mga mangangalakal?" Tanong muli ni Tokha.

"*Hmm... Sa tingin ko ay mga totoo silang mangangalakal, pero ang tanong ay kung bakit sila naging mga mangangalakal. *Fufufu... Gayumpaman ay wala na tayo sa lugar upang alamin pa ang bagay na 'yon. Ang mabuti pa ay umalis na rin tayo." Sambit muli ni Marde.

The Crow MerchantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon